Tuesday, November 1, 2016

Doctor Strange

Hello! Kamustasa na mga madlang folks! Ambilis na talaga ng panahon. Ilang tulog na lang, pasko na! Well heniway, bago pa sumapit ang kapaskuhan at pangangaroling at noche buena ganyans, magreview-reviewhan muna tayo ng isang peliks.

Kakarelease lang sa sinehan angfg peliks at alam ko may mga folks na di pa nakakanood dahil umuwi ng probinsya para sa undas. Pero sabi nga ni Senyora, lakompake! charots! Syempre i care so i'm making a warning... Spoiler ahead.

Sometimes, the feeling is right

You fall in love for the first time
Heartbeat, and kisses so sweet
Summertime love in the moonlight


Doctor Strange.. Strange.. Calling Doctor Strange!
Doctor Strange... Doctor Strange Wake Up Now (Wake Up Now)

Unang eksena ay sa isang library, may grupo ng villains ang sumugod at pinugutan ng ulo yung librarian. Tapos ay may pinunit na pages ng book. Tapos hinabol ang mga villains ng someone at nagkaroon ng amazing fight scene kaso nakatakas ang main villain. Then....

Sa isang hospital, merong isang magaling na doctor. Isang kampanteng doctor! Ang namesung niya ay Stephen Strange. Galing galing niyang mag-phantom of the opera ganyan.

Pero perong bukid, na lilipad-lipad, one day, habang nag dridrive si Doctor, siya ay na-aksidente. ZOMG! 

Dahil sa car accident ni Doctor, naapektuhan ang kanyang sampung mga daliri.. Ang kanyang hands ay parang pasmado. Nanginginigs! Ang kamay na siyang bread and butter ni Doctor sa pag-oopera ay   nachorva.

Pano na mag-jajacklin-jose si Doctor. Di na siya makakapag Mariang Palad charots! Di na pede mag- fingeringer lols.

Kenat be tutubi! Ayaw pumayag ni doc na matapos ng ganun ganun na lungs. Opera kung opera para maayos ang kamay nia.

Pero masakit maglaro ang tadhana sabi ni ate charo santos. Subalit ayaw sumuko ni Doc. Until may mabalitaan siyang ex-pasyente niya na nireject niya dahil hopeless case subalit nagkaroon ng miracle.

Nalaman niya na somewhere, down the road.... may someone na makakapagpagaling sa kanya. Pero kailangan niyang bumiyahe sa bansa ng mga papampam.. NEPAL lols.

So kumuha ng seat sale si doc at nag-fly away, skyline pigeon fly papuntang ibang bansa upang makipagsapaalaran.

Dito ay nahanap niya ang place kung saan may magtuturo sa kanya. Subalit sa umpisa ay skeptic si doctor kasi out of this world of medicine and technology ang eksplanasyon sa kanya.

Kailangan pang mag-sample-sample-sample para lamang maniwala si Doctor Strange. Nagmakaawa siya na turuan siya. At eventually ay tinuruan naman siya mag meditate at i-unleash ang aura power.


Dito natutunan ni Strange ang kakayanan ng anik-anik powers. Naging dalubhasa siya in the end at dito nalaman niya ang mga iba pang detalye keme ng villain na nagnakaw ng libro. Mas nalaman niya pa ang mga bagay-bagay tungkol sa powers thingy.

Naging mapusok din si Strange kasi palihim siyang nagbabasa ng mga advance books and stuff at one time ay ginamit din niya yung isang kuwintas na may powers.

At kailangan na tumakbo ang kwento so eeksena na ang kalaban muli. Nilusob ang base kung saan nagtratrain si Strange at napadpad sya pabalik ng New York na isang alter base ng kanyang pinagtrainingans.

Dito ay nakipaglaban siya sa kalabs at during the fight ay nakuha niya ang kukumpleto sa kanyang attire... ang Kapa. So nagladlad na ng kapa si Doctor Strange char.

At nag-away-away na at para climax ay i-uunleash na ng kalabs ang isang powerful entity named Dormammu.

At puputulin ko na ang wento kasi sayang naman ang binayad kong 240 petot kung i-chika ko lahat diba?

Score for the film? 9! Medyo refreshing naman ang environment sa Doctor Strange dahil it uses magical realm thingy. Saka yung powers naman at effects ay mahusay din. Kahit sa labanan. Nakaka-asar lang yung infinite tsukoyomi no jutsu na ginamit ni Doctor Strange sa dulo.

O sya, hanggang dito na lang muna! Take Care!




0 comments:

Post a Comment

So.......Ansabeh???