Hey! Howdy! Kamusta na kayo mga kapuso, kapamilya, kapatid, kabarkada at kakhanto!Kamusta ang inyong weekend? Ay, i forgot, weekday ninyo pala ang monday at tuesday. Hehehe. Ako pala ang nag-weekend.
Anyway, itong katatapos na aking araw ng pahinga, habang madalas umuulan na dala ata ng bagyong Henry (di ako updated sa news kung kelan ang dating ng bagyo and stuff like that), ako ay tambay sa bahay lamang at nag-marathon ng series.
At iyan ang ating ibibida para sa post na ito. Ang K-serye na aking nipanood ay may pamagats na Time Slip: Dr. Jin.
♫♪ Doctor Jin, Jones, Calling Doctor Jin ♪♫
♫♪Doctor Jin, Doctor Jin, Get up now (Wake up now)♪♫
Ang story ay magsisimula kay Dr. Jin (Ah-yippie-yi-yu, Ah-yippie-yi-yeah, Ah-yippie-yi-yu-ah) na isang doctor malamangs. Isa siyang neurosurgeon thingy. Tapos may nioperahan siyang tao na may tumor sa ulo (nope, not the head down there).
Then ipapakita na may jowabells si Dr. Jin name Kim Na Na Mi Na.Happy couple yung dalawa kaso nagkaroon ng misunderstanding about sa medyo arrogant attitude ni Dr. Jin sa isang pasyente na ayaw na niyang operahans dahil malaki na ang chance na madededo ito.
Dahil sa medyo sama ng loob ni Mi Na, nag-drivelaloo siya ng car na may galit at sa kasamaang palads, naaksidente ang kanyang minamanehong car (kaya don't drive peeps pag galit kayo!).
Then during operation ata ni Mi Na (magulo kasi ng slight ang umpisa kasi switch back and fourth ang slightly past at slightly present) nakarinig ng kakaibang boses si Dr. Jin at sumakit ang kanyang ulo.
Nagpahangin siya sa rooftop at doon nakita niya ang isang guy na inoperahan niya na nagnakaw ng mga medical supplies ganyan. Pinigilan ni Dr. Jin yung guy at nahulog sa bldg.
Di siya namatay. Instead napunta siya sa past. Sa long long long ago past.
Dito maiipit si Dr. Jin sa nakaraan kasi napunta siya sa history ng korea thingy.
Sa kanyang byahe sa nakaraan, mamimeet niya ang mga taong ito.
Lee Ha-Eung- Ang lalaking nagligtas kay Dr. Jin noong tinutugis siya ng mga pulis/soldiers. Malalaman sa kalagitnaan na kamag-anakan ng hari at magiging ama ng king.
Choon Hong- ANg kamag-anakan ata ni Hwang Jini. Isang Gisaeng (GRO) na misteryosa na tila may alam sa pagbiyahe ni Dr. Jin sa nakaraan.
Kim Kyung-Tak- isang pulis na junakis sa labas ng isang makapangyarihang clan noong panahon ng kopong-kopong. Siya ang lalaking magiging fiance ng past version ni Mi Na.
Hong Young-Rae- Ang 1860's persona ni Mi Na. Siya ang babaeng maiinlab kay Dr. Jin at medyo napapahamak sa mga anik-anik na nagaganap.
Sa pagbyahe ni Dr. Jin sa nakaraan, madaming kamalian ang nagawa niya sa pagbabago ng history. From future, gumawa siya ng mga desisyon na pagligtas ng mga taong nasa bingit ng kamatayan kahit na ang mga medical process at medicine ay di pa available sa mga panahong iyon.
Okay naman ang series. Medyo mahaba lang kasi 22 episodes siya lahat lahat. Andaming mga medical terms and jargons and process ang ginawa ni Dr. Jin sa mga naging pasyente niya. Nakakabanas ang mga kontrabida sa serye (those evil laughs ng mga kurap officials).
At the end, medyo so-so lang ang ending for me pero keri lang. Kasi sa hinaba-haba ng prusisyon, medyo napa-fastforward na ako sa ending. Seriously, anhaba lungs!
Medyo magulo lang ang concept ng Parallel Universe na tila yun ang concept ng serye. Kasi Usually parallel universe ay same year but different story flow ganyan. Pero for me, time travel thingy/ destiny shenanigans eklaver, reincarnation shizzniz ang peg.
Kung irarate si Dr. Jin....... Bibigyan ko ng 8.9 (sapat naman pero dahil mahaba much at nakakabanas ang mga pulitiko sa serye, nabawasan ang score na dapat ay 9).
O siya, hanggang dito na lungs muna! Take Care folks!
Kanta ulit!
♫♪♫
Doctor Jin, Jin, Calling Doctor Jin
Doctor Jin, Doctor Jin, Wake up now (Wake up now)
Ah-yippie-yi-yu
Ah-yippie-yi-yeah
Ah-yippie-yi-yu-ah
Ah-yippie-yi-yu
Ah-yippie-yi-yeah
Ah-yippie-yi-yu-ah
Doctor Jin, Doctor Jin, Wake up now (Wake up now)
Ah-yippie-yi-yu
Ah-yippie-yi-yeah
Ah-yippie-yi-yu-ah
Ah-yippie-yi-yu
Ah-yippie-yi-yeah
Ah-yippie-yi-yu-ah