Another month ang dumating. Hundyat na nangangalahati na ang taon. Sa mga ganitong panahon, oras nanaman para mag-random thingies.
1. While on, fb, nakita ko ang imahe sa ibaba. Ito ay ang personality traits ng disengaged employees. Nalungkot ako dahil 4 out of 13 ay lumalabas na sa aking work life.
2. Usaping opis, madami ngayon at ng nakaraang buwan ang news ng kakilalang nagresigns. Kakasad na kaganapan lang.
3. Di ko alam kung mapagbiro ang tadhana, pero sa tuwing masama ang pakiramdam ko at ako ay absent, doon may kainan sa opis o kaya naman may team meeting. So sad lungs. Like may balat ata me at di mapalad sa ganitong bagay.
4. Sa opisina padin, may mga task/ training na tila ngayon lang nila ginagawa. Well, minsan naiisip ko, ngayon lang nila naisip yung mga ganitong anik-anik. Yung feeling na parang pakunswelo na lungs at saka nila naisipan ang ganto kung kelan parang down na ang mga tao/employees. lols.
5. Gusto kong mag Dunkin Donut para makakuha ng Transformers figure.
6. Nag-enjoy ako sa trip sa Boracay. Di ko lang mashare kasi kapag sa bahay ako gagawa, mahina ang signal ng sun. Kapag sa opis naman yung lecheng proxy ng internet blinoblock ang blogger.
7. Nawento ko last random na medyo phumiphysical activity me via volleyball. Pero last saturday, parang i feel totally idiot sa laro. Hahaha. Mga mamaw sa Vball yung mga players. Tas i'm super banban na walang skills. Saklups.
8. May taklong kasals akong aattendan this year, 2 for this month at isa sa august. Napaisips ako, ako kaya??? lols. Kung jowawits nga waler.
9. Napanood ko yung ghostserye na 'Master's Sun'. Honestly, mas nagustuhan ko to kesa doon sa seryeng 'He Who Came from the Star'. Mas may kilig tapos may mumu-mumu pa.
10. Sabi sa balita tapos na ang summer, tag-ulans na! Pwede na kumanta ng songs like 'ulan', 'Sukob na', 'Tuwing Umuuulan at kapiling ka' ganyans.
11. I need to cut down sa gastos sa pagkape... Kailangan magamit for travel fund.
12. Nagplaplano kaming mag-ipon for a trip to Korea by 2015. Hopefully makaipon at makahanap ng seat sale ganyan.
13. 2 weeks break ang One Piece na manga. Huhuhu, kakabagot mag-antay.
14. Medyo naghihingalo slight ang PC ko, laging nagcracrash ang video driver chenes.
15. Di pa ako bibitaw sa pagblog. Hopefully may di pa bumitaw sa pagbasa ng kung ano-anong winewento ko.
Hanggang dito na lungs muna! take care Folks!
di ako bibitiw sa kakabasa ng blog mo ^^ ..
ReplyDeletepost ka lang, kakatuwa mga posts mo eh..
regarding sa opisina, lahat naman taung mga emplyado ganyan pakiramdam. juice koh lungs, kaka lokah ... makapag patayo nga ng sariling korporasyon, kakapagod na maging empleyado charrr..
Switch ka na sa Globe sir Khants hehe. Almost 2 months ko nang ginagamit itong Globe Tattoo, so far so good namans. Laging full bar ang signal at mabilis ang connection :)
ReplyDeleteSiguro need mo na rin magpalit ng bagong pc. Ikaw pa ba ang mawawalan ng pambili? hihihi
Di ako bibitaw pag basa ng blog mo Khants kaya kapit lang! Hehe!
ReplyDeleteIsipin mo na lang blessing in the skies na wala ka pag may kainan, napa diet ng di oras :)
natawa naman ako na tuwing absent ka saka may pakain sa office nyo haha sinasabutahe ka nila?
ReplyDeletemaganda ba yun One piece? naruto lang pinapanood ko na anime haha
Boom. Very entertaining :) Made my night ah haha
ReplyDelete