Showing posts with label Death Bell. Show all posts
Showing posts with label Death Bell. Show all posts

Tuesday, December 13, 2011

Death Bell

Hello Philippines and hello world! lols. Kamusta naman ang unang araw ng pasok ninyo? Okay sa alright ba? Well, ako ang monday ko ay inollot ko na lang para manood ng korean series. Yung matagal kong hinahanap sa St. Francis square na korean series na may matino at hindi barok na sub ay napasakamay ko na.

Pero walang kinalaman ang korean series na iyon sa post na to. Wala lang. May masabi lang as intro-introhan. For today, movie post nanaman. Oo. Movies ulit. E sa iyon na lang ginawa ko sa aking araw ng pahinga kasi nakakatamad lumayas at wala namang event. 

Ang peliks ngayon ay Horror/Suspense/Mystery. Oo, mix ang genre. Isa nanamang OO na sagot.... Horror nanaman. Yun ang trip kong films. Saka na ang love stories kasi gusto kong makalimots muna... May pinag-iisipan lang at kailangan ko ng escape route. lols.


Synopsis:

Sa isang iskwelahan, katatapos lang ng midterm exams ng mga estudyante at nagkaroon na ng student rankings. Ang mga nasa top lists ay nabigyan ng pribilehiyo sa isang joint session ng sister school nila. Sa Araw ng session, nakatanggap ng threat ang mga students at faculty na kailangan nilang sumagot sa isang kakaibang exam dahil kung hindi nila masasagutan, isa-isang matitigoks ang mga estudyante.

Ang peliks ay tatakbo sa isa-isang pagkamatay ng mga students na nasa top 10. Magkakaroon ng puzzles and mental challenges to solve the mystery. At sa pagtakbo ng kwento, malalaman na may relate ang pangyayari sa isang X-students ng campus na namatay. Sino ang pumapatay? May multo nga ba? Humanap ng sariling copy at manood. lols.

Bibigyan ko ng 9 ang pelikulang ito. Oo, isa nanaman OO. hahaha. Mataas ang score kasi during the eksenas nakakagulantangs ang mga parts at curious me kung sino ang killer. Akala ko estudyante- wrong. Akala ko yung teacher- enk-mali. Akala ko mumu-mas lalong mali. I never expect the outcome. Hahaha.

Nakatulong din sa mataas na score ng pelikula ay ang mga grabecious na gore at torture sa pagpatay sa mga estudyante. katulad ng mga eksena na malulunod sa aquarium type si first student. Si 2nd student naman ay namatay sa paso ng kandila sa muka. May estudyanteng nilagay sa spin dryer. Hahahaha. Panalo. 

O hanggang dito na lang muna. May tinatapos pa akong basahin na libro na mukang magkakaroon ng mataas na score sa akin. Eeheheh. TC.