Wednesday, March 26, 2014

Captain America: Winter Soldier

Yow! Sup?! Namiss ko ang magbigay ng review-reviewhan kaya since may bagong labas na peliks, di na ako magpapatumpik-tumpik pa at kailangan may review ang film. Sorry dun sa nipanood kong horror film around 2 weeks ago kasi it's so forgetful kaya no space for my bloghouse.... baka nektaym. lols.

Anong peliks ba ang nitutukoy kong bibigyan ko ng review-reviewhan? Ito ay ang film ng isa sa mga Avengers. Ang palabas ng lalaking may powerful shield... Ito ay ang Captain America: Winter Soldier.





Stop! In the name of love! Before you break my heart! hahaha.

I know whachathinking.... I heaven knows naman na may mga folks na ayaw nakakabasa ng spoiler/synopsis/summary ng peliks kaya naman bibigyan ko kayo ng choice magdecide. Skip read or magpatuloy sa pagbabasa....













Wooooot....





Nakapagdecide na?


So magbabasa ka?



Are yah sure-manure?

Okies! Let's go! 



Nagsimula ang peliks syemps papakita ang maskeladong bidang si Capt. A... Kailangan hottractive sa audience ganyans.... Pakita ng maskels and stuff. 


Tapos pipick-upin sya na parang colboy ng isang red haired chick na si Black Widow. Magboboomboomboom daw sila... Joke! May mission daw...


Ang mission nila ay sumakay sa Super Ferry at magligtas ng mga nahostage na folks. Sakses naman ang mission-vision ni Captain america at ng mga agents. Tapos nalaman ni Cap na may dinowload na anik-anik sa USB si Black Widow.... Ooffer sana ni Cap ang kanyang Portable drive kaso di niya dala.

Then ang mahiwagang USB ay pinakuha pala ni Nick (hindi Carter na isang boyband member) Fury. At dahil dyans.... Nanganib ang buhay much ni God este ni Nick Fury dahil inambush sya ng mga reporters kapulisans something.


Napuruhan much si Fury pero bago sya madeads, nagpunta sya sa condo ni Captain America na walang Foods. tsk tsk... dala kasi dapat foods... lols. May binigay si Fury kay Cap... Guess what???? Mali, hindi ang sharinggan na nasa mata ni Nick! Eto yung USB! Kasama nun ang babala ni Nick na wag mag Trust Condom. Frenzy daw gamitin. Char! Wag daw basta magtiti....tiwala. lols

At dahil sa USB thingy at ang gossip na chinika nitong, nalagay sa alanganins si Cap. Nope, di sya sumali sa mga 3rd sex. lols. Hinabol sya ng mga taga S.H.I.E.L.D. sa pamumuno ng nakakaburaot na matandang hukluban na nasa ibaba.



At dahil dyans, nagsanib-pwerta si Black Widow at Captain America para alamin ang truth or kochingkwens. Kailangan nilang malaman kung what ang lamans ng USB... Is it Porn? Is it tv series? Or torrent copy ng pelikulang Captain america Winter Soldier? Dehins nila knows.

Sa dami ng achuchuchu pang naganaps, nalaman nila ang dapat malaman. Natuklasan ang dapats matuklasan. So Go go go na daw. This means WAAAAAAR!

Nakahanaps si Cap at Black Wid ng isa pang ally sa katauhan ng isang nakakilala ni Captain america sa umpisa ng peliks. And it turns out, may skills pala itong black guy aside from Fury. Siya pala si Falcon.... Nope hindi po siya yung nanalo sa PBB teens na taga mindoro. hahaha.


At syemps, para heksayting, dapat may planong destruction at mass pagpaslang sa mga earthlings na kailangan pigilans ng bida kapamilya. Pero may isang taong magiging hadlungs sa balak ni Captain america to save the day. 


Ang isa sa tumutumbas sa powers ni captain America ay ang Winter Soldier pero mapag-aalamanan na ito pala ay ang BFF ni Cap na su Bucky... Nope hindi sya yung vampire slayer. Hahahaha.

At dyan na natapos ang wents. Di ko na binuo much ha. Btw, lumabas dinsa peliks si Robin ng How I Met Your Mother. lols.

-=-=-=-=-=-=-=-

Score: Winter 9.4! Hahahah. Peborites ko kaya si Captain America kasi meron akong taklong shirt na may relate sa kanya. Pero kidding aside, hokey at pasado sa akin ang peliks kahit medyo predictable ang magiging kalaban since flumaflashback portion si Bucky kay Cap.

Oks sa olrayt din ang fight scenes. Gusto ko yung part na hinuhunt si Nick Fury... 

Kung may time, panoorin ninyo sa sinehans. Kahit medyo damaging ng slight since biglang 222 petot ang tix sa SM mall. Sulits namans!

At... wag kalilimutan ang slight teaser sa dulo kung saan may ipapakitang 2 characters sa papalapit na Marvel film....

O sya, hanggang dits na lungs muna! take Care!






4 comments:

  1. Panoorin ko bukas. for the mean time, me bagong covert ops MAA.

    ReplyDelete
  2. Didn't read much because may spoilers pero may nahagip ang mata ko na isang spoiler huhu

    ReplyDelete
  3. di ko binasa lahat hahaha.bilis mo, napanood mo kaagad!

    ReplyDelete
  4. ahahaha. as usual, tawa much na naman ako dito sa movie review mo :))

    natawa ako dun sa pagpunta ni Capt. A sa condo without foods XD

    saka dun sa USB na may lamang... porn... virus yun! lol

    ReplyDelete

So.......Ansabeh???