Warning!
Post is rated S for Spoilers!
Binalaan na kita ah! sige scroll mo pa kung gusto mong ipagpatuloy ang pagbabasa ng review-reviewhan ng isang peliks na kapapalabas palang today.
Wrawrrrrrrrrrr!!! Kamusta mga ka-kanto! Heto ako at nagbabalik para maghatid ng isang movie review ng peliks na avail sa sinehan for this week and most probly in the next 2 weeks and so at magiging avail din sa mga torrent waiters out there na tamad na sa pagpunta ng sinehan.
Well, dahil alam kong umabot ka na sa part na ito kaya naman wag na natin patagalin pa at iwento nanatin ang pelikulang 'Jurassic World' at sa huli ay bigyan natin ng rating. :D Let's go sago!
Magsisimula ang peliks sa ipapakitang mga trailers ng ibang upcoming films syempre. Saka yung kay derek ramsay na hinahabol yung pirata ng sinehan na tumakbo-takbo at nakaapak ng kamatis.
Then ayun na, simula na nga! Ipapakits ang dalawang itlog ng dinosaur na unti-unting maghahatch at ipapakits ang isa na may claws na halos lalabas na ng kanyang egg shell.
Then shift muna sa isang pamilya na ihahatid ang dalawang junakis na boys papuntang airport for some adventure with their tita achuchuchu. Medyo boring scene.
Then ang destination ng dalawang bagets ay sa Jurassic World kung saan ito ay theme park featuring the dinosaurs. Isang malaking isla na converted para ma-enjoy ng pamilya ang mundo ng mga dino's with different rides and face to face encounter with the good natured dinos.
Dito ipapakits ang egzoitement ni kiddo one na isang fan ng mga dinos. Ipapakita ang nakakamangha at amazing dinos here like the dinos below.
Barney and Friends
Littlefoot and friends
Extreme Dinosaurs
At si Denver!
Then shift to the tita ng kiddos na si Gwen Stacey na parang lider-lideran or in-charge sa pagpapatakbo ng theme park. Work-work-work ang peg at achuchuchung kwento with the actual owner ng park/world. Na medyo pampahabs lang ng konti sa airtime.
Then napagkwentuhan nila na gumagawa sila ng artificial na dino para sa park dahil every now and then kailangan may new attraction to make the business stable ganyan dahil bumababa na ang pasok ng mga visitors. Then they developed a smart dino na malaki at kakaiba, isang hybrid na T-rex pero hindi T-rex kasi may halo, di ito puro,
Then hihingi sila ng opinion sa isa pang bida-bida for this movie..... si Star-Lord! Si star-lord ay nagtratrain ng 4 velociraptor. And it turns out may past sila ng slight ni Gwen Stacey.
While talking achuchuchu ang dalawa discussing about the hybrid dino called IndominusRex, napansin nila na hindi lumalabas yung dino. So they use a thermal scan pero waley. Tapos may nakitang scratchmark sa pader si Star-lord at dahil assumero siya masyado, nag-jump to conclusion siya na nakatakas na ang dino.
Pero no! Nasa kulungan lang ito subalit nalinlang nito si Star-lord at dahil doon, nagkaroon ito ng chance na makatakas.
At dahil dyan, kailangan na hanapin at tugisin ito. Then mapag-aalaman na may kakaibang powers or abilities ang dino like nakakapag-camouflage ito and malakas to kill other dinos.
Back to the kiddos, naglalamyerda sila sa park habang nakatakas ang angry dino at unfortunately ay may balat sa pwet yung dalawa kaya naka-face-to-face nila ito.
Nagkaroon ng habulan gahasa eklat pero dahil bida din ang kids ay makakaligtas sila. Meanwhile, hinahanap na ni Gwen Stacey ang kanyang mga pamangkin kaya kasama niya si Star-lord para isagip kapamilya ang mga bata at pigilan din ang indominusRex.
Medyo muntanga kasi hirap silang tugisin ang wild dino at sa kasamaang palad during the attempt ay nakakawala ang sandamukal na pteradactyl (isigaw mo na tila nagtratransform si pink ranger haha). At dahil doon madaming mga visitors ng theme park ang nasugatans at na-tegi-mon.
Nagkasama na ang magtitiya at si starlord. Then may epaloid na t-betchoy na eeksena pa ekek pero matitigok din pero part pala ng group na may balak gawin weaps ang hybridic dinos.
Then kailangan na matapos ang peliks. Masyado na atang mahabs so sugod mga kapatid ang mga velociraptor na trinain ni starlord. Then twist ng slight, nacontrol ni wild dino yung 4 na pumatay pa more ng tao na manghuhuli kay wild dino.
Pero kailangan na talagang matapos so nagawan ng paraan ni starlord na mapasunod ulit yung apat na velociraptor at ito ang tumugis kay wild dino. Subalit no-mets sila sa powers ng kalaban.
Naisip ni Gwen Stacey na ilabas ang kanyang trump card. Summon Blue Eyes White Dragon, sa attack position! Chost. Pinakawalan niya ang bidang T-rex from the previous movie ng Jurassic Park.
It's a match between two monsters. Di nila magamit ang skill na slap dahil sa kanilang short hands so they uses tail whip atsaka bite ganyan. Laban pa more ang dalawa pero mukang mas malakas ata si wild dino.
Dapat na talagang matapos, so may mangyayare na tatapos at pupuksa kay IndominusRex (depende na lang kung gagawan pa ng sequel to at magkakatwist na nakasurvive si wild dino).
At the end.
Haba no? lols
Rating ko??? um.... siguro Jurassic 8. Well, okay naman ang graphics and effects. Makatotohanan ang looks ng mga dinos kaya clap-clap-clap ako diyan.
Pero nakapagpababa ng score for me ay medyo madaming boring scene. Atsaka hindi madugo ang ganap. Though R-16, pero parang kulang ng intensity.
Base sa dulo, may probability itong magka sequel dahil yung nagcreate sa hybrid dino ay nakatakas ganyan with all the research materials and stuff.
Pwede na ang film specially for dino lovers, pero so-so sa mga naghahanap ng gruelly things. hahahah. Subalit, ngunit, hehephep, kung ikaw ay kurips at nahanginang chicharon kaya makunat, medyo manghihinayang ka ng slight sa 235 petot na movie tix. GOSH, hongmohol na ng panood ng sine ah!
Oks, hanggang dito na lang muna for me! Take care folks, at tandaan, If something chases you....Run!