Showing posts with label km2 contest. Show all posts
Showing posts with label km2 contest. Show all posts

Thursday, June 9, 2011

KM2: Walang Ligaya

Pumuslit lang ako habang tulog na parang banal na santo ang aking asawa. Suot lamang ang aking damit pantulog ay tinungo ko ang unang palapag ng bahay para sa aking adhika; ang makaramdam ng ligaya.

Dahandahan kong binuksan ang pinto ng silid kung saan natutulog si Monika. Sa pagbukas ko ay natanaw ko ang ganda at alindog ni Monika. Nakahiga siya habang pinaliligaya ang sarili. 

Hindi ko na pinatagal ang pag-aantay ng babaeng mapang-akit at ako ay lumapit sa kama at inumpisahan na ang pagsasaya. Sinimulan ko ang pagpisil sa mga malambot niyang dibdib na parang may lamang dikya lang sa loob. Kumilos pa ang kamay ko at sa likuran ito dumapo't naramdaman na nasa gawing kuyukot na ito. Di na mapakali ang kamay at ang daliri ay ipinasok kanyang yungib; hugot sabay pasok muli. Sa aking ginagawa ay napapalakas ang halinghing niya. Ilang saglit pa ay lumabas ang pulot-pukyutan sa kanyang hiyas. Isang malakas na alingawngaw ang bumalot sa silid at aking nasilayan ang luwalhati sa mukha ni Monika.

Bago pa simulan ang umaatakabong bahagi, biglang may kirot sa dating peklat ko sa mukha. Ang lumang sugat sa aking kaliwang pisngi na dulot ng pagtatalo naming mag-asawa. Bigla akong napalingon sa silid at sa may pinto naaninag ang isang pigura na pamilyar. Nakatayo sa silid ang aking asawa.

Kahit na dama ko ang lugami at panibugho sa mata ng aking asawa, wala na akong pakialam. Hindi na ako masaya sa piling niya. Wala na ang pag-ibig na dating nadarama para sa kanya. Hindi na ako magpapakatanga at ituturing na maharlika ang asawang walang alam gawin kundi insultuhin ang aking pagkatao. 

Hukom: "Ikaw Erika ay napatunayang may sala sa kasong pakiki-apid at pagpatay sa iyong asawa na si Aris. Ikaw ay pinapatawan ng kaparusahang pagkakabilanggo ng panghabang-buhay".

Nangangalumata akong tumingin sa hukom na nagbaba ng sintensiya sa akin. Tiningnan ko ng masama ito. Isa siyang mananaggal; manananggal ng ligaya. 

Wala na akong magawa kundi tanggapin ang aking kapalaran. Ang makulong sa sala na dala ng mapait kong nakaraan sa mapang-abuso kong asawa.