Hello hello hello! Dahil sa new schedule ko, di na ako nagkaroong ng time to watch a new film right after shift. Kailangan sa restday ko pa to panoorin kaya naman malamang sa alamang ay madami na ang nakanoods bago ko mapanoods to.
Pero huli man daw, mas maigi pa din na nakapanood at syemps yun naman ang aking bibigyan ng review-reviewhan for the day.
Ito ay ang ikalawang peliks na tungkol sa unggoy na si Ceasar (nope, hindi po Augustus ang kanyang first name at hindi naman Salad ang kanyang lastname).
Di mo pa din gets kung anong film? Basahin mo yung title ng post... Ayan, Dawn of the Planet of the Apes.... inshort, DOTPOTA. Yan ang film na ating rereviewhin.
Pero bago yan..... let me take a selfie.... joke! Bibigyan ko kayo ng chance na magdecide kung magbabasa ba or skip read. Syempre, baka di nio pa napapanoods at sisihin nio ako kasi spoiler.
So decide na friend!
Desidido Macapagal ka na ba? Oks, let's Go Macapagal-Arroyo na!
Nagsimula ang wento about sa pinakitang mapa ng buong mundo kung saan may lumaganap na sakit na kumalat from one place to another. Nope, this is not a zombiepocalypse thingy. Basta may sakit na pumapatay ng humans. Yung tila sumimot sa lahi ng mga taong may pechay at talongs.
Skip.... Papakita na ang tribo ng mga monkey-monkey-hinog-ka-ba-oo-oo-hinog-na-ako monkey-monkey-annabelle-how-many-monkey-did-you-see?. Naghuhunt sila ng foods.
Tapos lalabas si Ceasar (hindi po Montano ang apelyido at hindi siya Kuya) kasama ang kanyang junakis na anak na medyo bara-bara. Ayun, nasugatan tuloy ng Big brown bear. Don't worry, walang namatay na ape pa naman.
Papakita na si Ceasar ay ang tumayong leader ng mga apes. Siya ang hari. Siya ang masusunod sa groupies. Siya ang batas ganyan.
Papakits din na nakabuntis ng girl-ape ang bida at ngayon ay ipinanganaks ang kanyang pangalawang baby-baby-baby-oooh!
Switch scenario. Sa gubat, may dalawang unggoy ang ang biglang nakakita ng tao (which is supposedly ay extinct na due to the sakit/epidemya). Nawindang much yung human at binaril yung monkey. Ayun nagkaroon ng rift (naks, rift talaga ang term?? oo, wag mangealams) between the monkeys and the humans.
Since si Ceasar ang leader ng unggoy at dating nakasalamuho ng humans, nagbigay sya ng chance doon sa mga tao para umalis sa kanilang teritoryo. Sabay sabi niya ng linyang "GO!!!! Go now Go, walk out the door, just turn around now, coz your not welcome anymore!"
At tumakas nga ang humans at dito na marereveal na hindi lang sila ang nakaligtas, madami pa sila hakshuli at sila ay nakatira sa city. Ayon sa chismis este binanggit ay nagkaroon sila ng immunity sa sakit kaya sila naka-dream-believe-survive!
Ayaw ng war ng Ceasar at ayaw niyang maasar-ceasar kaya naman go siya sa place ng mga humans at nagbanta!
Sabi niya: "Wiz kayo puntabells sa aming teritoyo! Kenat ang Waelaloo pero if you want it, come on gerrit!" (something like that statement)
Pero di natinag ang humans. Ang pakay pala nila ay yung LaMesa Dam(binigyan ng name yung dam?) na mapagkukunan ng energy para magkakuryente at makapag-tweet at pm sila sa ibang mga humans na maaaring nakaligtas somewhere-somehow-someday.
So larga ang group ng bidang humans para makipag-usap kay Ceasar. Pumayag naman si Ceasar, give chance ang peg. ganyan.
Okay na sana pero syempre, kailangan may maging problema at kailangang may kontrabids kundi walang magiging ganap much at di uusads ang wento sa peliks.
So enter si....
Kuba
este...
Koba
Siya ang right hand Ape ni Ceasar. Mapait ang naging karanasan sa mga tao dahil pinag-ekspirementuhan siya at inabuso(nope, not sexually but most probably physically). Bitter siya at walang trust sa mankind.
Dahil feel ni Koba na mas mahal pa ni Ceasar ang mga humans at hindi pro-ape ang movements ni Ceasar ay gumawa ito ng paraan para i-blame ang humans.
Binaril ni Koba si Ceasar at isinisi sa mga tao. Na-convince naman niya ang sang-ka-ungguyan na magkaroon ng war against sa humans.
And so they made 'Sugod mga Kapatid' warcry!
Nag-clash ang humans at monkeys! At na-olats ang mga tao. At dito na pumasok sa kokote ni Koba na siya na ang leader! Siya na ang Big Brother na dapat sundin.
Wooooops.... Kung ano kasunods? Di ko na sasabihin.... Nyahahah. Bibitinin ko ng slight. Parang sa pirate films, may missing part minsans hahahahaha.
Sige, clue..... Buhay si Ceasar at tinulungan siya ng bidang humans.
Oh, ayan ha.... siguro dapat medyo may hint na kayo kung anong mangyayari... Na babawiin ni Ceasar ang trono/posisyon niya as leader at kailangan niyang kalabanin si Koba. Dapat ma-kutuban na kayo na magkakaroon pa ng part na it's a sign na talaga ng war between man and ape sa bandang huli.
Score for the film???? 9.ape (9.8) dapat pero gagawin kong 9.5. Hahahaha.
Ayos naman ang naging takbo ng peliks. Madali naman sundan. Mas angat kesa sa puro pasabog na bakbakan ng Transformers. Okay ang effects at hindi heavy ang drama or fight scenes and stuff.
Medyo may bawas lungs kasi may subtitle dahil di naman nagsasalita lahat ng apes so may instances na magbabasa ka ng sub. Hahaha. Minor lungs naman.
I can say worth it panoorin ang peliks kesa sa isang peliks na hype much dahil ang bida ay famous labteam ng pinas. (Wele se kenele eng lehets).
O siya, hanggang dito na lungs muna! Take Care folks!
hahahaha you ruin it.. panonoorin ko sana kaso naintindihan ko na ang peliks sa review mo kaya ndi na ako manonood haha
ReplyDeleteanak ng POTA, hindi ko pa siya napapanood!
ReplyDelete