Hello hello hello at isa pang hello! Kamusta kamusta kamusta at isa pang kamusta? Friday na today at may kutob ako na karamihan sa inyo ay magpapahinga na from work dahil restday na ng ilan.
At pag restday, madalas, papasyal sa mall at kakain or manonoods ng international moveeeeey! (pahiram erich ng line!) At dahil dyan, may chance na baka ang panoorin ninyo ay ang ika-apat na peliks ng mga alien na nagkakatawang sasakyan, ang Transformers.
For today, sa Kwatro Khanto, ang article/post ay tungkol sa pelikulang Transformers: Age of Extinction. Yep, Napanoods ko na last wednesday kaya naman may review-reviewhan for the day.
But wait! Sa mga ayaw makabasa ng detalye ng peliks/story, close the browser na or skip read na.
Ready? Oks, Decepticon, roll out!
Magsisimula ang palabas sa kung saang lupalop na may mga dinosaur na sinalakay ng some alien spaceship na nagblast ng anik-anik at naging metallic thingy ang place.
Tapos walang kinalaman much ang unang eksena sa susunod. Ipapakita naman na may grupo ng humans na naghuhunt ng mga Autobots. Papakita yung pagtugis sa kaawa-awang mga sasakyan na nagtratransform. Kahit nagmamakaawa ay heartless na hinuhuli sila.
Pero ang catch, yung mga humans ay may help sa isang tila Transformers/Alien na hindi naman Autobots at di rin Decepticons. Isang character na medyo pampagulo lungs na slight kasi di mo alam kung anong goal nia at pinaglalaban sa life ganyan.
Change eksena na! Papakita naman sa somewhere kung saan andoon yung bestfriend ng Talking Teddy Bear na si Ted (yung bidang lalaki sa movie na Ted). Kasama niya ang unknown actor na tila nagsasalvage ng mga gamit to make recycle stuff. Doon ay mabibili nila ang karag-karag na truck na dapat ay magegets ninyo na si Optimus Prime in disguise.
Sa medyo drag na part, papakita na medyo hikahos yung lalaki tas kasama pa niya ang dalagang anakish niya sa life. Tapos mga yada-yada eksena ay malalaman nila na Autobots yung Truck! Surprisa! Si Optimus! Naghihikahos. Mabait yung human kaya inattempt na tulungan si Prime.
Pero nagchuchu at sumbong-sumbong kay bonggang-bonggang-bong-bong yung iang guy kaya yung mga robot hunters ay nagpunta sa farm nila. Nagkaroon ng habulan at car chase scenes. Tapos Ang tumulong sa mag-ama ay isang driver na jowawits ni girlay... si Starlord ng upcoming movie na Guardians of the Galaxy.
Bigla namang lumakas ang weak na si Optimus noong makapag-scan siya ng dumaang truck. Ewan. Naging colorful na sya.
Tapos maglalabasan na ang mga natitirang Autobots na nagtatago. Syemps, andyan si Bembol Rocco este Bumblebee. tapos may Samurai-ish na nagiging helicopter at car na blue, bearded thingy na parang truck at isa pang car na green.
Kailangan nilang tuklasin kung sino yung mga hinayupak na tumutugis sa mga robofriends. Napag-alaman nila na isang company ang may fault. Ito ay pinamumunuan ng nagpakalbong emcee ng Hunger Games.
Sa company na iyon ay ginawa ang mga pinageksperementohang mga metal particles ng autobots at nakagawa sila ng human-made robots na nakakabwisit magtransform, parang molecules/atoms na ewan.
Tapos may labanan achuchuchu sa reincarnation ni Megatron at ang wanna-be na car na counterpart ni bee. clash-clash, car chase. hanggang sa mahuli at madakip si Optimus.
Then doon ko pa lungs na gets kung ano ang purpose nung parang transformers na tumutulong sa paghunt sa mga autobots. Isa pala itong collector na naghuhunt ng alien species (based sa observation ng mga anik-anik na nasa spaceship).
At sa kung anong kapekpekan na naganap, na kesho yung item na nakuha ng bad guys ay parang nuclear ekek na gagawing silvery metally ang earth na magcacause ng extinction (at doon pala connected ang title). Now kailangan hindi mapasakamay ng MAS bad guys. (talk about sudden change of heart chuchu).
tapos tatakbo pa ang wento sa mga sagupaan, sa barilan, car chase, fight scenes and stuff na mahirap itahi sa kaganapan sa mga naunang statements at story sa itaas. Yung masasabi mong BASTA, ganun ang sabi ni direk at ng storywriter e.
At magkakaroon ng pagliligtas sa planet earth again at ililigtas sila ng remaining autobots. At doon naman biglang lalabas ang mga Dinobots na di ko matandaan kung paano na meet ni Optimus yun (kung may kinalaman ba sa kweba sa china or nasa spaceship).
At sa bandang huli, everything is A-okay na ewan ko... parang ending na hindi ending. Nyahaha. Sabi may after credits scene pa pero well, keri lungs kung di ko napanood.
Score sa mahabang pelikula?
8! Otso lamang! Well, mas okay na ito kesa sa binigay ng pinoyexchange forums na 2/10! hahahaha.
DI na bago yung fight and explosibong-eksplosibong-expose saka car chase. Pero medyo pucho-puchoish ang peg ng film. May mga boring scenes saka too much hunts pork and beans na habulang gahasa ekek. Walang uber audience impact na talagang mapapa-Amazing or Wow while watching.
Sapat lungs at okay lungs ang sagot kapag nitanong kung maganda ba ang wento. Yung sasabihing 'KERI LUNGS!'.
Mas okay yung How I Met este How to Train your Dragon2. hahaha. Pede na sa DVD or torrents after ilang months.
O sya, hanggang dito na lang muna!
Take Care!