Wednesday, February 18, 2015

Khanto sa Japan Day 3&4

Hey there! I'm back kahit masakit pa ang kasu-kasuan from the hike sa Sagada. Heniway, eto na ang karug ng wentong japan na naudlots due to some katams and circumstances. hahaha.

Iwewento ko na sa araw na itwu ang kaganapan sa day 3 at ilang nangyari sa last day or yung sa araw ng uwians.

Breaky padin sa umaga para may energy sa actibidades namin sa ikatlong araw sa Japan. Dito ay nag-inquire na kami kung what time ang vengavan ng hotel na magdadala sa amin sa desti na Disneyland. Around 9 sharp ay dumating na ang van at sumakay ng ang mga pasenngers from hotel.

Medyo maambonjovi ang weather kaya mas malamigs. Pagdating namin sa Disneyland, pilabalde na ang mga tao kasi around 10 ang pagbubukas ng themepark. Jampakers na ang mga madlang japanese folks at foreigners. Kami naman ay nag buy na ng ticket for the entrance ganyans.





Pagkapasok, dahil medyo malakas ang ambons at mahabs ang pila sa mga disney characters na kakalat-kalat sa park ay nagtambay muna ng slight kami sa loob ng souvenir stores. Painit-painit at tingin-tingins sa mga anik-aniks and stuff.









Pero dahil sayang ang time, kahit lumalakas at lumalaki ang patak ng ulan ay kelangan na maglibot-libot at magsakay ng mga rides ganyans.







Dahil tanghali na at tapos na ang unang parade, nagdecide kami na kumains na lungs muna. Turns out, pila balde din ang peg sa kainan ng Queen of Hearts kaya naman mga 1.5 hours ang inabots bago kami makakain at matapos kumains.












At dahil imbey ang ulan, di na kami nagpasyang pumunta sa Disney Sea at namili na lungs ng anik-anik sa store at konting libot pa sa disney.






After disney, taxi mode kami from Disneyland to our hotel para mag-dinner, empake ng mga gamit at last minute pasalubs sa sarili and stuff.

Sa lastday namin sa Japan, sa medyo dami ng baggage namin at medyo oldies na ang parents ay nagdecide kaming mag-taxi from hotel to airport. Ang chika kasi ng receptionist ay roughly 10k yen lungs ang taxi. So gorabels.




Pero habang nakasakay sa taxi, omaygash abelgash, kinakabahan mey dahil ang patak ng metro ay wagas, lumagpas sa estimate nung receptionist. Hutangina.... ober-ober. Tapos while on the way ay nakita ko kung ilang kilometro pa from airport, napa-pray ako much.

Anyare? ang bill ng taxi namin ay nasa 21k yen, mga lagpas 8k petot yun... but wait there's more, dalawang taxi kami kasi 5 kami. so you do the meth este math... Juicecolored! nabutas ang bulsa namins. lols.

Pagdating sa airport, nanghina na me dahil napa-abono ako at nagshare sa transpo. huhuhu. 

Kailangang ubusin ang natitirang cashing kaya buysung mey ng pasalubs like the flavored kitkats, Starbucks mug and some other pasalubs at masasabi ko na success naman ang trip to Japan ko.




-=-=-=-=-=-=-=-=-=-
Things na natutunan ko while nasa Japan.
-Parang di giniginaw ang mga hapons, aba, chill lungs, tanging coat or jacket lang suots nila. Walang ear muffs or bonnet ganyans.
-Medyo fashionista sila, may ibang dating ang pormo nila. Mostly black ang kanilang jackeets or suot kaya kung colored ka, agaw eksena ka much.
-Grabe ang silence sa train, minimal ang ingay di tulad ng mrt/lrt natin na matinde ang chikahan ng mga passengers.
-Most items sa convenience store ay may tax. Be careful sa bibilin ng di magulat na sobra sa nakita mong price display.
-Di uso ang tip sa kanila, susuklian ka nila sa ultimo bentsinko.
-pag nagsasalita sila, parang puno ng enthusiasm. Yung may energy ang pagseserve at paggreet nila and stuff.

Kung ako ang tatanungin, gusto kong bumalik pa. Pero hopefully ay mapera pa more ako para makabili ako ng mga bagay na gusto ko atsaka nais kong puntahan yung Universal Studios at ang ibang place aside sa Tokyo like Kyoto at Osaka. At sana hindi maulans para mas enjoy ang paglaboys.

O sya, hanggang dito na lungs muna mey. Take Care! Hopefully mashare ko na agad ang Sagads.

Thursday, February 12, 2015

That Thing Called Random Post


Back to random anik-anik post muna tayo. Gusto ko lang magsalitype ng magsalitype na tila ba nagbubuhos ng pakiramdams.

1. Dahil sa aking restday na wednesday at thursday, kada week, di ako kasama sa team meeting namin. Ewan ko, kinda sad na di ka kasama sa pulong ganyan.

2. Some folks sa team na binigyan ko ng pasalubs from japan doesnt appreciate yung binigay ko, So next time, wag na lang magbigay, sa close friends na lang talaga.

3. May valentines achuchuchu sa opis, pero parang di mo ko feel ito. Mas exciting yung event noong past years. 

4. Got the new book from Marcelo Santos, and it's kinda... meeeeh.... Sorry pero first few pages ng pagbubuklat, hindi ako naeengganyong magbasa.

5. Nagbabalik na ang mga reality shows, andyan na ang Walking Dead. Tapos andyan ang american Idol at palapit na ang pagbabalik ng amazing Race at Survivor.

6. Dalawang toy lang ng happy meal ang binili ko. Yun lang ang okay na figures from adventure Time toys e.

7. Namili ako ng isusuot para sa kasal ng HS friend ko. Barong-Barongan. Gash, parang coat din ang ang presyo ng barong, damaging sa bulsa,

8. Yung mga barista sa Starbucks near our office, isa-isang nagreresignan, Medyo di ko feel yung mga new baristas, parang di friendly and accomodating.

9. Nakalatags na ang travel thingies... Sagada for this month, Tapos Calaguas sa March then sa Kalinga naman by april, kasal sa Batangas by May tapos El Nido by July. hahaha. 

10. Watching tv series na based from anime ay medyo awkward. May cases na super duper OA ang portrayal ng mga characters. Yung hindi na cute tignan, nakakabwisit at times.

11.Nabalitaan ko na yung paknership ni Spiderman with Avengers. Well, sana maging matagumpay ito.

12. Sa mga magjojowawits na magbabalentayms, wag kalimutan na isang araw lang ang Feb. 14, pede naman mag date sa ibang araw. Wag OA.

13. Showing na daw ang 50 Shades of Grey. 

14. Boring ang nasa bahay ka lang. Hays... so fucking bored na nakakulong sa kwarto.

15. Nagpakulay ako ng buhok for the first time last week. Kulay blue. Pero hindi sya naging kulay blue, parang walang color lungs. At after a week, nangungupas na. hahaha.

O cia, hanggang dito na lungs muna.

Saturday, February 7, 2015

Bet Kita Walang Thing Called Tadhana



I love you sabado, pati buong linggo. Hello there. Dahil deadmadela na ang wentong japan at wa naman interested ay di ko na ito itutuloy.

Joke. Postponed lungs ay day 3 ng Japan adventure. lols.

For today, review-reviewhan mode tayo at hindi lang isa, dahil buy 1 take 1 tulad ng angels burger ang review for today. Dalawa, isang libro at isang peliks ang post for today.

Unahin natin ang book review. For our first topic, isang tagalog film na dapat ay irerelease sa araw ng mga puks este puso pero imba ang robinsons galleria at nirelease na agad nila ang book ni Bekimon called ' Bet Kita Walang Echos'.


Eto ay tungkol sa isang babaitang bekilou blanko na junak-junakan ng dalawang beks na nag-transfer sa isang schooliosis. Si Babaitang bekilou ay may kapangalan na popstar princess at Balat-patatas queen... Sarah. 

Sa school ay makaka-SEB joke, makikilala niya ang isang guy na gwapito, matalino at pak na pak na may namesung na Cedie.... ang munting prinsesita, este Cedric.

Malalaglag-t-back/panty ni Sarah at mabebet-na-bet-pakbet niya si Cedric kaso may alinlangan eto dahil may probability na may green blood si Cedric or may chance na paminta ito.

Ano ang mangyayari sa storya nila? Aba, secret, walang clue veloso. Di ko iwewents dahil dapat ay mag gets kayo ng book at basahin ito.

Score ng book? 9.5. Nuks, hontoos! Well, imperness, hindi sya compilation lang ng anik-anik na quotes or kasabihang ewan or banats or stuff na parang nabasa mo na sa chwirrer or sa somewhere. Di rin cliche-ish ang wents like the usual wattpadish books out there na heaven knows mo na ang storyline.

Maganda ang delivery dahil sa touch of humor and wit plus the keribels na gay linguish na ginamit sa libro. Madaling maarok ng braincells ang mga kemerut language.

Di rin nakakaskip-read ang pagbasa dahil hindi uber lengthy ang paragraphs and chapers kaya naman maeengganyo kang mag turn to next page.

Next dumaks naman tayo sa peliks na kanina ko lang napanood pero last restday ko balak talaga panoorin lalo na sa unang araw na isabak ito sa local moviehouse. Ang peliks ni Angelica at angelito Batang ama... 'That Thing Called Tadhana'.


Magsisimula ang wents sa babae nanaman... Bakit sa merlat nanaman eevolve ang ikot ng storya? Tanong natin kay kuya kim. Heniway, nasa airport si girlay ng Rome played by AngelicaP. Dito ay overload ang kanyang baggage counter at kailangan niyang magbawas, nope, di sya jejerbaks, need niyang magbawas ng laman ng bagahe.

Dito eenter the dragon si mature version ni Bagito, si Angelito batang ama. Iooffer niya na ishoot that balls na lungs sa kanyang bagahe ang ilan sa extra items ni girlay para wala na problema.

Then magkakaroon na ng revelation at mag-va-vagina monologue si girlay dahil hiniwalayan siya ng putanginang jowabels niya for 8 fucking long years. Yeah, 8 years, imagine, 8 putragis long years.

So binuhos as in buhos much ni girlay ang saloobin at mega chika niya ito kay boy na listener ng punyets na kabiguan at dalamhati ng beauty merlat.

From Rome to Manila to Bagiuio bound ang drama ng nagchichikaminute na boy and girl to sagada para lang maka-move on. At syemps, magkakadevelopan ang dalawa pero walang jerjer at boomboompow na nakakadisappoint ng slight.

At bibitinin ko ang wents kasi susuggest ko na manoods kayo dahil sulit naman ang bayads.

May score din na 9.5 ang film like the book kasi maganda ito at hindi rin uber cliche-ish and predictable ng over-over ang storyline. 

Magaling din ang hugot moments ni AngelicaP dahil F na F as in Futangina na Futangina ang mga lutong ng mura niya para lang may umf ang linyang bibitawan which is realistic.

Mahusay din ang delivery ni angelito dahil swabe ang emote at hindi robotic at hindi parang dinaan lang sa looks kaya nakuha sa role nia. Nope, may taglay na acting prowess ang actor na nabigyang hustisya naman kanyang ginagampanan.

Swak para sa mga medyo sawi at may hurtness pang nadarama ang movie na ito at pweds din sa single at sa mga magjojowabels.

Parehong approved ang libro at movie kaya naman go go go sago at basahin na ang libro or panoorin na ang peliks or gawin both, magbasa ka while watching para multitask ang peg.

O, hanggang dits na lang muna, nektaym na ang part 3 ng Japan. Pramis, isusulat ko neks iyon.

Take Care folks!


Friday, February 6, 2015

Khanto sa Japan Day 2

TGIF mga folks! sa mga magpapahinga sa weekend, edi wow! lols. Kayo na ang mag weekend restday. Hahahah. 

Anyway my way, heto na ang karug o ang karugtong ng wentong khanto kung saan ako kasama ng aking kapamilya ay nagbyahe papuntang Tokyo, Japan.

Day 2.

Sa ikalawang araw, sinimulans namin ang umaga with breakfast buffet mula sa hotel na tinutuluyan namin. Kumain na kami ng may kabigatan dahil minsan pang yayamanin ang price ng mga kainan sa toks. medyo umaambon sa araw na yon pero the ambon doesn't bother us anyway.

 Sample ng unliride tix ng train

 After noon, nagpurchase na kami ng unli ride ng choochootrainchuwariwap. So since ang sisteraka ko ang gumawa ng itenerary, so sunod sa agos na lang ang peg. Go kung saan pupunta. 

Unang desti namin ay ang Tokyo Tower. So train here, train there. Pagkababa sa isang station, may na-sightsung sila na kainan at doon kami nag temporary stop para makapagtanong ng direction. Ang name ng kainan ay St. Marc Cafe na nag-ooffer ng ChocoCro.




Dahil na din sa ginaw ng panahons ay nagpainit sila sa pamamagitan ng pagkakape at pagchochokolate at konting kain. Di ako umorder dahil minsan traydor tong tyan ko, mahirap na makaramdam ng na-e-erna lalo na baka walang CR na available.

After nito, walkathon ang peg para mapuntahans ang Tokyo Tower. Nope, kalokalike like sya ng Eiffel Tower pero iba padin. Ng matanaw, aba, syemps, picture-picture.







Pagdating sa mismong Tokyo Tower, nag-iisip kung aakyat pa kami sa loob/magbabayad ng entrance para puntahan ang viewing deck. Pero nagdecide na hindi na lungs. 

Nabroken-hearted ako sa nakita ko loob ng Tokyo Tower kasi may posters sila ng ONE PIECE na peborits kong anime. Ahead ako ng ilang months sa pagpunta kaya di ko makikita ang mga aning-aning ng OP. huhubells.


 Umakyat kami sa 2nd floor ng Tokyo Tower at doon kami nakabili ng mga pasalubong chenelins for friends and relatives. (you know, kelangan may pasalubs para kahit di sila nakatungtong sa japans, may item from japan naman sila). Ginugols namin ang mga 1 to 1.5 hours sa pamimili ng ireregalo (syemps, may kamahalans padin ang items sa tokyo so need to compute-compute and everything).

Matapos mamili, time to lunch na. Lakadathon ulit pabalik sa train station. Medyo lumalakas na ang ambonations kaya naman napabili na ng umbrella-ella-ella-eh-eh-eh ang mga folks. Bumili sila ng dalawa, share share na yung couples. Since di naman ako gremlin na dumadami sa ulan, di na ako bumili, sayang ang yen hahaha.



Medyo naligaw ng very light lang pero nakadating din kami sa aming paroroonans. Ito ay ang kainan na nakapag-inspire sa Kill Bill (insert whistling sound ng 'My Baby Shot Me Down' here ng Kill Bill). Ang name ng resto ay Gonpachi.









Matapos mananghalian, sakay nanaman kami ng Thomas the train para sa next desti. lipat kami from one train line to another. Grabehan ang mga hagdan pataas/pababa ng train kapag lilipat ka ng linya.

Hindi na sakop ng tokyo metro yung destination namin kaya naman noong lumipat kami ng isang train line, panibagong bayad ulit. Di na unli ang binili namin kaya we need to be careful sa pagsakay/pagbaba at pag-exit ng station.

Medyo lumalakas ang julanis morisette kaya naman a for effort ang pagpunta namin sa next destination. Eto ay ang Gundam cheverlin. Yep, yung paper bag ko ng pasalubs parang mapunit sa pagkakabasa ng ulan. Buti matibs ito.

Maginaw man at malakas ang patak ng ulan at lamig ng hangin ay go go go pa din. Like, saka na isipin kung sisipunin dahil naulanan, ang mahalaga ma-checkan sa bucket list ang place.

Medyo madilim ang paligid kahit mga 4pm/5pm pa lungs.





Dahil sadyang maginaw much sa labas, nagstay na kami sa loob ng malls at tumingin sa Gundam display thing sa loob ng mall. Di na kami nag-avail doon sa entrance ng Gundam Museum kung saan may lifesize Gundam pit kung saan pede magpapic kaso may price na katumbas.

Doon lang kami sa labas  at tumingin ng souvebir Gundam na mabibili. Hehehe.






Matapos nito, medyo in-a-hurry-strawberry kami pabalik kasi naman baka maabutan kami ng last train thingy at mag-eexpress nanaman ang train at magkalagpas-lagpas kami. Sa isang fastfood chain sa vicinity ng last train station near our hotel kami nag-dinner.

At dito ko na tatapusin ang wento ng ikalawang araw ng japan-japan shenanigan adventure. Ang last part ay ang Tokyo disney story at ang konting detalye ng lastday.

Hanggang dits na lungs muna!