Hellow! Tapos na ang travel posts ko kaya naman back to regular kung ano-anong maisipang topic post ang isusulat sa aking bloghouse.
At dahil dyan, since Spacewarp Saturday today, mag-time-travel tayo ng slight at bumalik sa past kung saan medyo ang colored tv ay medyo malabo-labo pa.
Kung babalik sa nakaraan, laging madadaanan at masasagasaan sa usaping 90's show ang mga sentai. Sentai ha, hindi Hentai. Eto yung show na pinagmulan ng Power Rangers franchise sa murica!
At sa usaping Sentai, stand-out na ang show na kilala na ng mga batang 90's, eto ay ang Bioman at ang Maskman.
Pero alam nio ba na meron pang sentai shows na ipinalabas sa pinas? Yeah! Meron! At dahil dyan, tayo ay mag balik-tanaw sa taklong sentai shows na maaaring naabutan din ng mga batang 90's.
Note: Eto ang tatlong sentai shows na aking narerecall at medyo naaalala pa.
1. Turborangers
Medyo naiba ang name niya sa mga ibang sentai dahil sila ang unang sentai na may dugtong na ranger sa kanilang group name. Sila ay 5 high school seniors na nabigyan ng powers upang iligtas ang sansinukob laban sa kalaban name Violent Demon Tribe.
Ang long japanese name ng show ay Kousoku Sentai Turboranger with the english name na High SPeed Task Force Turbo Rangers. Meron etong 51 episodes. Ang grupo ay nagcoconsist ng 4 boys at 1 girl. Yep, lalaki ang yellow ranger.
2. Fiveman
Back to the name with the word 'man' for fiveman. Sila naman ay grupies from some planeta na may namesung na 'Sedon'. Yung mudrakels at pudrakels nila ay scientist na nagtatangkang gawing greener ang planeta nila. Howevs, sinugod ang kanilang planeta ng kalaban named 'Zone Empire'. Dahil dyan, ang robot named Arthur G6 (like a G6, like a G6) ay inilikas ang 5 na junakis ng scientists at pumunta sa earth at trinain na maging Fiveman na defender ng mundo.
Ang Jap name nito ay Chikyu Sentai Fiveman na pag naging inglis ay Earth Task Force Fiveman. Ang show na ito ay may 48 episodes. Sila ay magkakapatid na 2 girls at 3 boys.
3. Jetman
May defence group named Skyforce ang nakadevelop ng 'Birdonic Waves' na kayang makapag-enhance ng superhuman abilities. Unfortunately ang grupo ay inatake ng kalaban called Vyram at ang 'Birdonic Waves' ay napasakamay ng 4 eartlings. Dito dedepensahan ng mga naging Jetman ang mundo against sa Vyram.
Itong palabas na ito ay may japanese name na Chokin Sentai Jetman at converted sa english name na Birdman Task Force Jetman. Meron itong 50 episodes at sila ay binubuo ng 3 boys at 2 girls pero may twist. Ang yellow ay lalaki at ang blue ay babae. Eto rin ang palabas na may namatay na member sa bandang dulo ng wento. Nadeds si Black.
After nito, di na ata naging 'IN' sa noypis ang japanese sentai at ang tinangkilik ay ang US franchise na Power Rangers (Yung Tiranosor, Mastodon, Teridaktil, Traysirataps, SebertutTayger lols).
Ay, nakakamiss ang mga old shows, hahaha, Kung mahusay ang net ko, mag mamarathon ako via youtube. :p
O sya, hanggang dito na lungs po muna.
Take Care!
Wah, peryborit ko yang Fiveman at TurboRanger. Sa ABC 5 pareho pinalabas yan dati diba?
ReplyDeleteyeah i love these .. elementary days ndi ako makagawa ng assignment dahil dito hahaha
ReplyDeleteSpacewarp Hentai una kong basa, na excite tuloy ako, buti nalinaw mong sentai pala hihi :)
ReplyDeleteNaalala ko pa sina Turbo Rangers at Five man! Lalaki kasi ako nung bata ako kaya pinapanuod ko sila :)
Five man at maskman ang paborito ko!
ReplyDelete