Saturday, December 31, 2016

Die Beautiful

Hello mga beshies! Kamusta na?! O di na tayo magpapatumpik-tumpik pa at konting oras na lungs at 2017 na at kailangang humabol ng slight sa blogpost para naman masabi na buhay na buhay pa po ang bloghouse na ito.

For today ay magkakaroon tayo ng isa nanamang movie review-reviewhan mula sa recent MMFF 2016. Ang palabas ay may namesung na Die Beautiful.


Magsisimula ang peliks sa pagpapakita ng iba't-ibang uri ng magnanakaw na nasa bilangguan. Yes, wala na po ang takbuhan scene nila derek ramsey na nakaapak ng kamatis. Syemps, reremind ang mga folks na stealing is bad, and piraccy is bad too ganyan.

Then doon na tayo sa totoong takbo ng wento. Ipapakita sa unang parte ang ganap ng mga little miss chikititang bekbeks na uma-aura at kumakabogelya sa pagfafashion anik-anik ala project runway and next top model. Kaso nagalit ang pudrakels ng bekilet. ganyan.

Then papakita na ang bangkay ng isang ex-men, isang Tranny Goose, ang dead body body dancer ni Trisha Echeveria. Then malalaman ang mga detalye sa buhay niya.

Pak! Enter the eksena na ipapakita ang moment na ngjajajampon si Trisha ng isang baby gurl dahil kawawabels ang bata at ayaw kunin ng lola nito. 

Then return to normal scene kung saan ipapakits ang nagdalagang ampon ni Trisha na najontis pala kaya nakipagtanan at dehins knows na nadead failon na pala ang kanyang ina-inahans.

Flashback again! Ipapakits naman ang high school life, oh the high school life ni Trisha. Malalaman na ang original namesung niya ay.


Ishoshow dito na conserbatibs ang family niya at ang pudrakels niya at kinahihiya na bekbek ang kanyang junakis. 

Back to present din at jinejexplaination na nag-request pala itong si Trisha na kapag na tsugi sya, gusto niya, sa 7 days na burol ay magkakaroon siya ng 7 moon crystal power make-up, 7 transformation ng looks.

Then back to past at ipapakita ang iba pang ganap sa buhay ni Trisha like noong time to lumandi ang kepyas ni bakler at sumama siya sa campus heartthrob. At doon ay nadinig niya ang kanta nila Jessie K, Ariana Venti at Nicki Manas... ang Gang Bang..Gang Bang into the room (I know you want it),   Gang Bang all over you(I'll let you have it).

Ipapakits din ang mga pinagdaanan ni like pagsali-sali sa mga beaucon at paganap sa mga contest. Ishoshow din ang mga ganap na nag-udyok sa kanya na magpadagdag ng papaya (nope, hindi po naging walo ang boobs niya like the cows).

At syemps, as days goes by, ipapakits din ang 7 looks ni Trisha. Kung curious kayo kung sino ang look-a-like ni Trisha during the 7 days lamay? then, heto ang 6. hahahaha.


Bibigyan ko ng score na 9.230 (price ng tix sa sm east ortigas yung 230 hahaha) ang film na itwu. It's funny, witty, dramatic din at medyo may suspense tapos may labstory.

Mahuhusay din ang mga cast like ng bekiloublankong funeral parlor owner na si Lou Veloso, ang tatay ni Trisha na si Joel Torre, ang ate niyang si Gladys Reyes pati na din ang pagsulpot nila Eugene Domingo at Iza Calsado at ang jumugjug kembang kay Trisha noong HS na si Albie 'hindi nakabuntis kay andie eigennman' casino nice.

And for me... yung twist sa lablayp ni Trisha ang nakadagdag ng .230 sa score nia (aside sa actual presyo ng tix hahaha). Yung watdafudge... nakonek nila yun... Galing.

Award dito ay ang beshie ni Trisha na si Barbs. Walang Energy gap! Pak na pak without micronutrients defiency! Achieve na achieve ang bespren of the year ganyan!

Susundan ko pa sana ng isang peliks na papanoorin kaso baka madismaya ako kung di mapapantayan tong film na ito kaya nag-stop na ako.

O sya, hanggang dito na lang muna. Take Care and Happy New Year!

Wednesday, December 28, 2016

Seklusyon

Hello philippines at hello world! Aba! Mahigits isang linggo din simula ng last post ko at kailangan pading maglagay ng anik-anik para sa bloghouse na ito.

At dahil panahon ng kapaskuhan here sa pinas, ay dapat ay getsing na getsing nio na panahon nanaman ng pelikulang pinoy sa sinehans. So walang choice kundi mamili kung ano ang nakahain. Bawal choosy.

For today ay movie review-reviewhan nanaman ng isang peliks ang tampok sa blog na ito at gaya ng nakagawian, bawal po ito sa shokot sa spoilers. At di lang yan, ang peliks na ito ay bawal sa uber religious and devotee dahil ang paksa ng peliks ay kumekeme sa religion.

Keri na?

Simulan na!

Ang pelikula ay may namesung na SEKLUSYON... kaaway ni SEBUKSYAN charots.


Noong unang panahon, panahon pa ng hapon... wala pang kikay sabi ng nanay. Joke. Hindi, basta somewhere in the past pero hindi na panahon ng kastila at amerikano, post japanese war na ata ganyan. Sa isang simbahan ay ipapakita ang isang soon to be priest na tinatawag na Deacon na hindi priniprito. Ang deacon ay nangungumpisal ng kanyang sins.

Then may chika-minute yung priesthood sa pangungumpisal ni deacon kung sure na ba sya na yun lang ang sins niya? Tinanong din king readibells na si Deacon sa magiging pagsubok sa kanya.

Miguel

Then ipapadala ang deacons sa isang secluded area na kapagtinagalog somehow ay magiging seklusyon. Dito ay pinapunta sa mala PBB house ang mga malapit na maging father (nope, hindi yung literal na naka-jontis).

Sa PBB house na walang cctv camera na old house/church-ish place ay ipapakita ssi Lou Veloso na hindi kamag-anakan ng famous scandalero noong 90's na si jojo veloso.

Ibibigay ang rules sa house. Bawal ang FB, twitter, instagram, vine at etc. Isinaad na malakas ang temptasyon sa mga soon to be priest at for 7 days, bawal makipag-usap chenelyn-chenein ekek and so on. Ang mga deacons o dyakono ay bawal na mahuli na nagdyadyakolins...lols

Tapos makikilala na ang iba pang boylets na mag-eenter to fatherhoods. Enter the scene ang 3 other guys na makakasama sa PBB house.




Akshuli, kailangan ata nilang labanan ang tukso para sa isa't-isa charots. Pede din po atang tawagin ang peliks na Temptasyon Island juk. Pero since hulsam po ang blog na ito, ipakita natin ang naka dyakono attire na cast.


May tinatakpan po ba sila?? lols

Then on the other side, somewhere in the same timeline, ay may miraculous child chenes na gumagawa ng mga milagro. Nope, not the milagrong naiisip ng madumi ninyong isip. di yun uuuuy!!!

May isang bagetsing na merlat named Anghela ang gumagawa ng miracles at dumudura ng dahak este ng black squid ink thingy sa kanyang bibig while healing. 


Na-tegi-tegi-tegi-tegi-tegi-tegi-tegi (wouh) tegi-tegi-tegi-tegi-tegi-tegi-tegi (wouh), tegi-tegi-tegi-tegi-tegi-tegi-tegi (wouh), Como é dame una vueltita otra vez ang parents ni Anghela at siya ay pinadala sa seklusyon area kasama ang misteryosang madre.


Anong magaganap sa PBB house ngayong merong 4 na dyakonong di nakakapag dyakolins at may isang dalaginding at dalagang ipinasok sa bahay ni koya.... May milagro kayang magaganap??

Syempre di ko na iwewento para suspense. hahahahaha. 

For me the film is good naman. The storyline is kinda simple at ang mga place at shots naman ay angkop para sa 1940's-ish timeline. Not scary kaya pasok naman sa R-13 ratings.

Okay naman ang mga gumanap na actors sa peliks and at the end ay mapapaisip ka sa mensaheng dala ng film...

Medyo nakakapagtaka lang ng light yung twist at ganap pero for me it doesnt give much impact on how okay yung film.

But syemps, medyo may reklamation lang ako na mahalya fuentes ang tix sa megamall na tumataginting na 270 petot for the mmff film. 

Score na 8.270 ang score... 

O sya, hanggang dito na lang muna! Take Care!

Saturday, December 17, 2016

Rogue One: A Star Wars Story

Pasko nanaman, o kay tulin ng araw! Grabecious! Ilang pikit mata na lamang at pasko na ulit! At kapag padating ang pasko, panahon na ng MMFF. At kapag panahon ng MMFF, mostly tagalog films ang palabas.

Well, bago pa sumapit ang araw na puro pinoy films ang palabas, nagkaroon ako ng chance na makanood ng US film at ito ang aking bibigyan ng reviewreviewhan for today.

Ang peliks ay may namesung na The Prostitute! Joke. Hindi ito clickbait chuchu. Ang title ng post ay mismong pamagat ng movie. Wag shunga. hahahah.

At since kalalabas lang ng film.... syempre merong BABALAAAAAAA! Ang post ay maglalaman ng  spoilers so kung may allergic-reaction ka sa spoilers... shu! Alis ka muna ples... bawal ka dito. lols.



In a Galaxy Far Far Away.........

Magsisimula ang kwents sa isang planeta na ipapakita ang namesung sa big screen. Tapos may batang girlay na nagtetemple run pabalik ng bahay.

Chinika minute niya sa magulang na may paparating na starships (insert nicki minaj song background music). So nagbalak ang magulang niya na tumakas for some reason.

Tumakas ang mag-ina at nag-paiwan ang pudraks. Then shunga yung mudraks, pinatakbo yung junakis mag-isa at bumalik sa jusawa (like you know, kinda stupid move if you wanna make tago from someone).

Turns out, isang officer ang naghahanap sa pudraks ni girlay dahil isa itong scientist/engineer thingy na needed ng emperyo. Napatay yung mudraks. At napilitang sumama si pudraks sa sumundo sa kanya. At si batang girlay ay nagtemple run at nagtago.

fastforward....

Jyn Erso

Naging dalagita na si batang babae at nacapture sya somewhere. Pero iiligtas sya ng mga rebeldeng grupo dahil gagamitin siya para malaman ang kinaroroonan ng kanyang pudrakels or ng kaalyado nitong lalaki na si Saw Gerrera na pinsan ni....


Saw Gerrera

Kasama ni Jyn (yung batang girlay na nagdalaga) ang isang piloto at kapitan na si Captain Cassian at ang robot named K-2S0 na kaklase ni Kto12 lols. Together, nag-journey sila to another place thingy.

Captain Cassian Andor

K-2S0

Sa pagjajanap nila ng clue sa pudrakels ni Jyn at kay Saw Gerrera, makakasama nila sa journey ang astig na blind named Chirrut (insert wowowins song Tantaran chichirrut-chirrut), ang sharp-shooter named Baze Malbus at isang ex-imperial pilot named Bodhi Rook

Chirrut Imwe

Baze Malbus

Bodhi Rook

Matutuklasan ng mga bida na ang pudraks ni Jyn ay member ng gumawa ng ever famous sa Star Wars na Death Star. At ito ay sa pamumuno ni Director Orson Krennic na walang kinalaman kila Director Cathy Molina-Garcia.

Director Orson Krennic

Tapos nag-sample-sample-sample... Ginamit ang Death Star upang pasabugin ang isang palneta. And then poof... it became koko crunch.

Now, yung grupo nila Jyn na nakasaksi sa pagsabog at pagkawala ng isang planeta ay nag-bayan-mo-ipatrol-mo at nagsumbong sa councils ng rebel at nagkaroon ng argument kung susuka-o-susuko-o-suso.

Nanalo ang mga pabor na sumuko na lang at walang laban sa lakas at power ng Death Star. Pero si Jyn ay member ng Belieber at may mottong 'Never say Never!'.

Siya kasama ng ibang mga matatapang at malalakas ang loob ay nagkaroon ng pagsasama-sama upang sumugod sa kampo ng kalaban para makuha ang blueprint ng Death Star. 

At dito ko na muna tatapusin ang pag-spoil hahahahah.

Para sa akin, bibigyan ko ito ng score na 9! Yes! I like it! Though medyo naguluhan ako sa first part ng film dahil intro nanaman ng mga characters ganyans. Pero for me good film.

Andun padin ang ganda ng effects at mga designs ng mga anik-aniks. Okay din for me ang mga casts.  At andun din ang mga cameos at pakita ng mga famed Star Wars Characters like C3P0 at R2D2. 

Ganda din ng pag-eksena ni ex-Anakin Skywalker or mas kilala sa tawag na Darth Vader. Pati ng ang junakis niyang si Princess Leia pagdating sa dulo.

Kinda bittersweet ending pero goodjob.

At para sa confused... Ang peliks na ito ay Star Wars 3.5. Ito ay naganap bago ang pinaka-unang film na Episode 4 at pagkatapos ng Episode 3 at walang kinalaman sa Episode 7.

Guys, you gorra watch it! 

O sya, hanggang dito na lang muna!