Saturday, December 17, 2016

Rogue One: A Star Wars Story

Pasko nanaman, o kay tulin ng araw! Grabecious! Ilang pikit mata na lamang at pasko na ulit! At kapag padating ang pasko, panahon na ng MMFF. At kapag panahon ng MMFF, mostly tagalog films ang palabas.

Well, bago pa sumapit ang araw na puro pinoy films ang palabas, nagkaroon ako ng chance na makanood ng US film at ito ang aking bibigyan ng reviewreviewhan for today.

Ang peliks ay may namesung na The Prostitute! Joke. Hindi ito clickbait chuchu. Ang title ng post ay mismong pamagat ng movie. Wag shunga. hahahah.

At since kalalabas lang ng film.... syempre merong BABALAAAAAAA! Ang post ay maglalaman ng  spoilers so kung may allergic-reaction ka sa spoilers... shu! Alis ka muna ples... bawal ka dito. lols.



In a Galaxy Far Far Away.........

Magsisimula ang kwents sa isang planeta na ipapakita ang namesung sa big screen. Tapos may batang girlay na nagtetemple run pabalik ng bahay.

Chinika minute niya sa magulang na may paparating na starships (insert nicki minaj song background music). So nagbalak ang magulang niya na tumakas for some reason.

Tumakas ang mag-ina at nag-paiwan ang pudraks. Then shunga yung mudraks, pinatakbo yung junakis mag-isa at bumalik sa jusawa (like you know, kinda stupid move if you wanna make tago from someone).

Turns out, isang officer ang naghahanap sa pudraks ni girlay dahil isa itong scientist/engineer thingy na needed ng emperyo. Napatay yung mudraks. At napilitang sumama si pudraks sa sumundo sa kanya. At si batang girlay ay nagtemple run at nagtago.

fastforward....

Jyn Erso

Naging dalagita na si batang babae at nacapture sya somewhere. Pero iiligtas sya ng mga rebeldeng grupo dahil gagamitin siya para malaman ang kinaroroonan ng kanyang pudrakels or ng kaalyado nitong lalaki na si Saw Gerrera na pinsan ni....


Saw Gerrera

Kasama ni Jyn (yung batang girlay na nagdalaga) ang isang piloto at kapitan na si Captain Cassian at ang robot named K-2S0 na kaklase ni Kto12 lols. Together, nag-journey sila to another place thingy.

Captain Cassian Andor

K-2S0

Sa pagjajanap nila ng clue sa pudrakels ni Jyn at kay Saw Gerrera, makakasama nila sa journey ang astig na blind named Chirrut (insert wowowins song Tantaran chichirrut-chirrut), ang sharp-shooter named Baze Malbus at isang ex-imperial pilot named Bodhi Rook

Chirrut Imwe

Baze Malbus

Bodhi Rook

Matutuklasan ng mga bida na ang pudraks ni Jyn ay member ng gumawa ng ever famous sa Star Wars na Death Star. At ito ay sa pamumuno ni Director Orson Krennic na walang kinalaman kila Director Cathy Molina-Garcia.

Director Orson Krennic

Tapos nag-sample-sample-sample... Ginamit ang Death Star upang pasabugin ang isang palneta. And then poof... it became koko crunch.

Now, yung grupo nila Jyn na nakasaksi sa pagsabog at pagkawala ng isang planeta ay nag-bayan-mo-ipatrol-mo at nagsumbong sa councils ng rebel at nagkaroon ng argument kung susuka-o-susuko-o-suso.

Nanalo ang mga pabor na sumuko na lang at walang laban sa lakas at power ng Death Star. Pero si Jyn ay member ng Belieber at may mottong 'Never say Never!'.

Siya kasama ng ibang mga matatapang at malalakas ang loob ay nagkaroon ng pagsasama-sama upang sumugod sa kampo ng kalaban para makuha ang blueprint ng Death Star. 

At dito ko na muna tatapusin ang pag-spoil hahahahah.

Para sa akin, bibigyan ko ito ng score na 9! Yes! I like it! Though medyo naguluhan ako sa first part ng film dahil intro nanaman ng mga characters ganyans. Pero for me good film.

Andun padin ang ganda ng effects at mga designs ng mga anik-aniks. Okay din for me ang mga casts.  At andun din ang mga cameos at pakita ng mga famed Star Wars Characters like C3P0 at R2D2. 

Ganda din ng pag-eksena ni ex-Anakin Skywalker or mas kilala sa tawag na Darth Vader. Pati ng ang junakis niyang si Princess Leia pagdating sa dulo.

Kinda bittersweet ending pero goodjob.

At para sa confused... Ang peliks na ito ay Star Wars 3.5. Ito ay naganap bago ang pinaka-unang film na Episode 4 at pagkatapos ng Episode 3 at walang kinalaman sa Episode 7.

Guys, you gorra watch it! 

O sya, hanggang dito na lang muna!

0 comments:

Post a Comment

So.......Ansabeh???