Hey! Howdy! Kamusta na kayo mga masugid na mambabasa ng Kwatro Khanto? Sana ay oks na oks kayo.
Last month, namasyal me sa kung saan at ngayon ay may chance na akong magwento dahil ayoko naman na matambakan ng anik-anik.
Heto na ang wento ng aking Boracay Adventure.
Last May 22, ako kasama ng mga opisfriends ay nagbyahe papuntang Kalibo dahil ang mga seatsales ay mabilis maubos kung Caticlan ang ruta papuntang Boracay. Hapon ang byahe namin, mga around 4:50pm pero dahil sa mga delay, mga before 7 na kami nakaalis.
Gabi na ng dumating kami sa Kalibo. Since gabi na at di kami sure kung may byahe ng bangka papuntang Bora, nagdecide kami na magpalipas ng gabi sa bayan ng Kalibo. Naghanap kami ng murang dormitory type na matutulugan sa gabi.
Arrival sa Kalibs
Ang Inistayan for a night at ang kainan for Man's bday
After makahanaps ng murang matutulugan, nag-dinner muna kami at nag-celebrate kasi birthday ng isa naming kasama, si Irman.
After magpalipas ng isang gabi sa Kalibo, kinaumagahan, inantay namin ang vengavan na maghahatid sa amin papunta sa port ng Caticlan. Ang pamasahe namin ay 275 (ata, medyo na memgap) kasama na dito ang boat fee pero di pasok ang environmental fee chuchu at terminal fee eklachus.
Actually, wrong Van ang nasakyan namin kaya may VanShot
Medyo mabilis ang vengavan namin dahil wala pang 2 hours ay nakarating na kami sa port. Tapos medyo pumila balde lang kami saglit sa pagsakay sa bangka. Wala pa atang 30mins. ay andun na kami. Finally nakalapag na ang paa ko sa buhangin ng Boracay.
VengaBoat na naka-park sa Boracay
Isang traysikol ride lang ang ginawa namin papunta sa accomodation namin (kakaiba ang traysikol sa Kalibs kaya kasya madamihan). Medyo tanghali na ng slights kaya naman after namin makapag-ayos ng gamit at bed allocation, walkathon na ng mga 2 to 3 mins. to the beach of boracay. Eto ang first time ko na masisilayan kung ano ang bukambibig ng mga tao kapag summer season. hahaha.
Sa waiting area ng St. Vincents Timmy & Dee side
Si Mei at ang swan towel folding
Lakad papuntang beach
Hala, kanya-kanyang pa-first pic sa bora
Dahil kumakalam na much ang tyan, go na lungs kami sa fastfood, Mcdo for lunch. Walang basagan ng food trip, bakit ba? lols.
Since tirik na tirik na parang titi ang haring araw, medyo nagtambay kami ng slight then palit na kami ng damit dahil magbebeach bumming mode na kami. Nilagyan ko ng protecsyon ang digicam kong si Forn para makakuha naman ng shot kahit nasa tubigans.
Sa hapons, check ng sunset naman ang peg. and sa pagsapit ng gabi, dinner somewhere. (nope, walang shot/pics ng mga foodie ganyans)
Grabbed pic from fb ng kasama
At dyan nagtatapos ang pinaka unang araw ng Boracay moment ko.
Hanggang dito muna, at medyo may queue na at mag-uuwian na dins kami.
Take Care folks!
note (di ko na inedit yung pics dahil tamad akong maglagay ng watermark ekeks)
I have never been to Boracay but I wish to go there someday it seems so nice to be there
ReplyDelete