Thursday, March 12, 2026

2026 Update


Hello guys, its been a while pero kailangan lagyan naman ng content tong bloghouse na ito bago ma-invade ng blog hackers.

Di ko alam kung ano na mga bagay na mashashare ko hahahahahah di ko na alam ano na ba mga anikanik na nangyare in life na shareable hahahahahah.

So expect very random anikanik.

1. Work seems different. dati 4 floors ang sakop ng kumpanya dito sa building kung saan kami nagwowork. Pero as change happens, magiging dalawa na lang. Dati may sarisarili kaming cube na pedeng pag-iwanan ng mga anikanik at bagay, pero wala na. Parang wala ng sense of belongingness. Parang wala ka na space na paglalagyan. Parang papasok ka na lang and you make hanap ng bakanteng pwesto at doon ka for the day. Yung feeling na dati pede mo ituring na 2nd home ang work, ngayon parang hindi na. Di ko alam pero wala na yung homeness sa work, maybe dahil madami na din ang wala, at wala namang pumalit na coworkers na pedeng iconsider as fam.

May mga rigodon shizness din sa work na nagkashuffleshuffle at pagbabago sa role and stuff. Bagong manager pero same old anikanik. Nothing new naman sa pagbabago, immune naman na ako sa ganun somehow pero di ko padin maalis yung moment na para bang anlaki na ng change. maybe since mag 2 decades na din almost ako here sa kumpanya hahahahahahaha.

2. somehow still work related, ang dating bangko partner ng company namin for swelds na Robinsons Bank ay part na ng BPI. Magtratransition na kami to BPI and somehow i need to make lipat funds from RBank to BPI. Sabi nung BPI employee, macacarry over daw sa new account yung laman ng rbank pero kinda sus ako kaya naman nag mamanomano akong maglipat ng laman to a diff bank.

3. Di ko pa quiniquit ang pagcollecta ng toys ng Jabi at Mcdo. Pero namimili na lang ako ng toys. Kung dati ay bawat happy meal batch ay kukumpletuhin ko, ngayon pili na lang kung ano ang maganda ang toys. Kelangan na slight magtipids.

4. I ended up being friends dun sa kinda first heartbreak ko hahaha. Alam ko na di ako ang piniling mahalin at iba ang minahal nia hahahahaha. Meron naman pumalit at somehow beyond 1 year na. Downside? walang label. hahahahahaa. may sinet kasi sha na kelangan ko magawa pero may ilan pang di ko nagagawa, no clue naman ano yun hahahahaha. pero okay naman sha, naalagaan ako ng magkasakit ako, tumutulong sa gawaing bahay hahahaha.

5. 2019 pa last na byahe ko abroad and this time, since medj naiinggit na ako sa mga kakilala na nagpopost ng travels nila kung saan kaya naman ng may inoffer na travel tour yung friend ko, grab na ako ng opportunity. Kailangan matatakan muli ang passport.

Hanggang dito muna, TC!