Tuesday, December 13, 2011

Death Bell

Hello Philippines and hello world! lols. Kamusta naman ang unang araw ng pasok ninyo? Okay sa alright ba? Well, ako ang monday ko ay inollot ko na lang para manood ng korean series. Yung matagal kong hinahanap sa St. Francis square na korean series na may matino at hindi barok na sub ay napasakamay ko na.

Pero walang kinalaman ang korean series na iyon sa post na to. Wala lang. May masabi lang as intro-introhan. For today, movie post nanaman. Oo. Movies ulit. E sa iyon na lang ginawa ko sa aking araw ng pahinga kasi nakakatamad lumayas at wala namang event. 

Ang peliks ngayon ay Horror/Suspense/Mystery. Oo, mix ang genre. Isa nanamang OO na sagot.... Horror nanaman. Yun ang trip kong films. Saka na ang love stories kasi gusto kong makalimots muna... May pinag-iisipan lang at kailangan ko ng escape route. lols.


Synopsis:

Sa isang iskwelahan, katatapos lang ng midterm exams ng mga estudyante at nagkaroon na ng student rankings. Ang mga nasa top lists ay nabigyan ng pribilehiyo sa isang joint session ng sister school nila. Sa Araw ng session, nakatanggap ng threat ang mga students at faculty na kailangan nilang sumagot sa isang kakaibang exam dahil kung hindi nila masasagutan, isa-isang matitigoks ang mga estudyante.

Ang peliks ay tatakbo sa isa-isang pagkamatay ng mga students na nasa top 10. Magkakaroon ng puzzles and mental challenges to solve the mystery. At sa pagtakbo ng kwento, malalaman na may relate ang pangyayari sa isang X-students ng campus na namatay. Sino ang pumapatay? May multo nga ba? Humanap ng sariling copy at manood. lols.

Bibigyan ko ng 9 ang pelikulang ito. Oo, isa nanaman OO. hahaha. Mataas ang score kasi during the eksenas nakakagulantangs ang mga parts at curious me kung sino ang killer. Akala ko estudyante- wrong. Akala ko yung teacher- enk-mali. Akala ko mumu-mas lalong mali. I never expect the outcome. Hahaha.

Nakatulong din sa mataas na score ng pelikula ay ang mga grabecious na gore at torture sa pagpatay sa mga estudyante. katulad ng mga eksena na malulunod sa aquarium type si first student. Si 2nd student naman ay namatay sa paso ng kandila sa muka. May estudyanteng nilagay sa spin dryer. Hahahaha. Panalo. 

O hanggang dito na lang muna. May tinatapos pa akong basahin na libro na mukang magkakaroon ng mataas na score sa akin. Eeheheh. TC.

20 comments:

  1. hahaha bitin! sino ang pumatay?? ok, saan makakabili niyan? haha

    ReplyDelete
  2. parang maganda ang istorya ah. kailangan ata umiksena na si Gas abelgas para ma solve and kaso. lol

    ReplyDelete
  3. hello salamat sa pagbisita sa site ko at sa pag comment. ngayon lang nakapag comment back kasi busy pero nabasa ko ang rant post mo at natuwa ako dun. I think, kaya hindi ako naka-comment dahil nawalan ako connection. So I'm not sure kung nagpost ang comment ko. gusto ko ang mga rant post it gives me an idea kung sino ang tao sa likod ng blog.

    Parehas tayo na movie ang binablingan kapag walang magawa. Mahilig ka din sa books diba? Nakakatuwa para sa guy ang mahilig magbasa. Pogi points. Ayyiii... anyway, di ako mahilig sa horror.. hehe.. di kaya ng puso at imahinasyon ko. Kasi after, feeling ko sa akin na mangyayari.

    ReplyDelete
  4. sana magaling magenglish mga intsik para tama ang english translation

    sila kasi nagtratranslate sa mga korean drama at movies

    ReplyDelete
  5. hnd Ok ang monday ko kasi bukod sa unang araw ng pasok sa ofis idagdag mo pa ang Biometric hsist..

    nway bakit puro madugo ang mga peliks mo ngyn? wala bang carttoons o love story? cge na.. hehe

    ReplyDelete
  6. haist ung hsist ko hehe! sablay..:p

    ReplyDelete
  7. meron ako neto mapanood nga! :)
    me Death Bell 2 din diba? :))

    ReplyDelete
  8. Huwaw! Parang maganda nga based on the synopsis.

    ReplyDelete
  9. aliw yang movie na yan. pati 'yung part 2. =] sa part 1 ba si kim bum? nakalimutan ko na kasi hehe.

    ReplyDelete
  10. eto ba ay horror series review or halloween... hehehe

    ReplyDelete
  11. ikaw na ang maraming reviews maraming books maraming peliks at ect ect ect!!! ikaw na ikaw na!

    ReplyDelete
  12. hmm... nakita ko siya sa youtube... hindi ko lang masimulan, haha... takot much. :)

    ReplyDelete
  13. bakit sa youtube, part two nakalagay? part 1 po napanood mo?

    ReplyDelete
  14. naka download ako ng deathbell kaya lang walangs subs, di ko tuloy mapanuod. binasa ko na lang synopsis para may idea ako hehe thanks! :)

    ReplyDelete
  15. Sobrang gory ba at kinabog ang Saw? Mukhang interesting.

    ReplyDelete
  16. The poster looks very similar to that of Battle Royale 1....

    ReplyDelete
  17. Salamat sa mga nag-comment at dumalaws. pasensya na po, busy

    ReplyDelete

So.......Ansabeh???