Monday, September 12, 2016

Escalator Etiquette


Hello! Kamusta na kayo? Yeah, kakasulat ko lamang kahaps/kagabs pero ewan ko, parang nangangati ang mga daliri ko para magsalitype ng aniz-aniz.

For today, ang topic ay ang escalator etiquette. Yeah! May etikey-etikey thingy when gagamit ng escalator... you know, the hagdanang gumagalaw pataas o pababa sa mga malls ganyan.

Lately, may nakikita akong post sa pesbuk about this Escalator Etiquette at ang isang malaking mall sa kung-saang lugar ay nagkaroon ng kampanya to do the escalator etiquette.

Ano nga ba yung etiketang yun? Eto ay sa tuwing gagamit ka ng escalator, kung di ka nagmamadali at tatayo ka lang, dapat sa right side ka. Pero kung parang taeng-tae ka na or may hinahabol kang tadhana, sa left ka.

May mga tarp na nakalagay bago ka sumakay sa escalator at meron na ding sticker kung saan nakalagay ang katagang 'Stand' and 'walk' para alam mo kung saan ka lulugar. 

Pero ang malaking katanungan, bakit hindi magawa ng mga madlang folks ang sumunod sa simpleng bagay na ganito? Kitba deadmadela ang mga tao?

Heto ang mga kadalasang napapansin kong mga folks na di sumusunods.

1. Yung mga solo. Sila yung mag-isa na nga lang sa mall pero ewan ko at di masunod ang etiquette. Unang naiisip ko ay dahil gusto nila ng space sa mundo. Kaya naman para mapunan ang pagiging mag-isa at di madama ang kalungkutan, kailangang sakupin nila ang gitna ng escalator.  You shall not pass ang drama.

2. Yung solo lang pero madami ang pinamili. Yes! Richie dehorsie! Rich Asuncion! Sa dami ng pinamili sa mall ay parehong may mga shopping bag ang magkabilang kamay kaya naman di daw siya pedeng gumilid lamang! Like duhh! Rich, she/he can buy you, your friends at ang buong mall kaya di siya susunod sa etiquette! Paying customer remembah!

3. Yung may kalandian! Sila naman yung couples. Hindi pa sila pero kailangang maging sila! Kailangan ng da-moves. Kailangan mahawakan ang pechay este kamay. Kailangang maka-akbay! 

4. Mag-jowa at mag-asawa! Eto yung couples na mamamatay ata ang isa sa kanila kung maghihiwalay at hindi magiging magkatabi sa escalator. Yung tipong titigil ang tibok ng puki este puso kapag maykakahiwalay. End of the world na para sa kanila kung di sila magkatabi paakyat or pababa ng escalator. Feel nila may lovesong na tumutugtog habang sila ay magkasabay.

5. The Berks! Berserker barrage ganyan! Eto yung grupo ng spice girls at backstreetboys na nagpunta sa mall. Sila yung kailangang isang kumpol kapag gagamit ng escalator. Kailangan close sila para sabihing tight ang pagiging beshies nila.

6. The Dugtrios! Well medyo smaller ng konti sa groupies at tatlohan sila. Eto yung nagchichikahan sa mall ng aniz-aniz at ayaw maistorbo ang chikaminute kaya kailangan pa-triangle ang peg para hindi madistract ang usapans. 

7. The Fambam! Eto naman yung isang pamilya. Andyan yung magjusawa na kailangang hawak nila ang junakis at kailangang ipakita na one whole happy family. Kailangang sakupin ang buong space sa escalator coz hindi sila mapaghihiwalays.

Pero ang pinaka dahilan bakit hindi sumusunod sa etiketa? Well.... We live in a dangerous world! Fuck rules right??? Wapakels kung sino mang hudas barabas hestas ang makakasabay natin sa escalator! Tayo ang boss e diba???

Well, technically may exception naman talaga kung sakali pero sana ay ma-follow naman ang mga simpleng bagay para sa katinuan ng bagay-bagay. Maliit na bagay pero kung maaayos, maaaring magdulot ng impact sa bayan.

O cia, hanggang dito na loang muna. TC!

1 comment:

  1. Nakaka miss din minsan ang pagpupunta ko sa mall ng mag isa dahil wala pang klase. Matagal na iyon, nag aaral pa ako ng college sa cebu. Iyong bang bakante ng dalawang oras bago ang sunod na klase..

    ReplyDelete

So.......Ansabeh???