Haler! Kamusta na? Lately ay walang peliks..... Horror kasi ang mga trip ko lately e alam ko naman malaki ang chance ng mga viewers este readers na di magbabasa kasi horror. Unless trip nio pa din.... basa na.....
Ang peliks for today ay para sa matitibay ang sikmura. Para sa walang takot. Para sa brave. Di pwede ang matatakutin at mahina ang stomach.
Ito ay ang peliks kung saan may isang family na thailander ang nag-tangkang gumamit ng dark magic ritual para ang kaluluwa ng kanilang mahal sa buhay ay mabuhay muli sa wankata ng iba. For this scenario, ang dead mother ay ibabalik sa wankata ng kinalanding jowaers ng asawa.
Saksespul ang transper ng kaluluwa pero wooooops may something, dahil ang wankata ng nilipatang body ay may powers ng 3 eyed demon. That's right, may third eye.
E kaso yung original soul nung babaeng lilipatan ng katawan ay nagka-powers... it's time to pay back at doon na magsisimula ang malagim na ritual ng pagbayad utang sa pamilyang ginamitan sya ng itim na magic.
Anlalim lang ng wento pero masaya ang peliks na to. Umaapaw ang dugo. Grabe sa makatindig balahibong torture. Incredible ang pagdurusa at balik ng paghihiganti. Swak na swak ang titulo na Art of the Devil 3.
Sa taklong peliks ng Art of the Devil, eto ang okay panoorin kasi malinaw yung kopya. Mukang recent. Ahahaha.
Klap-klap ako dun sa mga eksenang yung katawan nung isang shaman guy ay inuuod ng bongga kasi di makayanan ang powers ng black magic. imba din yung torture sa mata nung matandang lalaki (lagyan ba naman ng pardible! at patakan ng kandila!!!). Oks din yung eksenang binubunutan ng kuko sa paa yung malandyutay na tatay. ahahahahaha
Sayangs di na pinakita much yung torture dun sa lalaki kung saan tinosta sya ng blow torch mula ulo hanggang paa (seen on Art of the Devil 2)..
All in all oks ang peliks na to. Parang Saw!! Incredible ang twist. wahahahahaha. Walang iskor kasi indi to review-reviewhan.... kwento-kwentuhan lang kasi baka sabihin nio kinarir ko na pag-iskor ng peliks, ahahaha
O sya, hanggang dito na lang muna..... Saka na ang pagpapatuloy ng kalandian ng mga prinsesa. TC!
