Wednesday, August 18, 2010

You're so Beautiful



Last week, nakikita ko sa channel 2 ang patalastas tungkol sa new koreanovela nila. May pamagat itong He's beautiful. Na-curious ako at tumakbo sa saint francis square upang bumili ng dvd nito sapagkat ayokong nabibitin ng series na pinapanood. Ayokong pinapatagal ang kwento. Pagdating dun, nakabili na ako ng ibang anime pero ung korean drama wala. Shet. Potah. Kaya pala wala, iba ang original title nito. You're so beautiful pala.

Lunes ng umaga, matapos kong imarathon ang cooking master boy ay isinalang ko na ang korean series. Anhaba ng isang episode, halos isa at kalahating oras. Di ko tiyak ang eksaktong episode pero putragis, hanggang ngayon ay kakatapos ko palang sa episode 12.

Ang kwento nito ay tungkol sa isang babaeng magmamadre sana subalit pinakiusapan ng isang kakilala ng twin nia na magpanggap muna habang inooperahan ang mukha ng kakambal na lalaki. Kaya sia kailangang magpanggap ay dahil kinukuha ang kapatid nia bilang bagong member ng boy group/band na tinatawag na A.N.Jell.

Maganda ang takbo ng storya. Akala ko nung una ang korni kasi nalaman agad na babae sia pero mas gumanda ang akbo ng mainlab ang madre sa leader ng grupo. Ung leader naman akala nia may gusto si girl dun sa isang bandmate nia. Tapos si other 2 bandmates ay nagkagusto din kay girl.

Medyo typical ang drama kasi may mga scenes na kaparehas lamang halos sa meteor garden. Pero aside dun, okay naman ang mga twist at kiligness at pati ang komedi every now and then. 

Di ko pa tapos pero nakakalulong lang. Minsan ninanais kong magpuyat para lamang dito pero di pede kasi may work.

15 comments:

  1. waaahhhh nakaka adik ang korean drama
    kala mong simple lang ang scenes pero ayaw mong tantanan dahil sa mga kiligness moments bwahah,,,
    ang daming magagandang korean drama ngaun try mong magpakadik saglit haha

    ReplyDelete
  2. Hindi na ako updated sa mga koreanovela at sawang sawa na ako sa mga mukha ng korean. Araw arawin ko ba naman silang nakikita...

    ang pinakalast kong napanood at talagang kinaadikan kong koreanOvela e yung kay jumong...

    ReplyDelete
  3. ahahahaha, i like the Potah part..so pnoy!:)

    um, sa tingin ko ung gurl dito parang si deok man ng queen seon deok ng channel 7, tama ba ko?

    ReplyDelete
  4. Haha. Ayus ah? Talagang fan. gusto ko din sana panoorin kaya lang hindi kaya sa schedule. Late night na ko nakakauwi. Pero parang may ganyang storya na din date? Paepal ho.

    ReplyDelete
  5. hindi ako maxadong nagpapaka-fan baka maadik ako hihihi...

    nakikisawsaw...

    ReplyDelete
  6. try ko nga rin. magagaling mga koreans gumawa ng pang kilig thingy, yung favorite movie ko na cheesy ung Sassy Girl.

    Try ko nga mga koreanovela na iba :-D

    ReplyDelete
  7. @unni, tama, kakaadik, kapag nag-umpisa ka, wala nang bitawan.,

    @poldo, di ko napanuod jumong pero madami nagsabi okay daw un

    @stevevhan at SuperB, di ko sure kung sia nga si queen seon dok pero sia ung sa coffee prince :D

    @yow, may mga times na halos parehas lang ng story, pero iba-ibang twist

    @jag, uu, nakakaadik kaya iwas din. :D

    @jepoy, time lang ang problema sa koreanovela. nakakalulong

    btw, wag bumili ng pirata, minsan super barok ang ending. kainis, di ko magets ng konti ung episodes 12-16. :( putol pa ending

    ReplyDelete
  8. Bilang adik ako sa Koreanovelas, natapos ko na yan dati pa. lol. You can watch it online kung panget sa cd na nabili mo. :) dramasubs.com / mysoju.com

    And yes, nakakakilig yung story and nakakatuwa! :) Sobrang gaan lang panoorin.

    ReplyDelete
  9. waaah! nabasa ko ung tungkol dito sa website ng ebeessibien, at gustung gusto syang panoorin, dahil naku-kyuryus din ako... tinry ko sya hanapin sa website ng mga pinapanooran ko ng korean movies kaso, wala. yun pala iba ang title, try ko ulit. thanks sa info! :)
    ps.
    pwede po bang mahiram ang dibidi pagkatapos nyong panoorin? haha. joks! :)

    ReplyDelete
  10. ayan khantotantra nacurious tuloy ako.. meron pa nga akong naka pilang panonoorin.. nyahahaha.. un mga disney collections ko.. hahahaha..

    ReplyDelete
  11. pinalitan title? haha pero unang reaction ko nga parang hana kimi. pero based sa iyong performance, este review, mukang gusto ko na din.

    makabili nga din ng dvd

    ReplyDelete
  12. @ishna, salamat sa link,
    @batanggala, pede hiram :p
    @kazumi, watch it, light comedy at love
    \@tong, yep pinalitan title

    ReplyDelete
  13. `taaaaaaaaaaaammmmaaaaaaaaa !!
    ang cute ng story nito ..
    hahah .. ang ganda ni Park Shin Hye d2 kesa nung sa stairway to heaven sya .. ;)

    ReplyDelete

So.......Ansabeh???