Thursday, August 12, 2010

Pain.



Kagabi, wala pang isang oras after kung humilata sa kama at ninais na matulog ay dumating ang mga pipol sa bahay at grabe, an-ingay nila. Magkukuwentuhan lang parang akala mo ay may riot. Ayoko ng ganun. Ayoko ng maiistorbo ang pinaghihirapan kong tulog.(Matagal bago makatulog). Anyway hindi iyon ang pinaka topic ng post ko. Biglang sumulpot at nagkukumidlat ang sakit sa aking ngipin, sa molar o tinatawag na bagang.

Demn! Di makuha ng tutbras ang sakit. Anlalim ng sakit. Anlalim ng kirot. Shet. shet. puchang ina. Araykupu at ouch! Di ko kaya. Nagtangka na akong umabsent sa kirot. Tinext ko ang aking new team leader at ininform ko sia sa plano kong pagpapabunot at pag sick leave sa mga susunod na araw hanggang wala na ang sakit at kirot.

Kinaumagahan, punyetang sakit, ang agang nambulabog. Hindi pa sumisikat ang araw ay nag mcarthur na at nag return na ang sakit. Demn nanaman! Kailangan ko pang mag-antay na mag 10 am upang makatiyak na bukas na ang mga dentista.

Nag-abroad ung family dentist namin o ung suking dentista mula nung bata. Ang pumalit sa kanyang dentist ay di ko feel kasi parang mataray na ewan na di ko feel ang vibes. Nagdecide ako na mag-hanap ng ibang dentista. Sakto naman at nakahanap ako agad.

Pagpasok, chineck ang ipin ko. Expose na daw ung butas kasi wala na iyong pasta(hindi fetucinni at hindi macaroni, ung sa ipin). Nagbigay ng options. 1, root canal kung saan may procedure na gagawin daw sa ipin. mukang okay kaso ask ako how much. Muntikan na akong himatayin sapagkat 2,500 daw per canal. But wait, there's more! Root canal sa molar o sa bagang ay not just once!, it's more than twice! Might be 3x or 4x! Mas lalong nahilo ata ako. One option left, Bunot! Tooth extraction.

Tinanong ko ang price ng bunot, 350 daw, pede na. Keri na ng bulsa ko. Go na! sure na! now na! Humiga ako sa dental chair. Ayan na. Open wide daw. Buka ko naman ang aking mouth. May pinahid na something sa gums. Then ayan na ang injection. Di gaanong masakit. Sabi ni doktora(maganda si doc, kaso di ko alam kung single), sabihin ko daw kung kumapal na daw ang labi ko at left part ng aking dila. Chineck ko. Wa epek. Wait ng onti, same padin. Aba. Round two ng injection na pampamanhid. Naglagay pa ng something na pinahid na mapait. shet, wala ata epek. Nung tinatangka na ni dok na galawin ang nakapalibot na gilagids o gums sa ipin, shet, kumikirot. Ignore mode si doc. Tinangka na niang i-clamp ung ipin. Waaaaa. ansakit. Makirot, mahapdi. Sinubukan ulit. Sheeeeet. Ansakit, di kaya ng mind over matter.

It ended up na hindi natuloy ang bunot. cancelled. naudlot. postponed. After ng ilang tries at attempt, masakit talaga. Binigyan ako ng medication for 1 week na mag take ng antibiotics at baka kasi may abses daw ang ipin. Napatumbling ako kasi 100 lang ang difference ng bunot at ng fee for check up at attempt ng bunot. Lagas ang 250 ko sa pagtangkang tanggalin ang aking ipin. Sumunod dun ay over sa mahal ang gamot na reseta. 33 petot ang isang capsule, need ko daw ng 21. Wasak na wasak ang bulsa ko.

Di lang ipin ang sumakit sa akin, pati bulsa ko ata at pitaka ko ay nabubungi . :(

12 comments:

  1. ang alam ko hindi talaga bubunutin yan pag sumasakit dahil mas lalong lalala..
    Futah sa lahat ng sakit sa katawan yan ang iniiyakan taenangshit talaga..

    Sumakit ngipin ko dito.. taenang yan nagpabunot ako sa pakistaning doctor, parang turnilyo lang kung tumanggal ng ngipin! deym.. tapos nung nireseta saking gamot pampurga amf! buti nalang meron ako sa kwartong sariling gamot..

    ReplyDelete
  2. Off topic, I love the moving letter thing you have on top of your blog.

    http://ficklecattle.blogspot.com/

    ReplyDelete
  3. buti naman ako, walang sira ang ngipin. di pa ako nakakapagpabunot. pero naiimagine ko na masakit.. ramdam kita. aww. sana pinakis mo kay dentista yan. baka magamot sa laplapan. haha

    ReplyDelete
  4. sana tinry mo tali sa pinto. baka iniisahan ka ni dentist?

    hmmmmmm what if mag sensodyne ka or colgate anti ngilo?

    ReplyDelete
  5. @poldo, saklap nmn ng exp mo sa pakistan dentist
    @super balentong, natawa ako, kaso madami alipores si doctora:P
    @tong, feeling ko strat ni dentist, kasi may pinhid sya nung huli, maanhang mixture, dun ko ndama na mag numb dila q.

    ReplyDelete
  6. Hahahaha, natawa ko sa comment ni Super B. Ganun ginawa saken ng mom ko nung bata ako. Tinali yung ipin ko gamit ang sinulid sa sliding door sabay slide nung pinto. Barbaric much? Hahahaha!

    Wawa ka naman, di bale na, wag ka nang magkurips. Nakakabaliw ang sakit sa ipin kaya inuman mo nalang ng gamot tsaka mo ipabunot!

    Hope you're feeling better now! :)

    ReplyDelete
  7. @k, pede yung barbaric style kaso nasa bagang ung ipin, di ung sa harapan. :p

    much better na ako sa medicines.

    ReplyDelete
  8. dati natusok ng dentista ang dila ko X_X

    ReplyDelete
  9. aawww... kinabahan ako sa huling mangyayari kasi di dapat binubunot ang masakit.. un pala... un pala... di natuloy?? nak ng.. haha...
    dumadaan lang.. :)

    ReplyDelete
  10. Ganyan din ako noon, sobrang sakit nung binubunot na kaya tiniis ko na lang tumulo ang luha ko sa kaliwang mata...

    ReplyDelete
  11. Grrrr nakakabad trip nga ang ganyan! I think isa yan sa worst things na pede mangyari kasi di ka talaga makakafunction kapag masakit ang ngipin. Tapos maaapektuhan pa ibang parts ng mukha at katawan mo na connected sa nerves ng ipin.

    I experienced it last month kaso di ako pumunta sa dentist kasi takot ako. Halos 5 days kong tiniis na sobrang sakit ng ngipin ko at natutulog lang ako parati tapos tadtad ako sa Ponstan.

    Nagtataka ako kung bakit di umeepekto yung anesthesia sayo?

    ReplyDelete
  12. @tongtong, awts, sakit nun. :D
    @leng, yep di natuloy. postponed
    @glentot, di ko matiis e. sobrang sakit. clamp palang di nia pa inaatempt na bunutin.
    @robbie, may absess daw(di ko alam spelling). Aun, antibiotic mode muna.

    ReplyDelete

So.......Ansabeh???