Kung ang last post ko ay about Job openings at opportunities, this time may relate naman ito kung ano ang mga klase ng tao na dumadaan sa interview. Ang mga larawan ay nakuha ko sa isang website pero nalimutan ko kung saan galing. Hihiramin ko lang at hindi ako ang nagmamay-ari ng mga pics.
Heto ang mga uri ng mga tao na dumadaan sa mga panayam o interviews. Sila ang mga bad examples/habits kapag nasa interview.
1. The OverDresser
Sila ang mga persons na sumasabak sa interview with bonggang-bonggang outfit. Ikaw na ang naka-coat and tie. Ang sapatos na suot ay kumikinang sa kaitiman. Akala mo ay dadalo ng social events ang outfit mo pre. Ikaw ang taong gustong mag-stand-out. Pero appropriate ba tong suot mo sa lahat ng job applications? OA ka na masyado. Ang init sa pinas at ganyan ang attire mo? Maliligo ka sa sarili mong pawis.
2. The Under-Dresser
Ikaw ang kabaligtaran ng interviewee number 1. Ikaw ang exact opposite. Kung balot na balot sa damit ang nauna, ikaw naman ang tila nais mag hubo't-hubad sa interview. Akala nila ay parang nautusan lang silang bumili ng suka sa tindahan at pede ng isalang sa question and answer portion to get a job. Aba, ma hiya ka naman ng slight. Baka gayahin ang larawan na naka undies/boxers ka lang. Ano to, Bikini-Open?
3. The Stench
Hindi ka nga over-dressed, di ka rin under-dressed pero very powerful ka!!! Powerful ang amoy mo. Ayaw mong mapansin sa klase ng iyong pananamit pero nais mong mapansin sa iyong smell. Ikaw ang taong gumagamit ng eau de toilette o mga mamahaling perfume. Ayaw mong mag-downy perfume fresh at talagang gumamit ng mamahaling pabango or mamahaling imitation na pabango. Sa sobrang tapang ng amoy mo, hindi na makakahinga ang magtatanong sa iyo.
4. The Bullshi**er
Wow, maayos ang damit, hindi naman matapang ang amoy. Kudos! Pero pagdating sa question and answer portion ng interview, deads. Ikaw ang taong walang konek sumagot sa tanong. Hindi ka prepared sa possible questions kaya kung ano-ano na lang ang isasagot mo kahit kasing layo ng next gallaxy ang mga pinagsasasatsatmo. Deads na deads ka kasi puro ship ang iyong sagot. Holy Shipwreck!
5. The Trash Talker
Perfect ka na sana at pasok ka na sana sa interview kaso may isa kang pagkakamali, masyado kang bitter sa iyong past employer. Grabe ka sa pagdetalye ng kung ano-anong negativity sa nakaraang experience kaya naman nakaka-turn off ka. Pano ka ma-hihre kung ganyan ang attitude mo, baka mamaya, pag umalis ka din sa kumpayang aaplyan mo ay kung ano-anong paninira at muhi ang sabihin at iyong ipakalat.
6. The Talker
Yada-yada-yada. Puro ka dada, puro ka satsat, puro ka kwento at wala kang preno. Tinanung ka lang ng nag-interview na pedeng sagutin ng yes or no pero ang sagot mo ay kasing haba ng mga blog post na makikita sa internet. Akala mo ay isa kang writer ng nobela dahil sobrang dami mong sinasagot sa napaka-simpleng tanong. Over talk ka. Di na makasingit ang magtatanung sa iyo dahil pati kwento ng mga kapitbahay at mga hayop sa bayan ninyo ay maisasama mo sa iyong sagot. Gosh. Stop that!
7. The Appeaser
Ikaw na ang sumasang-ayon sa lahat ng terms. Grabe ka sa pagkadesidido na ma-please ang nag-iinterview sa iyo. Ikaw na ang gasang na gasang at uhaw na uhaw sa spot na kahit lumunok ka ng nagbabagang-apoy o kaya ay mag-juggle ng mga kutsilyo sa hangin ay gagawin mo. Masyado kang bibo na kulang na lang ay pakamatay you para lang maget ang job. Over na!
8. Nervous Twitcher
Naka-inom ka ba ng dalawang litrong kape kaya sobra ang iyong nerbyos? Para kang trumpong kangkarot na di mapakali kaya kung ano-ano ang ginagawa para maalis ang nerbyos. Walang humpay ang pag click mo sa iyong pen. Di ka matigil sa pangunguyakoy. Para kang pasmado na giniginaw na ewan. Di ka makuntento sa isang posisyon sa upuan kaya naman bawat segundo ay galaw ka ng galaw. Anu ba yan, may higad sa pwet?
9. The Apologizer
Sorry Sorry Sorry Sorry, Naega naega naega meonjeo,Nege nege nege ppajyeo. Ano ka Super Junior na kailangan mong magsorry. Ikaw na ang taong Sorry. Sorry this and Sorry that. Sa bawat tanong sa iyo, laging may sorry. Di malaman ng interviewer kung may deperensya ka sa pandinig o sadyang slow ka or nagshushunga-shungahan or talagang favorite word mo ang salitang sorry. You'll be sorry pag hindi ka matanggap.
10. The Mute
Ikaw ba ay related kay Mahduri ng Outsourced at napaka-hina mong magsalita na para ka ng pipi dahil hindi madinig ang iyong boses. Juskopong pineapple, paano ka maiintindihan ng nag-iinterview sa iyo kung kailangan pang itutok nito ang tenga nia para madinig ka. Ano ka beng, kulang na lang sa iyo ay magkaroon ng interpreter na nag sisign language para todo na ang pagka-pipi effect.
O ayan, knows nio na dapat ang mga no-nos sa interview. Dapat dont do the stuff illustrated sa taas para shoot sa bangga at malayo ang resume sa paper shredder.
TC!
whaha ang kulit ng Apologizer oa na yun ha...
ReplyDeleteWow ganda ng mga comic strip mo at napakainformative. Madaming kakapulutang tips nito. Good Job Gelo!
ReplyDeleteHahaha!! The apologizer.. hihi.. Natawa ako. Hmm... ilang bese lang ba ako nagkaroon ng mga interviews? mabibilang ko lang ata sa isang kamay ko.. bwahahaha!!! tsk.. hindi ko lang siguro talaga kapalran ang maging employee...
ReplyDeletePero nakaka relate ako sa numbers 8 and 10. Hhihihi!!!
My Tasty Treasures
Ako si LEAH
Everyday Letters
ako ata yung nervous twitcher! hahahaha talagang nanginginig ako. buti na lang nalampasan ko. haha!
ReplyDeletenapaka informative naman neto, akmang akma sa mga bagong graduates dis march pang hanap ng trabaho. hehe
hahaha! nakakarelate ako sa number 7. pabibbo effect na parang binibenta ang sarili at laging agree sa interviewer. :D galing nga mga comic graphics. you're hired.
ReplyDeleteThe Mute ata ako.. pero nde ko na maremember.. tagal na kase nun.. hahahaha..
ReplyDeleteStench pala tawag dun a.....Now you know!!!*alingdionisia pose* :))
ReplyDeletetlagang ganyan..iba iba ang fashion ng mga tao..meron nga kaong nakilala noon ang taray ng suot..pagdating naman sa Q& A naku..booba pala..ewn if ni nerbios siya nun.
ReplyDelete@AXL, dati apologizer ako. wakokokok. pero natrain ko na dapat makinig maigi :D
ReplyDelete@kalongkong, tnx. :D talagang i-name drop???? wahihihih
@leah, the mute din ako, saka apologiser, wahahaha
@hamster, wakekeke, pang-hatak page view at tips sa grads.
ReplyDelete@whattaquesso, wakokokok. naging ganto din ako pero hindi sobra-sobra. pag talagang ayaw ko, no
@babaeng lakwatsera, hehehe. mga soft spoken people yung the mute :D
@pajay, yes sir. :D
ReplyDelete@emmanuelmateo, naka-encounter na din ako ng ganyan
haha! natawa ako.. sa sunod i post mo naman kong anong dapat gawin pag sasalang k sa interview..
ReplyDeleteang cute cute ng mga comic strip.
@mommy-razz, try ko kung mag-kaka-entry ako sa iba pang tips. wakokokokk
ReplyDeleteKung ako yung interviewer gusto ko sigur yung appeaser. At least alam ko na gagawin niya ang gusto ko. The only problem is, kaya niya ba :) ehhee
ReplyDelete@rah, hehehe, korek, baka puro sabing yes kaya nia pero hindi
ReplyDeletelahat ng iyan, aking nasaksihan sa mga aplikante hehehhe
ReplyDelete@bino, so ikaw pala ang interviewer
ReplyDeleteilang interviews na din naman ang pinagdaanan ko.. mabuti't hindi ako naging ganyan.. siguro ung noevous twitcher... pero islayt lang hehehe...
ReplyDeletesa interview, maging smart at magpakatotoo.. malaking advantage na.. :)
pwedeng makarelate sa number 7 puhahaha.
ReplyDeletegagawin ko ang lahat kahit tumalon sa building jusmi jokes lng sympre...
sorry sorry naega naega hhaha SUju adik lng~~~
Ako, ako, nervous twitcher! Kaya, hindi ako makasagot lagi ng maayos! Kaya, hirap na hirap din akong makapasa sa mga interview. LOL. :D
ReplyDeletehahaha..astig nito pare..salamat for sharing..nag enjoy akong basahin...ako ata ung dresser...hahaha...buti nalang tinanggap parin ako..haha...arabo kasi e..LOL..nakuha sa pang-akit ko...haha
ReplyDelete@khanto: Naalala ko si Mahduri!.. :P meron pang isa, ung head twitcher.. si mahduri rin ang perfect example!.. :P
ReplyDeletenaalala ko tuloy ung naghahanap ako ng work madalas saken mangyari ung no. 4 ung the bullshiter lage malayo ang sagot ko.. pati ung no. 8 kakanerbyos kasi.. di malaman kung ano isasagot.. hehehe nice entry phowz... :)
ReplyDelete@istambay, yep, pagpapakatotoo ay big factor
ReplyDelete@unni, wahahah, alam mo din pala yung song na sorry sorry
@michael, ako din, at medyo nauutal pa :p
@akoni, hehehe, buti arabo employer mo
ReplyDelete@jeffz, hahaha, mahduri for the win :D
@egg, salamat sir sa pagka-interest :D
ReplyDeleteHahaha kakatawa to a... pero totoo nangyayari ung mga ganito talaga...
ReplyDelete@kebun, uu, nangyayari yan sa mga interviews :D
ReplyDeletenaku! iwasang maging the stench. wahhahaha.. kakatawa namang confident kanang sumagot at A++ na puros sagot mo pero parang violet na ang color ng nag iinterview.
ReplyDeletewhew! tingin ko, talker ang ending ko. ehehhe.. ayaw ko kasi ng awkward silence.
@nieco_speaks, hahaha. uu nga, awkward nga pag mag silence
ReplyDelete