Hello mga beshies! Kamusta na?! O di na tayo magpapatumpik-tumpik pa at konting oras na lungs at 2017 na at kailangang humabol ng slight sa blogpost para naman masabi na buhay na buhay pa po ang bloghouse na ito.
For today ay magkakaroon tayo ng isa nanamang movie review-reviewhan mula sa recent MMFF 2016. Ang palabas ay may namesung na Die Beautiful.
Magsisimula ang peliks sa pagpapakita ng iba't-ibang uri ng magnanakaw na nasa bilangguan. Yes, wala na po ang takbuhan scene nila derek ramsey na nakaapak ng kamatis. Syemps, reremind ang mga folks na stealing is bad, and piraccy is bad too ganyan.
Then doon na tayo sa totoong takbo ng wento. Ipapakita sa unang parte ang ganap ng mga little miss chikititang bekbeks na uma-aura at kumakabogelya sa pagfafashion anik-anik ala project runway and next top model. Kaso nagalit ang pudrakels ng bekilet. ganyan.
Then papakita na ang bangkay ng isang ex-men, isang Tranny Goose, ang dead body body dancer ni Trisha Echeveria. Then malalaman ang mga detalye sa buhay niya.
Pak! Enter the eksena na ipapakita ang moment na ngjajajampon si Trisha ng isang baby gurl dahil kawawabels ang bata at ayaw kunin ng lola nito.
Then return to normal scene kung saan ipapakits ang nagdalagang ampon ni Trisha na najontis pala kaya nakipagtanan at dehins knows na nadead failon na pala ang kanyang ina-inahans.
Flashback again! Ipapakits naman ang high school life, oh the high school life ni Trisha. Malalaman na ang original namesung niya ay.
Ishoshow dito na conserbatibs ang family niya at ang pudrakels niya at kinahihiya na bekbek ang kanyang junakis.
Back to present din at jinejexplaination na nag-request pala itong si Trisha na kapag na tsugi sya, gusto niya, sa 7 days na burol ay magkakaroon siya ng 7 moon crystal power make-up, 7 transformation ng looks.
Then back to past at ipapakita ang iba pang ganap sa buhay ni Trisha like noong time to lumandi ang kepyas ni bakler at sumama siya sa campus heartthrob. At doon ay nadinig niya ang kanta nila Jessie K, Ariana Venti at Nicki Manas... ang Gang Bang..Gang Bang into the room (I know you want it), Gang Bang all over you(I'll let you have it).
Ipapakits din ang mga pinagdaanan ni like pagsali-sali sa mga beaucon at paganap sa mga contest. Ishoshow din ang mga ganap na nag-udyok sa kanya na magpadagdag ng papaya (nope, hindi po naging walo ang boobs niya like the cows).
At syemps, as days goes by, ipapakits din ang 7 looks ni Trisha. Kung curious kayo kung sino ang look-a-like ni Trisha during the 7 days lamay? then, heto ang 6. hahahaha.
Bibigyan ko ng score na 9.230 (price ng tix sa sm east ortigas yung 230 hahaha) ang film na itwu. It's funny, witty, dramatic din at medyo may suspense tapos may labstory.
Mahuhusay din ang mga cast like ng bekiloublankong funeral parlor owner na si Lou Veloso, ang tatay ni Trisha na si Joel Torre, ang ate niyang si Gladys Reyes pati na din ang pagsulpot nila Eugene Domingo at Iza Calsado at ang jumugjug kembang kay Trisha noong HS na si Albie 'hindi nakabuntis kay andie eigennman' casino nice.
And for me... yung twist sa lablayp ni Trisha ang nakadagdag ng .230 sa score nia (aside sa actual presyo ng tix hahaha). Yung watdafudge... nakonek nila yun... Galing.
Award dito ay ang beshie ni Trisha na si Barbs. Walang Energy gap! Pak na pak without micronutrients defiency! Achieve na achieve ang bespren of the year ganyan!
Susundan ko pa sana ng isang peliks na papanoorin kaso baka madismaya ako kung di mapapantayan tong film na ito kaya nag-stop na ako.
O sya, hanggang dito na lang muna. Take Care and Happy New Year!
happy new year sa iyo......best actor ang starring ng pelikula na iyan..
ReplyDeleteIto lang ang pinanood ko sa mga entry ang MMFF at di ako nagsisi
ReplyDelete