Hey Hey hey! So kamusta naman ang inyong agosto? Ako medyo masaya na dahil magpapalit na kami ng schedule! Wooohoooo, bye bye na sa punyemas na 8am shift na makikipagpatayan sa pagsakay papuntang opis at pauwi. Hello 2pm shift!
Pero hindi tungkol sa shift ko ang focus ng blogpost na ito. For today, mag peliks review-reviewhan nanaman tayo ng isang film from US. Ito ay ang 'Inside Out'.
Meron na nito sa piniratang tabing pero-pero-pero tumalon yung disc na nabili ko kaya naman inignore ko ito last month pero dahil madami nagsabing maganda ito kaya nagdecide ako na panoorin sa big screen.
Babalu... Asawa ni Babala!
Ang post na ito ay naglalaman ng spoilers at kung may allergy ka sa spoilers, aba, uminom ka ng antigistamin cheverlin ganyans. Nang-aano ka e ha!
Magsisimula sa syemps sa walang kamatayang paghabol ni derek sa pirata cause piracy is stealing chever. Pero papasok ang infomercial ng junakis ni juday asking kung ano ang KABIT na narinig niya sa tv.
Then, may short story muna bago ang main film. Ito ay ang LAVA. Gash, grabe tong short film ng pixar... puno ng feels. About sa lalaking bulkan na wisheroo na makahanap ng special someone nia. At ng papaubos na siya, doon malalaman na sa ilalim ng karagatan ay may wisheroong girl volcano na mameet si guy. Pero parang di sila pinagtatagpo ng tadhana... Pero eventually happy ending.
Okay tapos start na ng film.
Ipapakita ang isang baby girl named Riley. Tapos eentrada na sa storya ang unang bida, ang isa sa emotions na nararamdaman ng isang bata. si Joy.
Ay mali, hindi daw po ito.
Happy si baby for 33 seconds until dumating ang emoterang chuvachuchung blue girlita emotion named Sadness.
Then ipinakilala pa ang iba sa mga members ng emotions squad ni Riley (insert song 'emotions')
Andyan ang matatakutin na si Fear.
Pear??
Then andyan si greeny girl na maarts at may pagka-high-fashion-thingy na si Disgust.
At ang huli sa tropa ay ang bugnutin at ang cutie red guy na si Anger.
Hunger?
All is well naman sa mga years ni Riley kasi mas nangingibabaw ang mga happy memories with family friends and anikanik thingies hanggang sa dumating ang time na sumapit siya ng 11 years old.
Nope, hindi pa sya nireregla... Wag kayong ano... Lumipat kasi sila ng bahay, napunta sila sa San Francisco. At dito medyo magugulo ang emotions ng kiddo.
Internally, ang nangyare ay dahil sa kaepalan ni Sadness, nawala si Joy at si Sadness sa HQ ng feelings ni Raymond Bagetsing. At dito na tatakbo ang ibang portion kung saan kailangan makabalik ng dalawa.
Sapat naman ang pelikula. Hindi siya super pangbagets at hindi rin for mature. Pero may mga tawa and chuckle akong nadama while watching pati nadin sadness. Oo, may part na nakakatouch.
Bibigyan ko ng markang 9 ang peliks dahil while watching medyo nakaramdam ako ng mixed emotions. hahaha. May joy, sadness, anger, konting fear na din saka disgust hahaha.
Nadidiscuss din sa film yung mga short term memory, long term memory, dejavu at anik-anik na parang psychological thingies.
Nadidiscuss din sa film yung mga short term memory, long term memory, dejavu at anik-anik na parang psychological thingies.
Sa tingin ko sulit naman ang bayad. :D nakuha ko naman yung worth ng binayad ko sa film.
O sya, hanggang dito na lang muna! Take Care!
Dahil aliw ako sa short film, eto nakita ko sa youtube
Dahil aliw ako sa short film, eto nakita ko sa youtube