Showing posts with label 2011 movies. Show all posts
Showing posts with label 2011 movies. Show all posts

Saturday, December 24, 2011

MMFF 2011

Konting oras na lungs ang natitira at sasapit na ang pasko. Ibig sabihin nito mag-nonoche-buena ang mga pips pagsapit ng 12am tapos pedeng magnomnoman sa madaling araw. Ang mga bata-batuta naman ay magbabahay-bahay sa pagsapit ng umaga upang makahingi ng aguinaldo sa mga strangers/ ninong-ninangs. Pagsapit naman ng 12nn, tiyak jampaks na ang malls kasi andito na ang pamilya para maglamyerda at gastusin ang napamaskuhan.

Speaking of paglakwatsa sa mall, pag sumapit din ang kapaskuhan ay malamang sa alamang ay ang mga tao ay pipila na sa mga bet nilang peliks na made in the Philippines. Tatak Pinoy! Ang mga peliks ay kasali sa Metro Manila Film Festival na kapag-shinortcut ay Film Fest! Akala nio MMFF no? wahihihihi.

For today, enumeration ek-ek lang gagawin natin. Alangan naman na may movie review agad e wala pa nga sa suking pirata este suking sinehan. Di ako nanonood ng mga premiere nights kasi night shift ako remember? hahaha.

1. Enteng ng Ina Mo


Kung last time ay nagsanib pwersa si Agimat at si Enteng.... well well well... this time, magpapakner si Enteng at si Ina. Magsasanob powers ang dalawang manga este blockbuster king and queen.

Genre: Fantasy-Comedy

2. Segunda Mano


Suki ko......pasok na..... may ari niyan.... patay na....Etong peliks ay tungkol sa isang  tindahan ng mga 2nd hand items. Parang Ukay-ukay... nagamit na. then syempre haunted yung items.

Genre: Horror- Suspense

3. Panday 2


Wag kang matakot Flavio.... lumaban ka tiwala ng mundo'y sayo.... Pandaaaaay! Ang second peliks ng blacksmith na may hawak ng magical sword na kakalaban sa kamukha ng Krakken.

Genre: Action- Fantasy

4. My Househusband


Parang kasal-kasali-kasalo siguro pero mukang hindi. Nwalan ng trabaho si guy at naging househusband. At mukang magkakaroon ng Other woman si guy.

Genre: Drama- Comedy

5. Shake, Rattle and Roll 13


Tulad ng 12 Shake, Rattle and Roll Films, syempre 3 part ang peliks. Isa magpapa-shake sa iyo, isa magpapa-rattle at ang isa ay baka magpa-roll sa inyo depending on your humor level.

Genre: Horror-Comedy

6. Yesterday, Today and Tomorrow


Peliks na mukang drama-dramahan ang tema. Parang di ko nakikita ang commercial sa tv kaya medyo clueless ako. Pagbasehan na lungs ang psoter.

Genre: Drama- Unknown

But wait, may iba pang peliks pero wala akong mahanap na poster at parang hindi prinopromote sa telebisyon. Sila ang mga underdog films.

7. Hototay

Wala akong clue pero mukang comedy kung pagbabasehan ang mga cast/artista tulad nila.... John Lapus, Ruffa Gutierrez, Andi Eigenmann, Lovi Poe at Melai Cantiveros.

Genre: Unknown

8. Mr. Wong

Akala ko pelikula nung HS classmate ko na apelyido ay wong din. hehehe. clueless din. Ayon sa mga sabi sabi, si PNoy Binoy at Angelica Dela cruz Panganiban ang bida sa peliks na ito.

Genre: Action- Unknown

And wait, di pa tapos! Ayon sa baliw-balita, meron pang 2 extra peliks ang di official entry sa MMFF. malay ko kung totoo yung site na napuntahan ko. lols.

9. Love Will Lead You Back


Syempre may salitang love kaya tiyak na Lovestrory to na hahaluan ng ka-dramahan sa buhay landian. lols. Ang titulo ay parang based sa isang kanta.

Genre: Love- Drama (Siguro)

10. Kingpin: The Asiong Salongga Story


Wow, Buti pa to may poster kahit di daw official Entry. Mukang aksyon peliks at tungkol kay Asiong Salongga ang wento.

Genre: Action- Action

*******************

Suki ko........ pili na kayo.... sa mga pelikulang..... Segunda mano... wahihiihhihihi. Pandaaaaaaaaay! Pandaaaaaaaay!

Opo, Lss ako sa commercial nung dalawa.

***********
note: pictures ay nakuha lang sa google search. di ko pagmamay-ari. :D
O cia, hanggang dito na lang muna. Advance Merry Christmas to all! TC!  Mwah! Mwah! Tsup! Tsup!

Thursday, October 27, 2011

Praybeyt Benjamin

Attention! Arms forward! Take my command! Give me 20 push ups now! Soldier down! wahahaahha

Wala akong maisip na intro kaya kung anong ka-ek-ekan na lang pinagsasabi ko. lols. Anyway, alam nio na siguro kung anong meron ngayon.... Kung binasa mo ang title dapat may clue ka na kung ano ito... Di pa din?  sige.... It's Movie review-reviewhan time nanaman at ang namesung ng peliks ay 'Praybeyt Benjamin'.


Para sa mga nakakanood ng telebisyon sa pinas at nakakanood ng sine, siguro nakita nio yung trailer ng film. Kung hindi pa, google nio na lang. :D

Stop here.

Kung gusto niong magpatuloy ng review at info, scroll down.... kung ayaw, payn, wag pilitin ang sarili at magcomment na lang ng nice info. more. more. eklat. hahaha. joke lang.

So let's go na sa detalye.

Ang Praybeyt Benjamin peliks ay tungkol sa angkan ng mga matatapang na sundalong na medyo fail. Then comes the generation na puro military pips ang mga kalalakihan sa clan. Doon papasok ang bida na si Vice Ganda. 

Ang ama ni Vice ay aspiring scientist at ayaw niyang maging souja boy kaya itinakwil ng ama o lolo ni Vice. Thus nakaligtas sa pagmimilitar si petrang K.

Amportunetly, may mala-Kubeta este Kudeta na naganap at dinakip ang soldier clan. And ang pinas ay under  some crisis. Kulang ng man power therefore needed to call all the single ladies este mga kalalakihan upang magbigay supporter suporta sa hukbong militar.

Thus ang bida ay nagvolunteer na parang si Mulan upang maging souja. Then mag-uundergo sya ng training with different peops and different persona.

End.

Yang ang nasa trailer. Yan ang wento. Yun na. hahaha. Okay naman yung peliks. Nakakatawa naman. Oks lang. Not great but fair enough. Much better sa peliks na Petrang kabayo noon. Score na 8 will do. So-so.

Bakit? Hinihingan mo me ng ekplanasyones? e kasi ganto yun. If you watched the trailer, mostly nabigay na yung buong detalye ng peliks. Parang wala na yung element of surprise. Saka may times na it's like your just watching showtime. Most of the punch ay slightly nadinig mo na kaya di ka matotodo halakhak.

May lesson naman sa movie kaya nabigyan din ng score. Yeah, probably you will pinpoint na there's something about accepting gay sa society etsetera etcetera but for me one lesson is kamaraderi (ispelengin nio na lang sa ingles para tama ispeling). 

Kung movie critic ka ay baka lait-laitin mo me for giving such statement pero that's what i feel e. Kanya-kanyang trip yan. Gawa ka review mo tas bigay mo score. hahaha.

For people na napapagod at stressed at frustrated, oks tong peliks para mabawasan ang mga bad vibes sa katawan. :D

O cia, hanggang dito na lang muna. TC.

Wednesday, October 5, 2011

Khanto Review: No Other Woman

“Ang mundo ay isang malaking Quiapo, maraming snatcher, maagawan ka, lumaban ka!”

Kamustasa mga kalabasa! Bwahahaha. After isang linggo na palabas sa sinehan ang 'No Other Woman', aba'y napanood ko na ito :D Na-pressure me na manood nito kasi kahit san ka lumingon parang ito ang talk of the town. Mapa-blog, mapa-chwirrer e may mga quotable-quotes na nagmula sa peliks. Kaya dahil dyan, nanood me kasama ang mga ka-opis na itatago na lang natin sa mga pangalang Honeylou, Michelle at Helen. :D

Napag-usapan na manonood kami ng sine ng 7:30pm sa Robinsons Galleria bago pumasok ng 10pm. Aba, 7pm pa lang ay mahabs ang pila sa tiketan and gweswat, ang No Other Woman ang binibili. wat da pudge! 2nd week na pero jumajampak ang tao. 


Stop here! :D Sa mga nagbabalak pa lang manood na ayaw ma-spoil-spoil e close the window na (hindi yung bintana ng bahay!). O ready na? Sure na? Oks, let's get the review-reviehan started! :p

Okay, ang plot: Isang hunky-panky-owsom-body na lalaki na tagabenta ng anik-anik-furniture ang may asawa na may mukang Christine Reyes. Ginagamit ni guy ang charm nia para mag-boom ang negosyo nia. Then.... nag-aapply sya as supplier ng furniture sa isang bonggang hotel.

Sa hotel, makikilala nia ang mala-dyosang babae na may face ni Anne Curtis. Nag-tagpo ang landas ni guy na may muka ni Derek Ramsay at ni girl na may Anne Curtis look. Ayun! Nagkaroon ng boom-boom-pow at naganap ang Laglag-Panty, Laglag-Brief na eksena wahahah.

Syempre, anong saysay ng istory kung walang revelation. Alangan namang nag-three-some ang taklo. Kenat be! Dapat one talong to one tahong lang ang ratio and proportion. Pipili si guy kung ang gusto niya ay tahong na mistress o ang tahong ng misis.

At doon nagtatapos ang kwento. bow! (wag ninyo na akong paguding magsalitype much!). Abangan sa DVD o sa torrent kung nagpapaka-kurips. wahahah.

So ang iskor? Bibigyan ko to ng 9.5!!! Ahihihih. bakit? Kase andaming quotable-quotes sa movie. Maganda ang mga lines na binibitawan ng mga characters. May sipa at may tadyak! Kahit ang supporting character na nanay nung wife na may mukha ni Carmi Martin ay bongga din.

But wait! There's more! Ang hot-hot-hot-hot-hot ng mga bida. Nope, hindi si guy na may mukha ni Derek ang tinutuks ko. Syempre yung Girl na may mukha ni Anne Curtis ang main ulam! Wowowow. Umpisa pa lang, nakow.... magpapawis ka! lols.


Di lang masarap.... malinamnamnamnamnam......Meron pa! Ang ganda ng scenes! Ang bed scenes. Ay nakow, kaengget se koyang may mukha ni Derek. Imagine.... Niromansa niya yung girls na may mukha ni Anne at Christine :D

Sayang lang sa ending, walang super twist pero pede na din. :D

O cia, hanggang dito na lang muna. TC!

Friday, August 26, 2011

Final Destination 5


Kahaps, in celebration ng 2 years in blogging world (me ganun?), ako ay nagdecide na ilibre ang sarili at manood ng sine. Wakokokokk. May ganun pa akong nalalaman e minsan naman talaga nanonood me ng sine mag-isa. :p

Well anyway, ang showing for this week ay Tween Academy, Cars 2, Conan, one day at Final destination 5. Ayoko ng tweeny thingy at one day at di ko kilala mga characters ng cars 2 so namili ako between Conan the Barbarian or Final Destination 5. And since napanood ko yung FD 1 - 4, napagpasyahan kong panoorin ang 5th installment ng movie.

7:30pm ang screentime sa Megamall pero mga 7:10 palang ay halos itaas na pwesto ng sinehan. And then nagpakita ng mga next attraction na movie tapos ........ cheneng!!! umpisa na!

Stop reading na kung ayaw ma-spoil tas comment na lang. lols. Pero kung gusto nio talaga... basahin na ang karugs!

Like the previous movies ng Final Destination, eto ay tungkol sa isang freakt aksident na papaslang at kukuha ng mga kaluluwa ng mga tao. At sa aksidenteng magaganap, may isang tao na magkakaroon ng premonition tapos mag-chechenelyn at makakatakas sa kapahamakan. Though nakaligtas sa kuko ng tagasundo ni kamatayan, di padin sila makakaligtas kasi iisa-isahin sila.

Kung ang movie 1 ay tungkol sa plane crash accident; Ang movie 2 ay isang traffic jam accident. Ang ikatlong peliks naman ay naganap sa amusement park at ang pang-aps ay sa race track, for the pip, eto ay bridge accident.

Maganda ang movie kasi madugo at gruesome. Lols. I like yung mga freaky accident na ipinakits nila sa peliks na ito tulad dun sa naaksidenteng gymnast, naaksidente sa spa at yung pano nateypowks ung mga character during the premonition. :D Ay, like ko din yung twist sa dulo. wakokook.

lowlights (wow, me ganto na?), Antagal ng slight ang opening credits. Tapos medyo di ko na-feel yung eksenang papatayin nung isang guy yung girl as sacrifice. Though may intensity, parang mas okay kung namatay na lang sa freak accident at hindi namatay dahil pinatay.

Score for this movie? mga 8. Ahahaha. I just love the bloodshed and creepy scenes. :p

So sa mga manonood, ihanda ang puso para sa mga nakakagulat na eksena at sa mga maseselan sa mga madugo at nakakaderder na eksena, magbaon ng plastic at baka masuka :p

Hanggang dito na lang muna mga pips :p TC!

Sunday, July 31, 2011

Worst Movie: Death to the Supermodels

Kahaps ay nag-overnite bonding me with my HS friendships. Simple get-together lang para kumain at be ourselves. Kasabay ng pag-overnite ay ang paglamon namin ng nachos at pesto. Walang nagdala ng horror dvd kaya namili na lang kami ng random dvd dun sa house ng friendships namin at ang napili nung isa naming friendships ay ang worst movie ever na nipanood ko. as in!


Oo, masasabing may girls na vavavoom at sexy ang kurbada ng wankata pero totally bagsak na bagsak sa panlasa ko ang comedy film. Ahahaha. Pero natyaga ko hanggang dulo. Eeeew. Ako na ang corny.

Ang pelikula ay ang 'Death to the Supermodels'. Eto ang peliks kung saan may 5 supermodels na pinagsama-sama sa isang isla upang mag-photoshoot tas may killer at isa-isang pinagpapapatay ang mga pips. Intended to be comedy ang film pero seriously, as in seriously, masakit sa ulo at sakit sa bangs (kung may bangs ka!). 

I am warning all pips na kung matatalisod sa movie na ito, wag nio nang tangkain kasi total waste of time, strength, effort at kung ano-ano pa.

1 ang score sa akin kasi may part na tumawa naman ako (1% out of 100).

O sia. This is just scheduled post :p

Friday, July 29, 2011

The Three Musketeers

So nabasa na ninyo yung review ko sa Captain America movie. Kung hindi pa, aw, magtatampororot ako. lols. anyway highway, kung nagbabasa talaga ka yo ng title ng blog bago magbasa ng post ay knows niyo na its about the 3 musketeers.

Hindi ito yung cartoons na lumabas noon sa abs-cbn noon. Di rin ito tungkol sa libro but it is the movie! Oo, tama ang basa mo sa alpabetong inilagay ko. M-O-V-I-E... mobie! okie?!


Bago kasi magsimula yung Captain America kagabi, syempre may trailers ng mga upcoming movies. Kasama ang the smurfs, puss in boots at iba pa, ipinakits ang trailer ng pelikula ng tatlong musketero!

Na-excite ako kaya naman naghanaps me ng picture posters at youtube video to share sa inyong masugid na dumadalaws sa aking tahanan. :D








Heto naman ang trailer:


O sya, may overnite bonding pa me sa mga HS friendships ko kaya hanggang dito na lang. Alam kong weekends nio na kaya enjoy the day! TC!

The First Avenger: Captain America

Khanto: Tao?
Gelo: oo
Khanto: Artista?
Gelo: hindi!
Khanto: Politician?
Gelo: hindi!
Khanto: Tao...... Tao talaga?
Gelo: oo!!
Khanto: hmmmm... hero?
Gelo: OO! OO!
Khanto: Jose Rizal? Andres Bonifacio? Apolinario Mabini?
Gelo: *nag-walk-out at di na tinapos ang pinoy henyo... suplado! :p

Syempre walang konek masyado ang panimula ko. hahahah. Wala lang ako maisip na intro kaya ganyan na lang sa penoy henyo. Shempre, huwebs nanaman ay este biyerns na pala at alam kong bright ang mga readers ng kwatro khanto kaya may kutobs me na knows nio na ang post na ito based from the title. Well, kung hindi mo knows, aw! punta ka sa sulok and face the wall! joke!

Memorize na memorize nio na siguro ang dapat kung sabihin kung kayo ay may balaks manood ng movie dis weekends. Di ko na sasabihin... its so redundant every movie review-reviewhan ko e. so shall we???

So tinamaan me ng tops at nagdecide ako na manood ng sine mag-isa. what's new! hahaha. so anyway, malamig ang sinehan kasi nakamaong short lang me at tshirt tapos wala pa ata sa 100 ang viewers ng movie at anlakas ng erkon. demit!


So the movie started from the present time den nagplashbak. It's way back the war era kung saan ang mga citizens na lalaki na may magagandang pangangatawans ay pinipili upang maging g.i.joe este sundalo. Tapos may isa lame at payat na kiddo na gustong maging soujaboy! Yung lamepayatot na kid ay syemps rejected at kenatbi-wanabi. Buti na lang at may isang propesor na nagka-interes sa kanya (not in a gay way! lols). Nabigyan ng chance ang payatutching na mag-train sa military ek-ek.

Naka-skinny jeans kaya sya? lols

Syempre di ko na dedetalye much at skip ng timeframe. Naging chosen labrat (hirap kasi spel guinea pig e) ang lampayatot at tinurukan ng viagra at steroids kaya lumaki ang...man-boobs..este... katawan. Di na sya lamepayatots, isa na syang supladudes. joke. Naging maskulados tapos kumanta ng jumbo hotdog. joke ulit. ayun. nag-change nga ang pisikal na anyo ni thin soldier. Hunk na sya at pisikali fit. Nagka-abs sya at naging DTNL(di tunay na lalaki- kasi ang tunay na lalaki, walang abs :) hehehe )

Di na sya Lame-payatot (salamat sa viagra este steroids)

Dehins naman pedey na iikot lang ang almost 2 hours na peliks kung walang kalabs diba? Sheperds merong bad cheetah sa movie. Ang kalabs ay isang manong na parang tinampal-tampal ang muks kaya sobrang namula. Hetong villain ay nagkaroon ng chance na mapasakamay ang isang mysterious "thingy" at sa help ng alalays na scientist ay gumawa ng mga weaps pang digma to rule the world ata.

Namumula sa galit :p

Syempre may bakbakan sa movie. alangan namang pinakita ang buhay ng bida at ang kontrabids. Hindi naman biography ng dalawa ang ginawa ng direktor. At ang eksena ay di ko na idedetalye kasi kayo dapat ang magiging.........SAKSI!!!

Dumako na tayo sa iskor. score ko..... show ko..............8!!!! Tayo'y mag otso-otso! otso-otso! otso-otso, mag otso-otso pa.(kung kinanta mo yan, ahahahaha!). Maganda naman yung pagkakasalaysay kung pano nakuha nung payatot ang incredible muskuladong wankata nia. Oks din yung eksenang nalihis ng landas ang hero(whooooops, nakakatawang eksena para sa akin yun *spoiler). Oks din naman ang action. Pero kaya hindi naging 9 kasi yung graphics at special effects ay medyo di fluid. Ewan ko, pero sa napanood kong ibang movies na may effects, yung sa capt. america ay parang super obvious at di gaanong napagmix ang real scenes sa japeks. Saka walang naglalagablab na eksena like yung leading lady ni Capt. A, wala man lang pakita ng skin. Ahahaha.

tapos, tapos, yung ending.... hanging..... bitins.... kasi ikokonek sa movie neksyir.

Kung tatanungin kung dapat panoorin sa sinehan? OO! Syempre. Kung lagi kang aasa sa pirata at downloads, hala ka, baka wala ng gagawa ng peliks para sa ating manonood. 

By the way highway, antagal ng credits sa last part para lang makita ang konting pasilip ng upcoming movie sa 2012 na the Avengers. makatulog ka sa pag-aantay peromedyo sulit namans.

O cia, hanggang dito na lang muna. Happy Friday sa inyo! Tiyak madami masaya kasi weekends na nila at suweldo na!!! hooray!

Friday, July 22, 2011

The Ward

Kung kahaps at nung isang kahaps ay nabusog ang mga eyes-eyes-baby ninyo sa mga larawang kupas na pinagpapapaskil ko ditow sa aking blogelya, syempre kailangan naman magkaroon ng breaker kaya for today it's differents. suspens muna.

Kahapon lang ay ang aking restday kaya naman petiks mode lang ako sa house. Dahil sa subrang katamoran katamaran ay nagpunta na lang ako sa suking mall. Bibili sana ako ng kapalit ng current bag ko pang-opis pero ang mahal ng baggage-counter sa bench kaya di ako bumili. Napabili ako ng travel bag pang puerto-prinsesa. lols. 

E tapos nagkaroon ng mga eksenang suddenly. Suddenly ay umulan ng malakas. May payong ako pero nung nakita ko ang mga pips na pumapasok sa mall na may payong pero wet na wet at halos mabasa pati pwet, nagback-out ako sa pagsulong sa ulans kaya no choice ako at nanood ng Movie.

So lam nio na ang post na itey. Syempre porn post. juk lang. wag kayong shushungashunga. Movie na nga ang clue eh. So dis time its movie review-reviewhan.

Napanoods ko na ang Transformers at Harry Potter 7 kaya konti nalang option ko. 1.Umulit ng hp or transpormers. 2. Manood ng Pureza. 3. Manood ng Bridesmaid. or 4. Manood ng The Ward. Hulaan nio kung ano nipanood kow? Txt nio Movie (space) #number ng hula at isend sa 5566.

Kung nagbasa kayo ng title bago basahin ang ka-ekekan ditey, tyak ang tinext nio ay 4. Clap-clap. tomoooh!

Tigilan ko na paligs-ligs at umpisahan na nats ang kwento.


Ang The Ward ay tungkol sa isang girlaloo na parang buwang-buwangan na nagsunog ng isang houslaloo sa istates at nihuli ng manong cop at napunta sa isang parang mental ward. Tapos nakasama nia sa institution ang 4 other gerlaloos. Tapos may something na bigla na lang mangogolat at poof, nadeds at may nadeds at may nadeds. and then yung twist na ng wento. then the end.

rating? rating? bibigyan ko ng 6.9. ang rason? kasi 1.5 hours lang yung movie tapos yung opening ng movie ay horrible. Though parang pangsuspense na ewan ay parang mapapapikit ka na lang at gusto mong magpowernap sa tagal ng opening chuvaness. It sucks! Hontagal e. Like..... Anong petsa na!!! Kuya direktor, pumapatak po ang metro!!! grabe sa tagals.

Though nakakagulats ang ilang eksena like totally halos mapajump ako sa upuan mag-isa, di padin sapats para mapa-wow me at bigyan ng good score. 

Maganda din sana ang twist ng wento sa bandang huli pero it's like bitin padin para tumaas pa ang score nitong movie.

Siguro magiging 10 ang score nito kung may mga frontal nudity tapos ano pa ba... may leslie scenes tapos may succubus ba yung tawag sa may nanrerep ng gerl? ahahaha. syemps di bweydey yung ganun kasi magegeng Rated Sex na ang movie.

So ang payo ko? Not worth it sa big screen. Sayang ng slight ang kashing-kashing mo. Abangan na lang kung ilalabas sa philippine tv o dl ober da internet.

O zsa! zsa! Zsazsa zaturnah..... hanggang dito na lungs muna. Tek-ker-garnyer!

Thursday, July 14, 2011

Khanto Review: Harry Potter and the Deathly Hallows part2

It's movie time again! Yahooo! Showing na sa inyong suking sinehan ang karugs ng pelikulang Harry Potter and the Deatly Hallows kaya naman me with some opismates ay nanood kanina.

Flash forward. Kainis yung reserved seating ng Robinson's Galleria, potaena, may umupo dun sa row na nireserved namin. Sarap paslangin nung kumag. Pero since we are citizen of peace, hinayaan na lang namin kaya ang ilan sa mga kasama namin ay naghanap ng ibang pwesto. Pasalamat si kups na madami pang vacant sa right wing. (tutubuan ng bulate sa pwet yung mamang epal sa sinehan kanina; ginamitan ko sya ng spell).

Okay, nuff said about that crappy reserved seating and let's begin with the warning first. Kung may balak manood at ayaw magbasa ng anything about sa movie, close this window and balik ka na lang next time. Kung gusto mong magbasa ng review-reviehan ko, sige, tuloy mo lang ang pagbabasa. let's go!


Okay, Kung napanood nio yung part 1, good, kasi heto na ang kadugs ng wento. Ang misyon padin ni potter and friends ay maglakwatsa katulad ni dora at hanapin ang mga natitirang pira-pirasong cheber ni Lord Voldemort (Horcrux). 

Syempre di ko itutuloy ang ibang eksena kung tagumpay ang mission ni Hewlett Packer. Tapos syempre kelangan na magtuos ang good at bad. This is war! Sagupaan ng ng cheber white sa chenes black. Ang pwerta este pwersa ng mga Dumbledores Army versus sa chuvanes ni Lord Voldemort.

Ayun, so may fight scenes. Spell dito spell doon. Imagine, nag-iispellan tulad ng mga czechoslovakia, deoxyribonucleic acid, Pneumonoultramicroscopicsilicovolcanoconiosis. Napaka-complicated ng spells nila. (insert laugh here!!!!!).

Meron ding drama anthology part. Syempre, di lang dapat busog ang mata sa makbakan, dapat may pampa-aurmpgfff sa puso. Yung tipong mapapa- seriously???? ganoonnn??? huweeh???  ansabeee???? 

At shempre, may climax na. Time to end the deal between LV vs HP. Nag-one-on-one magikan ang dalawa and in the end, one will be declared sole survivor.  Ang isa ay masasabihan ng 'You are the weakest link', 'You've been eliminated from the race', 'the tribe has spoken', 'you are evicted from the big brother house', 'Please pack up your knives and go', 'You've been chopped', 'You are no longer in the running to be America's Next Top Model'.

 Tapos syempre.... ang ending na nobela.... tapos...... the end na. Wag na mag-abang sa dulo ng credits kasi wala ka naman aabangans.

Mahaba na ba??? o sige, iiklian at dadalian ko na lang ang rating ko. Bibigyan ko ng 9. Nagustuhan ko ang mga eksenang kinuha at binunot mula sa book. Syempre di perfect kasi hindi naman lahat ng eksena para sa akin ay kamangha-mazing. Nacapture din ako sa arte ni Snape at ni Mcgonagall. +1. May part nga lang na nakakasilaw factor. Ahhahaha. 

If i-aask ako kung worth it manood sa sinehan, aba syempre ang sagot ko ay isang malaking CHECK! Nagtatago pa ang mga pirata sa quiapo kaya dapat lang panoorin to sa movie house. Atsaka di maganda kapag sa tv mo lang sha papanoorin. The bigger the better. lols.
HARRY POTTER IS IN IT TO WIN IT!!!!! 

 -randy jackson-

So hanggang dito na lang muna mga peops. Sa manonood pa lang, mukang kailangan magready sa dami ng tao this coming weekends kasi tyak madami manonood dahil kakasweldo lang. :D TC!


HP: It All Ends Here

Kamustasa mga pipol to da lep en to da rayt. Hello. Hahaha. I am so excited much kasi showing na ang Harry Potter and the Deathly Hollows part2. Mamayang tanghali ay makikijoin ako kasama mga opismates upang manood sa Robinsons Galleria. Since di ko pa napapanood, syempre walang review ergo walang spoilers. wahahaha

Anyway. Excited much lang me at gusto kong magkatrapik sa blogelyang to kaya susubukan me ang magical powers ng harry potter.

Hehehe. Posters lang to ng movie. :D

 Bellatrix Lestrange

 Severus Snape

 Harry Potter

 Draco Malfoy

 Neville Longbottom

 Fred and George Weasley

 Minerva Mcgonagall

 Lord Voldemort

 Ron Weasley

Hermione Granger

Hanggang dito na lang muna. hehehehe. excited talaga me. parang di ako makakatulogs. lols. TC!

Friday, June 10, 2011

Coming Soon

Kung last month, ay ang lakwatsa day para sa akin, mukang this june at july naman ay ang movie month. ahahaahah.

Natapos ko na panoorin ang Kung Fu Panda 2 at ang X-Men at ngayon ay nag-aabang na lang ng araw para dumating ang apat sa mga inaantay na pelikula. 

Heto ang apats na movies na papadating at tatama sa pinas. Lols. Parang bagyo lang. :D

1. Green Lantern- Ang wento tungkol sa hero na nakakuha ng mahiwagang sex ring. Kinabog niya ang ring ni frodo dahil makapangyarihan ang kanyang ring (hindi wedding ring).


2. Transformers 3- Heto ang ikatlong karugs ng kwento ng mga malalanding sasakyan na autobots at decepticons. Ang kwento ng mga mahilig magtransform.


3. Harry Potter 7- Heto na ang finale ng kwento ni Harry Potter. Dito na ang bakbakan using spells like insindio, engorgio, felacio at iba pa. 


4. Captain America- Last sa list ang movie about sa lampayatot na naging hero. Heto ang kwento ng unang Avenger (hindi ng part ng starstruck).

Gusto ko lang ma-excite kaya naman nagpost ako ng ganto. lols. Can't wait!