Tuesday, November 29, 2016

NovembeRandomRandom


Hey Guys! Howaryu? Keri nio naman ba ang ganapganap sa inyong mga buhay-buhay? Well, if yazzzz...yasmin kurdi, den good. If, no... Nova villa... then everything will be alright... eventually.

It's been a while since nagsulat ako ng post na random. Yung kung anik-anik lang na tumatakbo sa isipan ko. Well, siguro takot din muna akong magsalita for the past months. Pero now... medyo ready na akong magkwento.

1. Current serye na aking nipapanood ay ang series na 'Cinderella and the Four Knights'.

2. Last week, nag-karoon kami ng mini reunion dahil nag bday ang aking lola ng kanyang 85th bday!

3. Nakakamiss palang lumafang ng chinese food lalo na yung two way chicken (chicken slices na ibabalot mo sa parang pita/shawarma bread or sa lettuce.

4. First time ko gumaw ng Audio Video presentation or kinda slideshow lang ng pics with music.

5. Last month, bumili ako ng New Nintendo 3DS XL. Ang aking first ever handheld game/console aside sa hand-me-down na family computer noong super bagets pa ako.

6. Nakaranas na din akong makalaro ng Pokemon X which is okay naman.

7. Currently, Nagpopokemon Sun naman ako kaso medyo dragging ang ganap.

8. Inattempt ko mag multiple reset para makatyamba ng shiny pokemon pero olats.

9. Panahon na uli ng pangongoleta ng stickers para sa Starbucks Planner.

10. Oras nanaman ng pagkakape... Imperness, masharap para sa akin ang Santa Hat Dark Mocha chever na drink.

11. This coming weeks, magiging ninong nanaman me sa binyag ng mga junanaks ng friends.

12. Now i'm officially part of Tito's of Manila... yung tinatawag na Tito lols.

13. Marcos Burial- No comment

14. De Lima thingy- No comment.

15. Nakapag isang buwan ako na naglalaro ng Volleyball tuwing weekends/Restday.

16. Sumali ako sa paliga ng Vball sa opisina.

17. And nalaman ko na super basic volleyball gameplay lang ang kaya ko. 

18. Last week, nagulat kami sa balita na namatay yung isang kaklase sa Letran.

19. Nashock kami kasi active nia sa FB tapos suddenly he's gone.

20. Nategi sya via car accident, mukang di sya nakapag seatbelt kaya tumilaps sya palabas at nagka-head injury.

21. Last weekend, nagkaroon ng team building ang department namin sa opisina.

22. Akala ko okay kasi makakapagpahinga naman ako at unwind.

23. Nakapagswimming ako ng 15 minutes and that's it. May work kasi kinabukasan kaya di nasulit ang extra day (sunday sa resort).

24. You know what's depressing sa team building? Yung feeling na you don't belong on any team. Yung eksenang during the event, nakikita mo nagpipicture thingy/groupies ang mga tao na magkakabatch at magkakateam tapos ikaw nakaupo. Ubos na ang ka-batch sa department at wala na din yung super bonded teammates. Though currently part of a team pero di mo ma feel na you really do belong.

25. i'm slowly losing grip. Di ko na ata kayang magstay. Anhirap lumugar sa lugar na ramdam mo na you no longer belong. Yung hindi na familiar. Yung wala nang comfort and happiness. Yung naiwan na lang yung drive kasi sumusweldo ka,

26. Mahirap palang magthrowback ng pics kapag ang mga kasama sa larawan ay kasama ang nakalipas ng mga kaibigan mo. Yung kasama nila ang Ex nila.

O sya, hanggang dito na lang muna, baka maging nobela e. hahahaha.

Take Care folks!

Thursday, November 17, 2016

Fantastic Beasts and Where to Find Them

Nananana Nananana Wow Fantastic Baby
Dance I Wanna Dan Dan Dan Dan Dance Fantastic Baby
Dance I Wanna Dan Dan Dan Dan Dance Wow Fantastic Baby


Hello mga ka-khanto! Kamusta naman kayo? Still alive and reading? Good! Oks to know na okay naman kayo mga folks!

Para sa araw na ito, magkakaroon nanaman ng movie review-reviewhan ang kwatro khanto para isang panibagong palabas o peliks na kalalabas lang sa sinehan kani-kanina lamangs.

At dahil fresh from the oven ang peliks, I know na may mga madlang pips na ayaw ng spoilers kaya habang maaga pa ay binabalaan ko na kayo na ang post na ito ay naglalaman ng S. Suso charots! Naglalaman ng Spoilers!

Kaya naman kung isa kang Takusa... takutsaspoilers.... naku..naku.. at snaku! Wag mo na ipush ang iyong luck at i-close na itong page na ito. Hindi ito para sa iyuuuuu.

Pero kung ready ka na makabasa ng ganap.... well.. let's get it on!







Ang namesung ng movie ay Fantastic Beasts and Where to Find Them na mula sa author ng Harry Potter... si J... J.K Rowling.


Magsisimula ang kwento mula sa isang Danish boy na soon to be magiging Danish Girl. Siya ay nagmula sa europe at nagbyahe papuntang United States of America kasama ang kanyang Briefcase.


Then mapupunta siya sa isang spot kung saan may nakatakas na something sa kanyang briefcase kaya naman inattempt niyang habulin ang creature. 


Then may isang fluffy guy na may hawak din ng isang briefcase ang nasa same lugar. Then hinahabol padin ni Danish boy yung creature until mag magic-magic chenelins.

Nashock si Fluffy guy dahil may magic na ganap at di siya makapaniwala. Like unbeliebabol chenes-chenes.

Then for turn of events, nagkapalitan ng briefcase si Danish Boy at Fluffy Guy.


Then, may eepaloid na merlat na dating kamag-anakan ni Nora (Auror). Naasar-cesar siya sa ginawa ni Danish Guy na pag-expose ng magic sa muggle.


Dahil sa switchup ng Briefcase, si Fluffy guy ay aksidenteng nabuksan ang case na naglalaman ng mga creatures at nakalabas mula sa loob ang ilan sa mga beasts.





So kailangang mahuliang mga nakakawalang beasts na nanggaling sa briefcase.

Tapos sa isang side naman, sa goverment side achuchuchu, it seems na may hinahanap na something na ewan na di maeksplain ng maayos kung ano. Basta may ganap na anjirap iexpound.

Basta ang naganap ay napagbintangan si Danish Boy na may dulot ng pagkategibels ng isang muggle.

Then may climax pala  ang kwento kasi yung lalaki sa Perks of Being a Wallflower guy na magiging si The Flash sa upcoming movies ng DC ay may kakaibang powers na kayang makasira ng mga anik-anik.

Kailangan itong maiprevent at kailangang maiiwas sa kamay ng isa pang kalabs.

And then in the end, happy ending. The end.

Though for me maganda naman ang effects, medyo naguluhan ako ng slight at very light sa plot kaya hirap akong iexplain at mas maigi kung papanoorin nio na lungs.

Para sa akin, bibigyan ko ito ng 8.5. Yeah... kinda down. Though its cool with those magic and creatures and stuff... Pero ewan ko... naalibadbaran ako sa mga characters ng kwento.

Fuck that bitchesang babae na ex-auror na sumbungerang palaka kaya muntik na mapahamak yung bida at pati siya nadamay. Actually sana nga na-tegibells na yung bidang babae. Kairita sya!

The epal na Kalaban

Kaertha din yung punyetakels na kalaban. Though I understand na kalaban sya pero isa din siyang putragis na ewan! Sarap gilitan sa leeg!

The evolved for of Lisa (Lice/Kyumad)... Kulto

The Junakis ni Kulto lady

The putragis President with curly side hair

Tapos yung mga side characters din, kabuwisit. Yung epal na babaeng nanay-nanayan ni Barry Allen na leader ng kulto na nagsasabi ng quack-quack! Yung punyemakels na bagets na kumakanta-kantang ewan pati yung Madam President ng wizarding world!

Walang rootable characters na makakarelate ka. Like taas isang kilay tas wave ng kamay with snapping action saying 'you should die bitch! Deserve mo yang pagkamatay na yan pota ka! Naku, patayin na yang bagets!'.

Actually, mas okay pa for me si Fluffy Guy at ang romance/love thingy niya with the kapatid of that bitchesang pahamak na auror.

Good but not that great... Pasado naman kahit paano!

O sya, hanggang dito na lang muna! Take Care!

Friday, November 11, 2016

Halo-Halong Kwento: SagoSerye


Hello guys! Kamusta! Still doin' good? Good! Okay pa naman ako at may time para magsasalitype nanaman at magsulat ng blogpost kaya heto ngayon at may new post.

For today, isang libro nanaman ang ating bibigyan ng review.


Ang libro for today ay ang SagoSerye by pekoiman. Kung tambay kayo sa fb at madalas kayo mag-scroll up or  scroll down sa timeline ay malamang sa alamang ay napansin ninyo na itong comics type posts na naishashare.

Yah, comics type ito so hindi po ito tulad ng nakaka-umay na textserye na inyong nababasa na naishashare din sa mga timeline. It's different. Hindi rin ito compilation ng mga pa-witty at funny tweets.

Eto ay ang comedy-musical-labstory sa pagitan ni Gulaman, Sago at Saging.

Dito malalaman ninyo yung istorya ni Sago (lalaki) na kinakantahan si Saging (babae). At makikita ni Gulaman (babae) na ex pala nitong si Sags.

Iikot ang kwents at makikilala ang iba pang characters tulad ni Pinipig, Yelo, Ube, Corn, Langka, Beans, Mangga at iscream.

Masayang basahin ang ganap sa pagitan ng mga characters and funny and may times na mapapakanta ka sa mga linyang binibitiwan ng mga sangkap.

Kung hindi ko lamang nabasa sa FB ang first part ng story ay bibigyan ko to ng super high score na 10 dahil fresh ang approach niya for me. 

Pero doncha worry, sapat ang 9 na score para sa book na ito. 

Funny, witty, walang bad-vibes, di ka mapapa-skip-read at tuloy tuloy ang pagbabasa hanggang dulo.

Worth it din ang presyong 150 compared sa mga books na galing din sa mga shared pics/screenshots sa fb na pinublish para pagkakitaan.

Clap-clap-clap for the writer dahil napaka-goodjob at recommended book ito. Waaaaay better than the past few books na nireview ko for this year.

O sya, hanggang dito na lang muna.

Take Care!

Wednesday, November 9, 2016

Moon Lovers: Scarlet Heart Ryeo

Hello! Hello! Kamusta na?! Been a while but i'm back ulit at nagkaroon ng motivation para naman magkuwento ng something.

Well, for today, nais kong i-share ang isang korean series na madalas na laman ng facebook dahil shineshare ng mga fb friends. At dahil na-curious ako sa wento, bumili ako ng dvd from St. Francis Square at inumpisahan panoorin last weekend.

Ang namesung ng serye ay syempre Moon Lovers: Scarlet Heart Ryeo. Nabasa nio naman ang title diba? Alangan naman na mag-iba. Hahahahah.


warning... kung di mo pa napapanood ito at ayaw mong ma-spoil.... wag basahin. So... G na??

Magsisimula ang wento sa isang merlat (babae) na umiinom ng nobody nobody soju. Then nagkwento sya na medyo malas ang lola mo dahil pinagtaksilan ng boylet nia at kung anik-anik. 

Habang umiinom siya ng soju, may isang taong greasy ang nakiinom ng alak. Then may nalulunod na bagets sa isang lake at walang nakakapansin.

Walang choice si merlat girl kundi iligtas ang raymond Bagetsing subalit along the process, may kababalaghang ganap. Nalunod sya sa lake at habang may underwater video shot si girlay ay nagkaroon ng total eclipse of the heart chenes.

Then change timeline... Nagkaroon ng time space warp...

Sa Ancient Korea name Goryeo.

Sa isang bathing area... isa-isang iiintroduce ang mga prinsipe ng Goryeo. Pero pashensha... mga abs-abs lang ipapakita at hindi sila totally naked ganyan.. di to porn kaya hindi sila hubad lols.

Then poof, doon susulpot at eeksena sa bath house ang merlat na nakasuot ng new attire.


Si girlay ay tila sumanib sa ibang katauhan from ancient time. Walang magawa si girlay kundi gumanap at i-accept ang new persona niya.

Siya ay naging pinsan ng asawa ng isa sa prinsipe na bibigyan na lang ng namesung na Ikawalo (8th Prince).

Habang nasa new environment/era si girlay mamemeet niya ang mga prinsipe... 

3rd Prince

4th Prince

8th Prince

9th Prince

10th Prince

13th Prince

14th Prince

Sa new era aalembong ang girlay. Naku... Malandi pa sa kambing. Kangkarot kung mangharot. Imagine na-inlababo siya sa jusawa ng kanyang pinsan! Hindi lang yun, maaakit niya din si 10th at 14th prince pati ang 4th Prince!

Ipapakita sa serye ang typical na eraserye ng korea kung saan may hari tapos ang thirst for power at maging aringkingking.

Ipapakita din ang hardships and trials ng 4th prince na kinahihiya dahil sa kanyang scar sa pes ganyan.

Ang serye na ito ay aabot ng 20 fucking episodes pero sulit naman. Pero nasa baba ang aking opinyon.

-Makiri yung bida. Kamag-anak ni ekans... ahas... inahas sa pinsan niya si 8th Prince.

-Si girlay ang nag-introduce ng concealer na makeup.

-Bobo si 4th Prince, uhaw sa pansin ng mudraks niya na ayaw naman sa kanya! 

-Medyo shunga si girl, sa dami ng nilandi niyang prinsipe, di siya nakipagboomboompow agad-agad. lols

-Ang pagpatay sa kapatid due to power is soooo overrated hahaha,.

Ang serye ay bibigyan ko ng score siguro ng 8/10. 

Gamit na gamit ko ang pag x1.5 ng eksena para mapabilis ang takbo ng wents dahil medyo mahabs ang 20 episodes.

Actually, kasalanan ni girlay ang mga sinapit ng magkakapatid na prinsipe.

Okay lang naman yung ending.

Kung gawang pinoy ang serye na ito, malamang sa alamang ay mas magpapakita ng flesh and skin ang mga bida para ma-entice ang viewers. Meron ding kidnapan at nawawalang diary charots!

Yun lang!

O sya, hanggang dito na lang muna! Take Care


Tuesday, November 1, 2016

Doctor Strange

Hello! Kamustasa na mga madlang folks! Ambilis na talaga ng panahon. Ilang tulog na lang, pasko na! Well heniway, bago pa sumapit ang kapaskuhan at pangangaroling at noche buena ganyans, magreview-reviewhan muna tayo ng isang peliks.

Kakarelease lang sa sinehan angfg peliks at alam ko may mga folks na di pa nakakanood dahil umuwi ng probinsya para sa undas. Pero sabi nga ni Senyora, lakompake! charots! Syempre i care so i'm making a warning... Spoiler ahead.

Sometimes, the feeling is right

You fall in love for the first time
Heartbeat, and kisses so sweet
Summertime love in the moonlight


Doctor Strange.. Strange.. Calling Doctor Strange!
Doctor Strange... Doctor Strange Wake Up Now (Wake Up Now)

Unang eksena ay sa isang library, may grupo ng villains ang sumugod at pinugutan ng ulo yung librarian. Tapos ay may pinunit na pages ng book. Tapos hinabol ang mga villains ng someone at nagkaroon ng amazing fight scene kaso nakatakas ang main villain. Then....

Sa isang hospital, merong isang magaling na doctor. Isang kampanteng doctor! Ang namesung niya ay Stephen Strange. Galing galing niyang mag-phantom of the opera ganyan.

Pero perong bukid, na lilipad-lipad, one day, habang nag dridrive si Doctor, siya ay na-aksidente. ZOMG! 

Dahil sa car accident ni Doctor, naapektuhan ang kanyang sampung mga daliri.. Ang kanyang hands ay parang pasmado. Nanginginigs! Ang kamay na siyang bread and butter ni Doctor sa pag-oopera ay   nachorva.

Pano na mag-jajacklin-jose si Doctor. Di na siya makakapag Mariang Palad charots! Di na pede mag- fingeringer lols.

Kenat be tutubi! Ayaw pumayag ni doc na matapos ng ganun ganun na lungs. Opera kung opera para maayos ang kamay nia.

Pero masakit maglaro ang tadhana sabi ni ate charo santos. Subalit ayaw sumuko ni Doc. Until may mabalitaan siyang ex-pasyente niya na nireject niya dahil hopeless case subalit nagkaroon ng miracle.

Nalaman niya na somewhere, down the road.... may someone na makakapagpagaling sa kanya. Pero kailangan niyang bumiyahe sa bansa ng mga papampam.. NEPAL lols.

So kumuha ng seat sale si doc at nag-fly away, skyline pigeon fly papuntang ibang bansa upang makipagsapaalaran.

Dito ay nahanap niya ang place kung saan may magtuturo sa kanya. Subalit sa umpisa ay skeptic si doctor kasi out of this world of medicine and technology ang eksplanasyon sa kanya.

Kailangan pang mag-sample-sample-sample para lamang maniwala si Doctor Strange. Nagmakaawa siya na turuan siya. At eventually ay tinuruan naman siya mag meditate at i-unleash ang aura power.


Dito natutunan ni Strange ang kakayanan ng anik-anik powers. Naging dalubhasa siya in the end at dito nalaman niya ang mga iba pang detalye keme ng villain na nagnakaw ng libro. Mas nalaman niya pa ang mga bagay-bagay tungkol sa powers thingy.

Naging mapusok din si Strange kasi palihim siyang nagbabasa ng mga advance books and stuff at one time ay ginamit din niya yung isang kuwintas na may powers.

At kailangan na tumakbo ang kwento so eeksena na ang kalaban muli. Nilusob ang base kung saan nagtratrain si Strange at napadpad sya pabalik ng New York na isang alter base ng kanyang pinagtrainingans.

Dito ay nakipaglaban siya sa kalabs at during the fight ay nakuha niya ang kukumpleto sa kanyang attire... ang Kapa. So nagladlad na ng kapa si Doctor Strange char.

At nag-away-away na at para climax ay i-uunleash na ng kalabs ang isang powerful entity named Dormammu.

At puputulin ko na ang wento kasi sayang naman ang binayad kong 240 petot kung i-chika ko lahat diba?

Score for the film? 9! Medyo refreshing naman ang environment sa Doctor Strange dahil it uses magical realm thingy. Saka yung powers naman at effects ay mahusay din. Kahit sa labanan. Nakaka-asar lang yung infinite tsukoyomi no jutsu na ginamit ni Doctor Strange sa dulo.

O sya, hanggang dito na lang muna! Take Care!