Malapit na ang MMFF..... papalapit na ang mga peliks na gawang pinoy na para sa pinoy. Eto ang panahon kung saan magkakaroon ng mga peliks na sinasabing pampamilya.
Hindi tungkol sa peliks ang post na ito but medyo relate sa movies. Eto ay tungkol sa new book ni BOB ONG na may title na 'Lumayo ka nga sa Akin'.
Ang new book ni Bob Ong ay isang script type thingy na story at ito ay nahahati sa tatlo. Ang una ay Action.... Ito ay may titulong 'Bala sa Bala, Kamao sa Kamao, Satsat sa Satsat'. Ang second ay horror na may title na 'Shake, Shaker, Shakest'. At ang last part ng story ay drama na pinamagatang 'Asawa ni Marie'.
Di ko na bibigyan ng masyadong spoiler para masaya. bahala na kayong tuklasin ang pakikipagsapalaran ng mga bida sa taklong wento. :D
Ang husga sa libro..... 9. Oo, ka-iskor ng last book review ko about dun sa mananaggal na si Amapola. heheh. Bakit ko nasabi ang score? eto.
Another variation ng writing settings. Kung ang ABNKKBSNPLAKO ay pakwento at pasalaysay, Ang Alamat ng Gubat ay comics type/ illustrations, ang mga kaibigan ni Mama Susan ay parang Journal Diary, sa new book its like reading a script at reading the dialogue ng mga characters.
Komedy naman ang libro ngayon at talagang mapapatawa ka sa mga panyayare at eksena ng mga tauhan.
downside lang ng libro kaya ko binigyan ng 9 ay kulay pink ang cover. Hahahah. Kapag babasahin mo ito sa labas ng bahay, lalo na sa mall... tiya pagtitinginan ka ng mga tao at iisipin na nagbabasa ng Precious Hearts books. hahaha.
Go grab your own copy na! heheheh. Thumbs up. Recommended book for christmas!
O cia, hanggang dito na lang muna, TC!
