Tuesday, December 10, 2013

Bekikang

Di pa showing ang da habits kaya naman di pa ako pede magreview-reviewhan ng di ko pa napapanood. Ano yun, lokohans? Di pa showing pero may review na? So kenat-bi-tutubi! So kumuha ako ng isa sa piniratang tabing na peliks at yun ang aking bibigyans ng review for today.....

At dahil dyans... heto ang pelikulang 'Bekikang'. 


Ganito ang wentow:

Sa isang lugar, may ipinanganak si Janice... Isang baby boy. Kaso si boy ay hindi niya feel ang pagiging boy. He's a girl trapped in a boys body. In-short, isa siyang bekilet. 

Tanggaps naman siya ng mudrakels at pudrakels niya. Kaso natigok sa sakits ang kanyang mudrakels. Kaya naman ang tatay niya ay nag-asawang muli. Nagkaroon si bekilet ng wicked stepmudraks at wicked stepsisterkas.

Then lumaki na si bekilet. Siya na si Bekikang... Beki daw for short. Isa syang egg-winner este bread winner ng pamilya. Sa kanyang pagtitinda ng balots, binubuhay niya ang kanyang pudra, step mudra, step sisteraka at ang bunso (na nabuo sa pag boboomboompow ng kanyang pudraks at stepmudra).

Then one time, sa kanilang lugar, may isang hunky husbands lover ang bagong salta at pinagtritripan ng mga tambay. To the rescue si bekikang. At doon nalaglag ang panty niya sa guy named Fortunato... Fortune daw for short.

So lumandi na si Bekikang at naging mamasang sa pag-aabot at pagbibigay ng tulong sa kanyang fortune. So hinahati niya ang kita niya sa pagbabalot sa family at sa boylet niya.

Pero saklups-much ang nek na kaganapans sa kanya. Ang step-sisterakas, ayun, nasundot at nabuntis. Ang baby at ang nakabuntis ay now nakatira at palamunins na din ni Beki. Tapos ang kanyang boylet, nalaglag ang brip sa isang karinderya girl. Nangutang kay beki tapos biglang nawala.

Move on na sana.... kaso bumalik si boylet. Laglag-panty nanaman si beks. Tapos nalaman niya na may junakis na si boylet kay karinderya girl. Tapos mag-aabroad si boylet at ipapaiwan kay beks.

After 7 years, anong nangyari? secret! di ko sasabihin! Joke, dahil mahaba na rin naman ang synopsis, tuloy na! Umasenso naman kahit paano si Beks at close sila ng bata. Kaso nagbabalik si boylet dahil nagkabalikan na sila ni ex-karinderya girl na richie na. Babawiin na nila ang baby.

Anong laban ni Beki e siya lang ang nag-aruga pero galing sa shumod ni boylet at galing sa phuket thailand ni ex-karinderyagirl ang bata. 

At dito na bibitinin ang synopsis.

Score: 8===D 

Otso po ang score! lols! Well, kinda funny na sakto naman pero alam mong may something padin na factor na you can say its (  .  )(  .  ) so-so. 

Yes, may eksenang napatawa naman me dahil sakto ang banats. Pero cliche'ish padin at the same time. It was okay but not to the point that i can say it's great.

Perness, wala ang rumored boylet ni direk wenn na si DJ Durano! For a change, di ko sya nakita sa peliks. hahaha. Oks naman ang ganap ng lead bida na si Bekikang. Magandang moment yung pinaulanan niya ng sampal-sabunot-ngudngodish si ex-karinderyagirl. Medyo nakapagdala din sa comedy yung dalawang balut vendor na kaamiga ni Beki.

Impernes sa dvd na wala ngang anino pero rinig ang tawa ng kumukuha ng vid na nasa sinehan... si koyang may pigil ang tawa paminsan-minsan during film ay isang senyales na oks naman.

O sya, hanggang dits na lungs muna.

At as bonus, heto ang isang tube video ng isa sa song sa first part ng peliks....

B-A-D-A-F..... BADAF-BADAF Forever! lols di ko inakalang lumang song na pala itwo! 


TC!

5 comments:

  1. *hahahahahaha* Pwede naman early screening ang napanood di ba? Pero tama nga naman, hindi pa showing pero may review na? Aba'y g@g0 lang. :P

    Nakakatuwa naman yung score. *hahaha* Mahalay ba yung movie kaya ganun? Iniwasan ko to panoorin kasi ang jologs ng poster eh. *hehe*

    ReplyDelete
  2. Ahahaha, grabe talaga ang mga movie review mo sir khants :D tawa ako ng tawa kahit di ko pa napapanood ung peliks, navi-visualize ko na ung mga pangyayari.

    Dami kong tawa dito:

    "Anong laban ni Beki e siya lang ang nag-aruga pero galing sa shumod ni boylet at galing sa phuket thailand ni ex-karinderyagirl ang bata. "

    LMAO

    ReplyDelete
  3. parang akakakita ko lang yan dito sa net shop
    pinapanuod nung isa, anyway natawa ko sa sing at di halatang
    vintage na vintage na nga

    ReplyDelete

So.......Ansabeh???