Saturday, September 3, 2016

Train to Busan

edit: May charuterang report achuchuchu kaya pinatake down ang post na itwu. Kaya heto, wala na pics.

Wake me up..... inside! Wake me up inside! Call my name and save me from the dark... Akala ninyo wake me up when september ends? No! I can't sleep ng ganun katagal no.

Anyway highway my way, ngayong araw na ito ay may moview review-reviewhan nanaman para sa bloghouse na ito. 

Ang palabas ay isang Korean Movies na pupular kaya naman gumawa ang pinas ng way para maipalabas din ito here sa ating bansa. Ito ay ang peliks na tungkol sa Train... Thomas the Train! Charots! Train to Busan.

O! Wag OA mag-react ha... kung manonood ka pa lang at ayaw mo ma-spoil, pede i-close at mag-train to Recto ganyans.






So kung handa ka na... let's go!



Magsisimula ang peliks sa kemerut eksena na may quarantine achucuchu somewhere. Tapos may nasagasaan na isang Deer pero nabuhay itwu este nag-reanimate... you know... the things zombies do.... 

Meanwhile, etong Bida ng Coffee Prince ay may fambam conflict kasi yung junakis niyang babae ay gustong magpunta sa mudrax niya kasi walang time si pudrax ganyan... you know... fambam problem..

Ayun na nga, walang choice si Pudrax kaya sinamahan niya ang kanyang bagets papuntang Busan. At they make sakay na nga sa Choo-choo train. Ipapakita din ang mga ibang passengers ng train.

Lingid sa kaalaman ng mga madlang pipol na nakasakay ng train, nagsisimula na ang pagkalat ng epidemya zombiepocalypse. At sa kasamaang palad, may epaloid na girlay na nakasakay at pumuslit sa loobs... Lam mo na.... start na ng masamang mangyayari.

Ayun na nga... so nag-start na magka-hawa-hawa ang mga pasenggers. It's like kung pano nahahawa ang ilang tomatoes kapag may isang rotten tomato ganern!

Shempre.... kailangan makaligtas... takas-takas ang mga tao. Moving from one part to another. Then may nalaman sila ng slight na hindi sila inaatake ng zombiefied folks unless nakikita sila ng mga itwu.

Medyo madami pa naman ang survivor pero kailangang mag-force stop ng train at pababain na ang passengers sa Betty-Go Belmonte Station.

Pero wrong choice! Yung station na binabaan nila infected na din at madaming nakaabang na zombies. Sumugod kapatid sila sa mga bumabang pasahero at nangalahati nanaman sila.

Back to train sila kaso nagkahiwa-hiwalay yung mga bida-bida ganyans. Syempre kelangan magkakasama ang mga non-infected so kailangan mailigtas nila ang sarili nila.

The guys ay nag-attempt na mag-move para iligtas yung mga na-trap sa cr ng train. Fight fight fight. Tapos nalaman din nila ang weaknes ng zombs, na di sila maka-attack kapaag madilims.

suspense.... suspense... sino ang magsusurvive ganyan.

pero shit really happens at talagang puta-puta ang shitness kapag naganap. Yung eksenang epaloid yung ibang pasahero at inisolate pa nila yung mga bida chenes. Pero Karma's a big bitch kaya naman nategi yung mga shutanginang ekstrang pasahero na survivors.

Dahil sa train problem, di makapag-push to Busan ang train. Kailangan nilang lumipats... i mean for the remaining few survivors. 

Subalit malupit ang tadhana at isa-isa ding natetegi yung mga bida. Isa-isa na silang nazombified. Until sa padating na.. Final 4!

At dito na bibitinin ang wento. Panoorin ni kasi!

Score ng film for me ay 9! yes! mataas sya. Eto yung peliks na nakaka-excite kung ano ganap. Though hindi super dugo or gore n ineekspect ko pero not bad. It's a zombie with a heart ganyans.

Mga napansin ko lang... Tatag nung buntis, nakakatakbo at hindi man lang nakunan or napaanak ng wala sa oras. Tapos kailangan puti ang damit ng mga bida? para makita ang bloods ganyans?

All in all... good film itwu!

O sya, hanggang dito na lang muna! Take Care!

3 comments:

  1. Binasa ko pa lang nastress na ako. Been reading very good reviews about this film but I am not really a fan of zombiepocalyse genre. Thank you for sharing though. :)

    ReplyDelete
  2. This is actually making me want to spend money to watch a movie at a cinema.

    ReplyDelete

So.......Ansabeh???