Thursday, June 26, 2014

Iligan-CDO Adventure

Hey there! Namiss ko kayo! Namiss ko ang pagwewento ng anik-anik kaya naman heto ako at nagbabalik sa aking bloghouse upang magsulat ng kaganapan sa buhay-buhay.

Last week, ako kasama ng ilan sa opismates ay lumipad patungong Mindanao region dahil kami ay naimbitahans na umattend ng kasal ng kaibigan at dating katrabaho.

June 19, mula sa Naia Termi3 ay nagflyflyfly to the southern part ng bansa at lumanding sa Laguindingan Airport sa CDO (not karne norte).

Pagdating, doon ay nagsabay-sabay kaming mga friends ng bride at friends ng groom (yung opismate namin) sa byahe.

Bago kami pumunta sa bayan ng kasalans, medyo nagkaroon kami ng mini tour at kami ay dinala sa isang place named Divine Mercy Shrine.

Dito matatagpuan ang malaking image ni Jesus.







After that, since medyo tirik na ang araw, byahe na kami papuntang Iligan. Mga 2 hours na byahe din yun. Pagdating ay nag-stay kami sa Pension house na arranged ng friend namin. Doon kami nagstay.

Noong hapon, nagpasyal lang sa Gaisano mall ng iligan para bumili ng makukutkot na chichirya and stuff. For dinner, may katabing ihawan yung pension house at doon na kami chumicha. 

Kwentuhan at catch up mode ang ginawa naming magkakaibigan sa gabi. 

Kinabukasan...

June 20, araw ng kasal.

Busy ang ilan dahil nga sa hapon na ang kasal. Kami naman ay late nagising, pumetiks-petiks at naghanda ng hindi much haggardo versoza.

Pagdating ng mga 2, nasa simbahan na kami nag nag-aabangers na magsimula ang seremonyas. Pero syemps, kailangan may picture with our friend. Then ang matrimony.











After ng kasals, syempre chibugans. Hahaha. Dahil pagabi na yung kainans, di na ako nagkaroon ng time na magpicture picture, medyo sablay ang gigicam ko kapag gabi. di kagandahan ang shots. 


After ng wedding, bonding time with the groom dahil inuman mode muna. Hahaha, don't worry, tamang inuman lang at walang basagan. Di naman kami alcoholics :D Pero mga 3am na kami natapos at nakabaliks ng pension house. hahaha.

June 21,

Umuwi na pa-manila yung isa naming ka-opisina. Ang ginawa namin ay nakisama sa tour na inorganize para sa family and friends ng bagong kasal. Ang nangyare, nag-falls hopping kami.

Unang stop ay ang Maria Christina Falls. 






Then after that, punta naman kami sa Tinago Falls. 






Pede kang magbayads ng 10 petot para mag small raft papunta sa ilalim ng falls. Tapos kung di ka swimmer, pede ka rent ng lifevest para sure na lulutang ka na buhays. lols. 

May mga batang jumpers sa Tinago Falls, meaning, sila yung mga batang aakyat ng pader tapos tatalon at magdidive sa tubig ng falls. Mga umeextreme adrenalin rushers. hahaha

Btw, kung mahina ang lungs ay di much recommended ang Tinago Falls, dahil kapag paalis ka na, aakyat ka ng hagdans na mga 400+ steps. Bawal sa weak heart. hahah.

Last falls ay ang Mimbalot falls. 




After nito, ininvite kami ng family ng bride sa kanilang mala-reunion sa isang cold spring pool. Chibugan time.


Noong gabi, kumain naman sa Gerrys Grill at nag-catch up uli at wentohans.


June 22,

Umuwi na din yung isa pa naming friend pabaliks ng manila. Kaming natira ay nagbalak na mag Camiguin. Kaso sa katamarans, ayun, di na nag-push. Factor din kasi ang time at travel time. So byaheng benggaBus na lungs papuntang CDO.

Pagdating doon, check-in sa isang pension house para doon mag stay ng 1 night. After mag-settle, tumambay na lungs sa mall at kumain at kumain. Noong gabi, pinuntahan namin ang Divisoria ng CDO kaso wala na palang night market. Namili na lungs kami ng pasalubong na pastel at kumain muli.







June 23, 

Free time, kanya-kanyang trip na lang muna at nag check-out ng 1pm. Nag bengaBus papuntang airport at time to head home na.






At dyan na nagtatapos ang kaganapan last week.

Medyo bitin kasi konting gala lungs pero sapat naman sa tulog at kain at pahinga. Atsaka, ang main purpose naman ay ang kasal ng aming kaibigan.

Happy kami kasi inasikaso kami much habang kami ay andun, di naman kami pinabayaans.

Magbabalak makabalik at susubukang gawin ang Camiguin-Bukidnon-CDO-Iligan travel combo.

O sya, hanggang dito na lungs muna. Take Care folks! 

3 comments:

  1. Dora lang ang peg... =) inggit much sa mga travels nyo, astig ^_^

    ReplyDelete
  2. Inggit ako, napuntahan mo na at nakita live in person si Maria Cristina! At ang Tinago Falls, natagpuan mo na! :)

    Ang laki laki ni Jesus, feeling ko malula ako pag nakita ko sya. Fun trip! Saya ng wedding / out of town trip :)

    ReplyDelete
  3. pinicturan mo pala yung swimming pool na unsafe

    ReplyDelete

So.......Ansabeh???