Alam na alam naman natin na may kumakalat na rumors at sabi-sabi na bukas daw ang end of the world. pak! Paking shet na malagket.Sinong hinayupak ang nag-tahi at gumawa ng kwentong kutsero, barbero, babaero at supulturero? Sarap kitilin. Lol.
Bakit ako naghihimutok? e kasi naman. Andami pang masayang gawin here on earth. party pooper naman kung matsutsugi na ang mankind. Di pa nga nag-mumutate ang tao at di pa nagiging mutant tulad ng x-men.
Eto ang aking rasones kung bakit di pa dapat mag end ang world bokas.
1. May Baler lakwatsa ako bukas at sa 22. Tapos sa 23 at 24 naman sa Nagsasa Cove sa Zambalez. Tapos Company outing sa 28 at 29.
2. May Puerto Prinsesa travel pa kami sa July. Bayad na ang ticket dun. sayang cash.
3. Kabibili ko pa lang ng kapalit ni Jiji. Wala pang isang buwan si Tordie.
4. Di pa nga ako nakapag-aapply for promotion sa opis. Kahit balak ng resignation wala pa.
5. Di pa nga ako nagkaka-abs. Ni ang pagpayat ay malayo pa ang umaga!
6. Di pa nga ako nahahanap ng babaeng machochorva mapapangasawa. Teka, date pala muna.
7. Wala pa akong junakis. Sayang ang genes. O wag ng umapela. ahahaha.
8. Wala pang date ang #Bocaue EB na pinaplano ng mga bloggers. ahahah.
9. Di pa ako nakakapag-pa-autograph at pic sa mga iniidolong blogger.
10. Kasi wala pang invasion ng mga aliens katulad ng mga Teletubbies.
Ahahha. Sana sunny day bokas. O sya. Bahala na. Ingats. Byabyahe kami ng saktong alas dose later. so Vamanos! Big Hug!!! :D

