Kahapon, after kong makipag-lunch date sa mga kaklase noong high school, bumili nanaman ako ng DVD. Bumili ako ng Secret Garden pero lechugas, barokish nanaman ang subtitle kaya di pa din ako makaalis sa episode 3. So ang ginawa ko ay nag-marathon ng series na aking ibibida today.
For today, ang ating Kdrama na ididiscuss ay ang series na "I am Legend". Ang kwento ay tungkol sa isang babaeng nakapangasawa ng abugago. E yung abugago di sya nabooboomboomboom dahil busy sa work. She felt na di sya loved. Then nalaman nia na may number 2. number2. number2. ang asawa nia kaya nag-file sya for divorce.
Di lang yun, aside from the kwento sa abugagong asawa, tumakbo din ang wento sa dram dream dream ni babae na maging singer kaya nagpunta sya at binalikan ang mga HS friendships at bumuo ng banda.
Ang kwento ay okay kasi di sya yung common plot storries. Nakasabik din yung takbo ng wento during the trial for the divorce. Andun din ang share ng ups and downs ng banda nila. Mga failures, struggles at pagbangon uli. At iba din ang naging ending kaya this series is pasado. :D
Okay pampalipas ng bored na buhay ang dvd na to. Kung gusto nio, makakabili nito sa inyong suking dvd-han or pedeng mapanood ng tagalogs version sa tv, sa ABS-CBN ata dis week ang umpisa or nag-umpisa na. ahahaha.
Bukas, back to work na.
