So nagchecheck ako ng pesbuk, nakita ko ang larawan na ito na galing sa social media chenelin ni Senator Bam Aquino... which i don't know kung valid page talaga niya ito.
So may pa-challenge chever para sa National Teachers month chuchu and kailangan mong ibigay ang namesung ng adviser mo since grade 1.
I know dehins ko kaya mamemorize ang namesung ng mga teachers ko noon at ang kanilang alyas lang, malamang sa alamang memory lane post lamang ito ng school mode.
Grade 1: Tita Cel. Yeah, dehins ko knows ang complete name ng adviser namin noong grade 1. Ang recall moment ko lang ay ang name niya na hawig sa pangalan ng isang DragonballZ character na nangangain ng Android.
Grade 2: Shucks, di ko talaga mahagilap sa memory lane ko kung sino ang aking teacher noon. Ang narerecall ko lang ay yung classroom namin ay isang two-storey bahay na binili ng school namin at ginawang classroom. Medyo scary at hauntedhouse-ish nga ang feel nun.
Grade 3: Tita Gladys. Nope, hindi po sya yung umapi kay Mara ng MaraClara. Ang natatandaan ko sa grade3 moment ay yung maging Class President ako at isang super embarassing moment na di ko ikwekwento hahahahah.
Grade 4: Tita Maan. Yung teacher namin na jinojoke na instead na Tita, Tina ang tawag kaya Tinamaan. Ang recall ko sa kanya ay jontis siya during the time na hinandle kami at ang fave wrestler noon ay ang pinangalan niya sa anak niya... si BrettHeart.
Grade 5: Tita Jonah. Di ko malilimutan ang teacher na ito dahil siya yung teacher ko noong bigla akong nalipat from the common block section ko na pang-hapon. Fave niya yung ipamemorize niya sa amin ang Psalm 23.
Grade 6: Tita Mariz. ZOMG! Di ko sure pero feel ko siya nga yung adviser namin. Hahahah. Medyo memorable kasi siya yung teacher during the time na gragraduate ako ng gradeschool. Aside from that wala na ako maremember-me.
HS 1: Ms. Vilma. Nah... hindi Santos ang apelyido. Memorable kasi medyo husky huskyhan ang voice niya plus new environment since nalipat ako ng school. Tapos paborito niyang ekspresyon ay yung 'Quesehoda' thingy. hahahaha.
HS 2: Sir Revie. Ang beshie-beshie ni Ms. Vilma kasi sila yung mga HS teacher na naghandle ng batch namin na pioneer o unang gragraduate sa school. Most memorable yung eksenang napa-cutting class ako during that time at face niya noon ang kumain ng saging sa classroom. hahaha.
HS 3: Sir Feri. Di ko siya malilimutan dahil nahati ang core 1 section namin into two dahil nadagdagan kami ng iba pang students. One thing na natatandaan ko sa kanya ay indonesian siya at favorite niya yung term na 'QUELE' na part ng religion class.
HS 4: Sir Ronald. Bagong teacher siya sa High School namin. Nothing super Duper memeorable pero syemps mas maaalala ko siya ng slight compared sa mga previous adviser ko. Physics teacher namin siya.
Salamat sa mga teachers kong ito dahil kung hindi sa kanila, malamang ay di ako natuto ng mga anik-anik sa academics. Without them, siguro hindi buo at kumpleto ang aking education journey at kahit paano, hindi horrible ang aking experience.
O cia, hanggang dito na lang muna! Take Care!
0 comments:
Post a Comment
So.......Ansabeh???