Hello guys! Kamusta! Still doin' good? Good! Okay pa naman ako at may time para magsasalitype nanaman at magsulat ng blogpost kaya heto ngayon at may new post.
For today, isang libro nanaman ang ating bibigyan ng review.
Ang libro for today ay ang SagoSerye by pekoiman. Kung tambay kayo sa fb at madalas kayo mag-scroll up or scroll down sa timeline ay malamang sa alamang ay napansin ninyo na itong comics type posts na naishashare.
Yah, comics type ito so hindi po ito tulad ng nakaka-umay na textserye na inyong nababasa na naishashare din sa mga timeline. It's different. Hindi rin ito compilation ng mga pa-witty at funny tweets.
Eto ay ang comedy-musical-labstory sa pagitan ni Gulaman, Sago at Saging.
Dito malalaman ninyo yung istorya ni Sago (lalaki) na kinakantahan si Saging (babae). At makikita ni Gulaman (babae) na ex pala nitong si Sags.
Iikot ang kwents at makikilala ang iba pang characters tulad ni Pinipig, Yelo, Ube, Corn, Langka, Beans, Mangga at iscream.
Masayang basahin ang ganap sa pagitan ng mga characters and funny and may times na mapapakanta ka sa mga linyang binibitiwan ng mga sangkap.
Kung hindi ko lamang nabasa sa FB ang first part ng story ay bibigyan ko to ng super high score na 10 dahil fresh ang approach niya for me.
Pero doncha worry, sapat ang 9 na score para sa book na ito.
Funny, witty, walang bad-vibes, di ka mapapa-skip-read at tuloy tuloy ang pagbabasa hanggang dulo.
Worth it din ang presyong 150 compared sa mga books na galing din sa mga shared pics/screenshots sa fb na pinublish para pagkakitaan.
Clap-clap-clap for the writer dahil napaka-goodjob at recommended book ito. Waaaaay better than the past few books na nireview ko for this year.
O sya, hanggang dito na lang muna.
Take Care!
0 comments:
Post a Comment
So.......Ansabeh???