Showing posts with label fiction. Show all posts
Showing posts with label fiction. Show all posts

Thursday, May 17, 2012

The Soul Searcher 3

Episode 1
Episode 2

Ilang oras ang nakalipas at nasa mahaba-habang byahe padin ako katabi ang isang magandang babae pero tinatamaan padin ng hiya upang simula ang pagpapakilala o upang magtanong ng kung anong bagay.

Pinili ko na lang manahimik at matulog na lang sa byahe habang dinadama ang lamig ng aircon na nakatutok sa akin.

 ♫Pakisabi na lang na mahal ko siya 'Di na baleng my mahal siyang iba ♪

 Isang kanta ang umistorbo sa maikling paghinbing ko sa byahe.

♪ ♪ Pakisabi huwag siyang mag-alala 'Di ako umaasa ♫ ♫

Patuloy ang pagtunog at ang kanta na mula sa mahina ay tila palakas ng palakas.

♫♫ ♫ Alam kong ito'y malabo 'Di ko na mababago Ganoon pa man pakisabi na lang ♪ ♪ ♪

Lumingon ako sa aking katabi at inalam ko kung nakatulog ba sya at di nya pa nadidinig ang tunog na unti-unting nakakabulabog ng ibang pasahero.

Tulala ang magandang dilag habang tila nag-iisip kung ano ang gagawin sa patuloy na pagtunog ng cellphone na nanggagaling sa loob ng kanyang handbag.

 "Excuse me... Ms. Uhhhm.... Yung cellphone mo, kanina pa tumutunog. Medyo nakaka-istorbo na sa ibang pasahero" Yaan ang mahinang nabigkas ko sa aking katabi.

Tila wala pa din sa tamang wisyo ang babae. Di ko alam sa aking utak kung iisipin kong may sa-bingi ang babae, sabog at naka-inom ng ipinagbabawal na drugs o may pinagdadaanan lang. 

♫  ♪ ♪Pakisabi na lang na mahal ko siya 'Di na baleng my mahal siyang iba ♫♫ ♪
 ♪ ♪ ♫♫ ♫Pakisabi huwag siyang mag-alala 'Di ako umaasa ♫ ♫♪ ♪ ♪
♫♫ ♫ ♪ ♪ ♪ Alam kong ito'y malabo 'Di ko na mababago Ganoon pa man pakisabi na lang ♪ ♪ ♪ ♫♫ ♫

Tumigil din sa wakas ang pagtunog ng kanyang telepono at ang ibang naalibadbaran sa lakas ng kanta ay nagbalik sa kani-kanilang paghimbing sa byahe.

"Miss... Are you okay?" Wow, napa-inglis ako ng wala sa oras para lang magtanong kung okay lang ba sya.

Walang imik pa din ang aking katabi at para naman akong kumakausap sa pader kaya sinubukan ko na lang na makigaya sa ibang tao na matutulog na lang sa byahe.

"Manhid ba kayong mga lalaki?" Mahinang nabigkas ng aking katabi na tila ako ang nais kausapin.

"uhmm..." Nabigla naman ako sa mga katagang ibinanggit ng dalaga. at tila nautal at nawalan ng ako ng boses upang tumugon sa kanyang katanungan.

"Alam mo yung feeling na ginawa mo na ang lahat, nagbigay ka na ng mga senyales na mahal mo sya, pero hindi pa din makuha ng taong mahal mo ang pinapahiwatig mo." Bigkas muli ng dalaga.

Mukang unti-unti na akong nagkakaroon ng kakayanan na makabuo ng mga salita sa aking lalamunan at nagkakaboses na ako mula sa pagkabigla sa mga salitang binibitawan ng dalaga. Pero bago pa man ako sumagot ay napagpasyahan ng driver ng bus na magpatugtog na lang ng radyo.

♫  ♪ ♪Akala mo hindi ko nakita
Maligaya ka 'pag ako ay masaya
Akala mo hindi ko naisip
Na kasama ako sa iyong panaginip 
Bawat sabihin ko
Alam ko nakikinig ka
Akala mo siguro hindi ko nakita♫♫ ♪

Natulala ang dalaga sa unang dalawang stanza ng kanta. Habang ako naman ay napatitig sa babaeng aking katabi na bakas sa kanyang mukha ang lungkot.

♫♫ ♫Akala mo hindi ko pansin
Akala mo hindi ko alam
Mahal mo nga ako kahit hindi mo man sabihin
Akala mo hindi ko napansin ♫  ♪ ♪

Pagdating sa chorus, nabigla ako dahil unti-unti na ang pagpatak ng mga butil ng luha mula sa mata ng dalaga. Di ko maiwasan na di maantig ang damdamin sa aking nakikita. Isang babaeng tila binibiyak ang puso sa bigat ng dinala at saloobin.

♫♫Akala mo gano'n lang yon
Alam ko 'yon kahit noon
Akala mo hindi ko napansin ♫♫

natapos ang kanta at ang mukha ng dalaga ay basa na ng mga luha at ano mang oras mula ngayon ay tila bubulahaw na sya sa pag-iyak.

Di ko alam kung ano ang tumakbo sa isip ko at bigla ko syang hinawakan sa balikat at niyakap at sinandal sa aking balikat.

Sa pagkakataong iyon ay para siyang nakahanap ng unan na maiiyakan at lalong bumuhos ang luha sa mata at simula ng pag-iyak niya.

Ang nagawa ko na lang ay hayaan ang paglabas ng mga mabibigat na pasanin ng dalaga at idaan ito sa kanyang mga mata sa pamamagitan ng pag-iyak at pagluha.

Itutuloy...

Sunday, May 13, 2012

The Soul Searcher 2

Bumili ako ng ticket papuntang Bicol at nakatyempo ako ng pwesto sa bandang likuran. Habang nag-aabang pa ng ibang pasahero, kinuha ko ang aking music player at nakinig sa mga musika habang sinubukan kong ipikit ang mata.

Hinehele na ako ng tugtuging nadidinig ng maramdaman kong tila may kumakalabit sa aking balikat. Nahinto ang aking music trip at tinanggal ang isang nakabara sa aking tenga.

"Excuse me.... Pwedeng pong paurong ng konti?"

Isang malambing na tinig ang nadinig. Hinanap ng mata ko ang pinagmumulan ng mala-anghel na boses at nasilayan ko ang isang magandang babae na may maikling buhok.

Inayos ko ang pagkakaupo ko at umurong para makatabi ang magandang dilag. Ilang saglit ay nakatabi ko na sa upuan ang isang dyosa.

Ilang saglit pa ay naramdaman ko na umaandar na pala yung bus. Dahil tabi ako ng bintana, sinubukan kong doon tumingin at iwasan ang magandang mukha ng aking katabi.

Lakas ng trip ng scumbag brain ko at iba ang pumasok sa aking isipan. Ako ay nakasakay sa bus, may babaeng maganda na katabi. Bus. Bus. Bangbus! Lechegas! O God why?!

Nilabanan ko ang punyemas na demonyong sumasakop sa aking isip at nagpasya na lang akong matulog habang nasa mahaba-habang byahe papuntang Legazpi.

Habang nakapikit at nakikinig ang isang tenga sa mga tugtugin, isang kalabit muli ang aking nadama sa balikat.

"Excuse me ulit.. pwede pong pa-adjust ng aircon? Medyo ginawin kasi ako. Paki-iwas na lang po sa akin yung aircon."

Para akong sundalong napasunod agad at itinutok ko sa sarili ang aircon. Sanay naman ako kaya okay lang sa akin na nasa akin lahat ng lamig na nagmumula sa aircon ng bus.

"Okay na ba?" Tanong ko sa aking katabi matapos kong ayusing ang pagkakatutok ng aircon.

"Yep. Okay na. Salamat." Sabay isang ngiti ang isinukli sa akin ng magandang babae.

Kinilig ako ng todo! Kilig to the bones ika nga ng iba. Ngumiti din ako sabay iwas ng tingin at ngumiti ang puso ko.

Itutuloy.......

Tuesday, May 8, 2012

The Soul Searcher


Handa na ang ang mga gamit ko. Nakatupi na ang mga damit na aking susoutin sa mga susunod na araw. Mga tatlo hanggang apat na araw akong mawawala. Aalis sa nakakapagod na buhay. Magpapakalayo-layo ng saglit upang hanapin ang sarili. 

"Soul Search? Soul Searching? Uso pa ba yun?" Tanong ng kaibigan ko.

"Naman!" Sagot ko sa kanya.

"May pa Soul Search, soul search ka pang nalalaman e alam mo na kung asan ang soul mo". Tugon niya.

"Saan nga? Saan?" Tanong ko sa kanya.

"Di ba isinanla mo sa demonyo! Gago ka! Maiilit na ni taning yung kaluluwa mo tapos sasabihin mong mag-so-soul search ka!" Pang-aalaska ng kaibigan ko.

Di ko na lang pinansin ang kung anong shitness na ipambabanat niya at ako ay nagsimulang umalis.

*-*-
Teka, saan nga pala ako pupunta? Yan ang tanong ko sa sarili. Ewan. Di ko alam. Bahala na si batman! Sumakay ako ng jeep na papuntang cubao at doon na lamang ako magdedesisyon kung saan ako pupunta.

Makalipas ang halos isang oras na byahe papunta sa Cubao, nakarating din ako sa may sakayan ng bus. Iba-ibang destinasyon ang makikita sa mga karatula ng mga sasakyan. Mayroong papuntang norte, meron din namang papuntang timog. Meron ding papunta kung saan wala akong ka-edi-ediya kung saan ako mapapadpad.

Nakapunta na ako sa Baguio, sa Pangasinan at sa iba pa sa hilaga. Nakapamasyal na din naman ako sa mga lugar sa timog. Pinikit ko ang aking mata at humiling ng senyales kung saan ako tutungo. Pagdilat ko ng aking mata, tumambad sa akin ang karatulang Legaspi, Albay.

*-*-

Itutuloy..........

Thursday, April 19, 2012

Ang aking Kwento

Sakto ako sa oras! Alas-dos na ng hapon at hindi ako papatali sa trabaho ko kaya naman mabilis akong tumayo sa aking pwesto, kinuha ang aking gamit at ako ay umalis na ng opisina.

Pagkalabas ko ng gusali, may kakaibang lamig ng hangin akong nadama. Di ko alam. Kinilabutan ako at di ko maipaliwanag kung bakit. Maya-maya pa ay natuklasan ko kung ano ang kilabot na nadama.

Sa aking pagtingala, may makakapal na usok ang natatanaw. Kasabay ng pagkakita sa usok ay maraming malakas na pagsabog ang umalingawngaw at nadinig ng aking tainga. Matapos ang ilang sandali, nakaramdam ako ng pagkahilo at dito ko napagtanto na umuuga ang lupa. Lumilindol sa aking kinatatayuan. Yumayang ang lupa.

Ilang saglit pa ay makakarinig nanaman ng tila pagsabog sa di kalayuan. At sa gantong sitwasyon, di ko napansin na madami na pala ang nagsisilabasan ng gusali dahil sa pangyayari. Ang mga tao ay hindi magkandarapa at nag-uunahan makalabas ng gusali sa takot na baka gumuho ito.

May yumayanig sa aking bulsa. May kanina pa pala tumatawag sa aking telepono. Marahil dala ng pagkabigla at sa pagproseso ng kaganapan, ngayon ko lang napansin.

Labinlimang tawag na hindi nasagot. Yun ang bumungad sa aking telepono. Kasabay nito ang tatlumpung mensahe mula sa aking kapamilya at mga kaibigan. Humanap ako ng pwesto para basahin ang mga isinasaad sa mensahe.

"Magandang balita! Pwede ka ng magpadala ng mensahe sa bawat kapamilya, kapuso, kapatid, ka-chokaran saan mang sulok ng mundo. Dahil sa GLOBO, konektado ka"- GLOBO

"Ngayon, hindi lang sa Globo pwedeng makipagkulitan sa mga kakilala, maaari ka na ding mangulit, mangistorbo at makipaglandian sa ibang network tulad ng 'ARAW' at 'USAP at TEXT'. Magparehistro lamang sa UNLIndian at ipadala sa 2366. Dahil sa GLOBO, konektado ka"- GLOBO

Ilan pa sa mensaheng aking natanggap ay mula sa walang kasawa-sawang anunsyo at pakulo ng globo. Nakakarindi kaya inisa-isa kong burahin ang mensahe ng mabasa ko ang importanteng mensahe.

"Binomba ang kalakhang Maynila. Sabi sa balita may mga ilang bomba pa ang pasasabugin. Umalis ka na dyan. Lumayo sa lungsod at magtago kung saan hindi maaabot ng mga pagsabog"- Inay

"Pare, Madaming sugatan sa tinatambayan mong pamilihan. Wag kang pupunta sa lungsod. Lumikas na kayo ng pamilya mo!"- kaibigan

"Labs, san na u, gulo na hir! nagkakalerks ang mga tao. Ingats ka, lablablablabyu."- 09558765234

Napakamot ulo ako sa mensaheng tila mali ang pinadalhan na numero. Pero di ko na inintindi iyon at sinubukan kong sumagot sa mga mansahe at ipaalam na maayos naman ako. Subalit wala ng kakayanan ang telepono kong magpadala ng mensahe. Wala na palang laman iyon. 

Sinunod ko ang payo ng kaibigan at pamilya. Nagmamadali akong pumunta sa kalsada at naghanap ng masasakyan pauwi subalit ako ay bigo. Puno ang mga sasakyan at mahaba ang pila ng mga ito dahil sa mga taong nagtatakbuhan sa gitna ng daan.

Wala na akong sinayang pang oras at sinubukan ko ding tumakbo papalayo sa lungsod. Habang tumatakbo ay nakarinig ulit ako ng mga pagsabog at pagyanig sa lupa. Sa himpapawid ay makikita ang ilang eroplanong pandigma. Kasabay nito ay ang nahulog na bagay sa langit at isa isang sumabog ang bawat lugar na tamaan ng bagay.

Nagulat ako sa aking nasaksihan, tila nakakita ng maligno. Ang daan ay ngayo'y kalat-kalat dulot ng pagsabog. Sa isang banda ay ang mga katawan ng mga nasabugan at iba naman ay ang mga bagay na nagkandapira-piraso.

Kahit tila ayaw gumalaw ng aking mga binti ay pilit ko itong pinakilos para makaalis sa lugar ng karimarimarim na pangyayare. Sa bandang likuran ko ay nakarinig ako ng pagputok ng baril. Hindi mabibilang sa daliri ang dami ng putok na aking nadinig. Kasabay nito ang mga tangis ng mga taong tila tinamaan ng mga bala.

Di na ako nag-agam-agam at nagmadali ako papalayo. Isa lang ang nasa isips ko, makalayo at magtago. Naalala ko ulit ang mensahe sa akin. Umiwas sa lungsod. Lumayo. Magtago. Alam kong malayo ang kagubatan sa lungsod at aabutin ako ng ilang oras para lang makalayo. Naisip ko na wala akong magagawa kundi magtungo patungong gubat. Sa may bundok. Dadaanan ang palayan at ang malawak na damuhan bago marating patutunguhan.

Ilang oras na akong tumatakbo papalayo sa lungsod ng kapain ko ulit ang aking telepono. May mensahe pang dumating.

"Nak, lumikas na kami. papunta kami sa kagubatan. andito kami sa da malawak na damuhan at maya-maya ay di na kami makakapagpadala ng mensahe. Mag-ingat ka. Ang huling balita ay may giyera na at lahat ng tao ay pinagpapapatay. Ang gobyerno natin ay walang magawa para protektahan ang mamamayan. Sila ay nakipagsabwatan sa mga terorista na lipulin ang tayong lahat na nasa lungsod. Nawa ay makaligtas tayo".- inay

Anhaba naman ng mensahe. Nobela? Panitikan? Siguro ay anim na piso din ang nagamit para sa mensahe dahil di nagtipid sa letra ang aking ina.

Hindi na ako lumingon sa aking likuran at nagpatuloy ako sa pagtakbo. Nalagpasan ko na ang mababang paaralan kung saan ako nag-aral. Kita mula sa malayo ang pinsala na dulot ng pagpapasabog. Sa isang banda, natanaw ko ang silid-aklatan na puno ng nagliparang mga libro at mga katawan ng mga batang tila hindi nakaligtas sa pag-atake ng mga militar.

Nakalayo na ako sa lungsod ng may mas malakas na pagsabog pa akong narinig. Di ko na inintindi ito at nagpatuloy sa pagpunta sakaligtasan. Sa aking pagtakbo, may namataan akong mag-inang lumilikas din. Tangan-tangan niya ang kanyang anak na wala pang isang taong gulang. 

May lumilipad nanaman na eroplano na tiyak magbabagsak ng bomba. Dali-dali kong nilapitan ang mag-ina at sabay na kaming nagmadaling lumikas.

Nasa bukana na kami ng malawak na palayan ng makarinig kami ng mga walang humpay na barilan. Nangamba kaming dalawa at daglian kaming nagtago sa matatayog na tuyong mga palay.

Sa di kalayuan, ang kagawaran ng depensa ay nagmamatyag kung mayroon pang mga nakatagong at nagkukubling mga tao sa kani-kanilang tahanan. Ipinag-uutos mula sa gobyerno na limpulin ang bawat taong makita. Lalaki, babae, matanda, bata o kahit ano pa. Walang ititirang buhay.

Ang hukbong kagawaran ay sumunod sa ipinag-uutos at inisa-isa ang mga kabahayan at walang awang pinagpapaslang at pinagbabaril ang mga naiwan sa kanilang mga tahanan.

Ako, kasama ng batang ina ay nagdahan dahang kumilos papalayo papunta sa damuhan para makalapit sa kakahuyan at sa kagubatan kumubli.

Nanguna akong lumakad at sa aking likuran ay ang batang ina. Iba-ibang kulisap ang nagtatago sa palayan. Malapit na naming maabot ang damuhan ng magising ang sanggol na dala ng batang ina. Dahil sa tahimik ng lugar, tila ang iyak ng bata ang tanging naririnig. 

Itinaas ng babae ang kanyang damit at inilabas ang kaliwang suso para padedehin ang anak at para ito ay tumahan. Subalit hindi gutom ang sanggol. Patuloy lang sa pag-iyak ang bata.

Takot ang nangibabaw sa akin dahil may hinuha ako na baka sa pagtangis ng bata ay matunton kami ng sundalo at di na namin masilayan ang kinabukasan.

Naghudyat na lamang ako na magpatuloy at dalian bago pa marinig ng mga militar ang ingay na dulot ng anak ng babae. Nangunguna pa din ako.

Ilang saglit pa ay nakaalis na kami sa palayan at tanaw na ko na ang malawak na damuhan at sa di kalayuan ay ang kakahuyan at ang kagubatan.

Masaya ako at tila nakatulog na ata ang sanggol dahil tumigil na ito sa pag-iyak. Huminto ako saglit para antayin ang kasama kong babae. Sa aking paglingon, isang lumuluhang babae ang aking nakita. Di na niya hawak ang sanggol.

"Asan na ang anak mo?" tanong ko sa babae.

Walang imik ang babae at tila patuloy lang sa paglayo papunta sa damuhan. 

Bumalik ako sa dinaanan namin ng babae. At sa may palayan, nakita ko ang lampin ng bata. Binuksan ko at dito tumabad sa akin ang walang buhay na sanggol.

Hindi man ako kaano-ano ng bata pero naluha ako sa aking namasdan. Ang munting anghel ay nangitim ang balat na dulot ng pagkawalan ng hangin. 

Naghukay na lamang ako sa lupa gamit ang aking mga kamay at tinabunan ng lupa ang sanggol.

Nagpatuloy ako sa paglayo at pagtungo sa damuhan ng makaramdam ako ng kutob. Dumapa ako at nagtago sa malalagong palay. Makalipas ang ilang sandali ay nakarinig ako ng pagsabog at mga putok ng baril. Takot ang bumalot sa aking katawan. 

Ilang oras ang hinintay ko bago ako nagdesisyon na kumilos muli. Payuko akong naglakad patungo sa damuhan na tutulay patungong kagubatan. Sa malawak na espasyong ito ko nakita ang katawan ng batang inang kasama ko kani-kanina lamang. Ang katawan ng babaeng bakas ang luha sa mukha at ang katawan ay tadtad ng bala.

Nagpatuloy ako at tumambad sa harapan ko ang mas nakakatakot na larawan. Ito ay ang damuhan na hindi kulay luntian subalit kulay pula. Ang damuhan ay pininturahan ng kulay ng dugo. Dugo ng ibang mga taong katulad ko ay nagtatangkang maghanap ng mapagtataguan sa kagubatan. Ang damuhan ay naging natmbakan ng mga katawan ng mga mamamayang lumilikas.

Maingat akong nagpatuloy at dahan-dahang nagpatuloy. Tiniyak kong walang makakarinig ng kaluskos at magdudang bumablik na mga sundalo. Gumapang ako sa lupa at pumaimbabaw sa mga bangkay kung kinakailangan.

Di matapos ang luha ko sa nakahandusay na taong kailangan kong laktawan. Ang mga katawan ng mga batang naglalaro ng saranggola, pamilyang dala-dala ang mga kakarampot na bagay na pwedeng mabuhat, mga labi ng mga aso at pusang isinama sa paglikas.

Huminto ako ng may marinig akong kaluskos at usapan ng dalawang lalaki.

Sundalo1: "Siguro wala ng magpupunta sa kagupatan. Papadilim na din."
Sundalo2: "Meron pa yan. Hindi naman lahat ay napapatay kaagad. maya-maya, meron ulit tayong babarilin"
Sundalo1: Oo nga. Di ko alam kung bakit kailangang itumba ang mga mamamayan."
Sundalo2: "Hindi natin hawak ang kapalaran ng mga tao. Mayroon silang free will, gamitin nila iyon"
Sundalo1: "Putang ina pare! para kang manghuhula sa telebisyon nyan e!"
Sundalo2: "Tumigil ka nga dyan. Mabuti pa at maghanda ka na dahil tiyak tayo ang magbabatay dito."
Sundalo1: "sige na nga, maghahanda na ako. Isda ang kakainin natin. Galunggong."

Wala na akong magawa kundi tumigil sa pagkilos dahil tiyak, tapos ang buhay ko. Mabuti na lang at may katabi akong dalawang bangkay at nagpanggap ako bilang isa. 

Pagod mula sa walang humpay na pagtakbo. Uhaw ang mga labi at nangginginig na kalamnan dulot ng gutom. Wala akong magawa kundi antayin na umalis ang sundalo o kaya naman ay mahuli ako at mapaslang. 

Ipinikit ko ang aking mata at nanalangin. Humingi ako na sana ay mayroong bayani na darating at iligtas ako sa mapulang damuhan.

Isang nakasisilaw na liwanag ang bumulabog sa nakapikit kong sarili.

--------------

Ang mahabang-maikling kwentong ito ay aking lahok para sa patimpalak ni Bino na""Bagsik ng Panitik" contest ng Damuhan.




Wednesday, February 15, 2012

Lihim ng mga Prinsesa XI

Kamusta naman ang PUDAY nio (Puso Day)? Sa may mga asawa, nakapag boom boom pow ba kayo ng bongga? Sa mga mag jowawits, palihim ba kayong nag-biglang-liko? Sa mga singles? Buhay pa ba kayo at di naglaslas ng pulso?

Well, di ko na tanungin ang detalye dahil moments nio yan. Pero kung gusto nio i-share.... why-not-choc-nat! 

For today, eto na ang karugtong ng hindi naman inaabangang serye ng kwatro khanto.... Lihim ng mga Prinsesa.





Oks, so syempre.... dapat may warning para sa mga tao na ang susunod na istorya ay may mga temang di angkop sa mga batang magbabasa. Ang storya ay rated SPG..... Super Parental Guidance. lols.




Nais matuklasan ng mga prinsesa kung totoo ang kwento-kwents na nadinig tungkol kila Alice in Wonderland at Little Red Riding Hood. 

Upang malaman ang katotohanan, ibinuka ni Snow White ang kanyang hita at kukunin nia daw si Mirror Mirror on the Wall.

Snow White: Ahh... teka lang mga mars... Di ko mahanap ang salamin sa loob.

Belle: Sure ka bang dyan mo inilagay yung salamin?

Snow White: Oo, Teka, may nakapa ako. Baka ito na! Chedeng!

Cinderella: Wrong item teh! compact mirror lang yan. Go! Hanapin mo ulit dyan sa iyong yungib.

Snow White: Ahh... uh..... Teka, eto meron ako nahawakan. Chedeng!

Aurora: Wooot-wooot! Maling salamin nanaman! Teka, bakit may side mirror kang nakatago?

Snow White: May nagbabaklas side mirror kasi eh. Nag-iingat lang ako. ahihihih. Wait, eto na... May nakapa akong malaki. Chedeng!

Ariel: Aaaaaa. aaaaaeeaaaa. aaaaaaaaa.aa

Snow White: Ay, tang-ina.... Andito pala yung Salamin sa isa naming kabinet! Pakshet. Saan na ba yung Mirror Mirror on the wall ko?

Rapunzel: You nimkampoop! Tiningnan mo na ba ang wall? Ayun lang yung hinahanap mo, nasa padingdings!

Snow White: OWMAYGAWD! Bakit andon yun? Well Heniway... Lets go na sa area na yun at itanong na natin para malaman kung confiiiiiiirmed ang chika.

Nagsama-sama nga ang mga prinsesa at nagpunta sa lugar na kinaroroonan ng Mirror Mirror on the Wall.

Snow White: Mirror Mirror Lie to me.... Show me what i want to see.

Cinderella: Mirror Mirror Lie to me...... Why dont i like the girl i see.

Aurora: Mirror Mirror hanging on the wall.

Belle: You don't have to tell me, who's the biggest fool of all.

Rapunzel: Mga lechugas! Kakanta ba tayo o aalamin na ang truth and nothing but the truth?

Snow White: You're such a troll talaga! Basag trip! Basagin ko tong salamin sa peslak mo eh!

Naghawak-hawak ng kamay ang mga prinsesa habang nakaharap sa salamin sa pader. Lahat ay medyo kabado sa gagawin nilang chant:

All: Salamin.... Salamin..... ispluk mo nga sa amin kung totoo ang chisms....

Biglang nagliwanag ang salamin na hanging on the wall. Nagkaroon ng smoke sa place habang may nadinig silang boses.

Boses: Housemates! Ano ang maipaglilingkod ko sa mga prinsesa?

Snow White: Ikaw na ba yan Mirror Mirrir on the wall?

Boses: Hindi! Ako si Big Brother! nag-sick-leave si mirror-mirror dahil may date ngayong valentines.

Rapunzel: Oks, payn. Pero di ba titigil ang smoke epek? Hihikain kami sa usok!

Boses: Anung usok? Di sa akin galing yan!

Sumilip ang mga prinsesa sa pinanggagalingan ng usok at nakita si Tinkerbell na nag-iihaw sa likod ng mirror mirror.

Pinitik na parang kulangot ang munting fairy at nagpatuloy na ang mga prinsesa sa pagtanong kay Big Brother.

Magtatanong sana si Jasmine kaso nakatahi pa ang kanyang bibig kaya di sya makapagtanong.

Rapunzel: So ano na Big Brother?! Totoo ba ang umaalingasaw na kwento kila Alice at Little Red?

Big Brother: Ayan ay SIKRETO! Sikretong malupit! bwahahaahahahah.

Snow White: E kung gilitan kita ng leeg at tanggalin ko ang vocal cords mo at ipakain sa buwaya?

Cinderella: Masyado ka naman mars. Bakit di mo na lang tadtarin ng pinong pino yang si bigbrother at isangkap sa shang-hai!

Aurora: Over! Grabe ang violence nio! Dapat dyan binabalatan ng buhat tapos gawing stuff toy ang balat!

Big Brother: Kayo naman..... di na kayo mabiro. iispluk ko na ang knows ko.

Rapunzel: Hay. Sayang. Andami ko pa namang alam na way para pahirapan ka big brother!

Big Brother: Para malaman nio ang kasagutan..... kayo ay bibigyan ko ng task!

Belle: Ay powtangnang big brother to! pahihirapan pa tayo! Pakshets!

Di na nakapagpigil si Jasmine. Kahit nakatahi ang bibig ay pinilit buksan para lang makapagsalita.

Jasmine: Petengene teng beg brether ne te! Heyep ke! Penyete ke! Endeme meng ekek et kepekpeken se behey! Ene ekele me se emen, tenge? De keme sesened se tesk me!

Ariel: Aaaaaaaa aaaaaaa! Aaaaaaa aaaaaaaaaaaaaaaaaa! Aaaa!

Big Brother: Mga baliw! At dahil dyan. papatawan ko kayo ng FORCED EVICTION!

Sa sobrang high blood ng mga prinsesa, isa-isa silang bumukaka at naglabas ng kanilang sandata.

Snow White: (bumuka ang hita): Sisirain kita gamit ang aking Tonfa!

Cinderella: (Bumuka ang hita): Humanda ka sa aking Calibre-45!

Belle: (Bumuka ang hita): Eto naman ang pangpupuksa ko sa iyo... Armalayt!

Aurora: (Bumuka ang hita): Ewan ko lang kung di ka masira sa kanyon na to!!!

Jasmine: (Bumuka ang hita): TENGNE KE!!! HEMENDE KE DETE SE TENGKE!!!!

Ariel: (Bumuka ang hita): Aaaaaaa aaaa! (*translation: Eto Submarine!)

Rapunzel: (Bumuka ang hita):  UTANG na LOOB! Humanda ka kay Megatron at Optimus Prime!!!!!!

At sa isang iglap..... Nadurog at nawasak si Big Brother at kasabay nito ang pagkasira ng buong kaharian na tinutuluyan for the sleep over ng mga prinsesa.

Nayanig ang mundo ng pantasya sa destructive powers. 

Sa sobrang frustrations ng mga prinsesa, nagpalit na sila ng kanilang peg at sila na ang kontrabida.


And they live happily ever after.

-Wakas-

note: yep.... tapos na po ang kwento. Salamat ng sobra sa mga nagtiyagang magbasa ng serye. Thanks-thanks!

Sunday, January 29, 2012

Lihim ng mga Prinsesa X

Hello! Kamusta na? Lagi na lang ako nangangamusta, wala langs. hahahah. Chinechecks ko langs kung okays sa olrights pa kayong mga masugid na readers (skip readers man, full or selective). hahaha.

Sa mga matagal-tagal na ding napapadalaw sa aking crib... naks, crib.... meron po akong fiction story na ginawa at medyo humaba na kaya kailangan ng magawan na ng karugtong para sa pagtatapos na malapit na. hahaha

Lols. So anyway, kung nais nio magbackreads.... heto ang linksis. :p



Paalala muli..... ang mga nilalaman ng post di angkop sa mga batang magbabasa, wag patnubayan. lols.







*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-

Natapos na ang pagshashare ng sexcapades ng prinsesang si Rapunzel. Lahat ay nakapagbahagi na din ng kani-kanilang mga kwento kaya naman nagsimula na silang mag-isip kung matutulog na ba or may gagawin pa silang iba.

Rapunzel: SO...... Tapos na magwento ang lahat sa atin..... ano ng ganap? tulugan na ba tulad ng ginagawa nitong antuking si Aurora or may balak pa tayong magchismisan?

Snow White: Kung mag-chichismisan tayo..... sino naman ang pagkwekwentuhan natin? Alam ko na! Yung wala dito. ahihihihi.

Cinderella: Like sino naman? Hmmm..... si Mareng Mulan? o yung dalawang dalaginding at nagbubuhay single na sina Alice at Little Red?

Belle: Ay... ay... may alam ako tyngkol dun sa dalawang person na binaggit mo!

Jasmine: Sene? Se Eles et se Lettle Red?

Belle: Hindi!!! Si Little Red at si Alice ang tinutukoy ko!!! Kabwisit to... kakasabi ko lang, may ay repeat ang eksena!

Cinderella: O, bakit? anong meron? Don't tell me.......... Sila na?!!!!

Snow White: OWMAYGAWD???? Tiboli? Butchy? Tahong sa Tahong ang laban?

Belle: anu ba!!! Porket sinabi kong may kinalaman si Alice at Little Red, tibo or lesbian na agad? EKSAHERADA!!!!!

Rapunzel: Puta ka kasi.... wag mo kasing bitinin ang kwento para hindi mag jump to conclusion ang mga bobita nating friends!

Jasmine: Sene eng bebete?

Rapunzel: Boobita!!! hindi Bebete! Pakshet!

Cinderella: Sige na, share na! Go... ahihihihi

Pumunta sa gitna ulit si Belle at nag-umpisang magbulong. Ibinulong nia ang balita sa kumare niyang si Snow White. Tapos, from Snow, ipinasa ang wento sa katabi na si Rapunzel, tapos kay Cinderella. Nagtangka namang makichismis din ni Jasmine at gumapang papalapit ang me buntot na si Ariel.

Ariel: Grabe!!! Ganun?!!

Belle: Oo, ganun nga ang balita sa dalawa!

Jasmine: Grebe! Ever te! Nekekebegle eng pengyeyere!

Rapunzel: Itikom mo na nga lang yang bibig mong ngiwing prinsesa!

Aurora: *Hikab..... O , ano ng nangyare sa kwento mo Rapunzel?

Snow White: Rapunzel.... I choose you!!! Use Hair Whip to Aurora!!!

Nasapul nga ng mahabang buhok ang groggy pa mula sa pagkakaidlip na si Prinsesa Aurora.

Rapunzel: It's super effective! Leche!!! Matagal ng natapos ang wento ko. Tulog ng tulog sa pansitan!

Cinderella: Mars! Noong tumutulo ay laway mo sa pagtulog, may ichinika etong si Belle.

At lumapit si Cinderella upang ibulong ang nalaman na balits tungkol kay Little Red at Alice.

Aurora: Puta!! Nawala antok ko sa balitang yan ah! Unbelievable!!!

Ariel: Oo, sinong mag-aakala na ang super hinhin at demure na si Alice ay sumasaydlayn kapag gabi! Pokpokita!
 
 
Snow White: Honga! Grabe! Pero siguro nagawa nia yun dahil sa hirap ng buhay... :(

Belle: Weh??!!! Hirap ng buhay?! E may kaya naman sila Alice ah. Ang sabihin mo, Makati sya at nahilig sa boylets sa paglakbay niya sa wonderland!

Rapunzel: Baka naman profession nia yun. Wag naman nating sabihing POKPOK! Let's use... ummm. ESCORT!
Cinderella: Yeah right! Pakonyo ka pa! Ang putang mayaman at putang mahirap ay iisa lang.... PUTA! lols.

Ariel: Grabe... Kung makapang-husga.... Wagas! Malay nio may naninirang puri lang.

Snow White: Naninirang Puri? May manyak na nanwawasak ng pechay? Sinira... Puri?

Aurora: Ariel, I choose you!!! Use Tail Slap to Snow White!!!!

Nasampal ng buntot ng sirena ang peslak ni Snow White. namula at nagpantal ang sampal ng buntot.

Aurora: It's Super Effective!

Jasmine: E sege, begyen neten ng benefet ef de dewt se Eles. E pene yeng key Lettle Red?

Di nakapagpigil si Cinderella at kumuha ng karayom at sinulid at tinahi panandalian ang bibig ni Jasmine.

Cinderella: Ewan ko lang kung makapagsalita ka pa friend! Kakaasar e! Love you. Peace! mwah.

Snow White: Totoo ba yang news naman kay Little Red? Bugaw naman sya? 

Belle: Well, ayon sa source ko.... nagbubugaw daw yang si Little Red. Sya ang youngest bugaw slash MAMA-SAN!!!
 
 
Rapunzel: Talaga?

Belle: Oo, at eto ang nakakader-der na scoop!

Cinderella: Ano? tell us! Now na!

Belle: Ang unang binugaw ni Little Red ay ang kanyang Grand-ma!

Cinderella: Grand Matador?!

Rapunzel: Boba! Ang utak nasa suso!!! Grand-Ma.... Yung lola niyang hippie!

Snow White: OWMAYGAWD!

Belle: Yeps! Tama ang dinigs nio! At eto pa... Ang parokyano ng lola ni Little Red ay yung Big Bad Wolf!

Ariel: Tangna! Over! Pero sure ba yan? Baka naman di totoo! 

Snow White: Para magkaalaman na, itanong natin kay Mirror, Mirror on the Wall!

Belle: Sige, good idea! Para malaman natin kung totoo ang wento mula sa aking bubuwit!

Ibinuka ni Snow White ang kanyang hita at may dinukot sa kanyang yungib. Inilabas ang Mirror Mirror on the Wall.

Itutuloy............


***Baka tapusin ko na next week ang wento ng lihims. Wahahahahaa.

TC!!! Bukas, rest day ko na!

Sunday, January 22, 2012

Lihim ng mga Prinsesa IX

Ellow! Are you okay alright? oks naman ba kayo mga online friendships? Hopia doin fine! Okay, medyo tinatamaan me ng katam for this month kaya pasensya na sa mga dumadalaws. Eto ang pambawi sa araw na hindi ako nagpost. Ang pagpapatuloy ng Lihim ng mga Prinsesa.




[Babala] Ang wento ay may temang di angkop sa malinis na isip at puso kaya patnubay ng nakatatanda ang kailangan.


Back links muna ng mga episodes. Sayang din ang page views. lols

Episodes: 8, 7, 6, 5, 4, 3, 2 at 1.

 -*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-


Wala ng magagawa pa ang pokpokitang nagngangalang Rapunzel dahil nakapagwento na ang mga kumare niyang sila Snow White, Cindirella, Ariel, Aurora, Belle, Jasmine at kahit si Pocahontas.

Rapunzel: O sya, sige na. Wala na akong choice! Ako na ang taya at ang magshashare ng kwento na nais nio madinig.

Snow White: Namen! Alam mo na ang wento namin den you not?!

Cinderella: Ano daw?

Ariel: Aaaaaa aaaaa aaaaaaaeaaa eaaaaaaa.

Rapunzel: ay pota ang translator, pipi! Ang sabi ni pa-engliserang snow ay alangan naman di ko iwento ang wento ko, e nawento nio na ang wento nio. yun!!!!

Belle: Simulan na yan! Ampotah! Madaling araw na. Kelangan namin ng Beauty Sleep ni Aurora!

Snow White: Porket may word na Beauty sa title ng peliks nio ni Aurora....e pede na kayo mag-inarts na need nio Beauty Sleep. Hat bahket? di ba kami Beyutipul?!! Needs us that too!

Jasmine: Enebe keye. Tegelen nye ne yen. Tere ne et mekeneg ne ng wente ne repenzel.

Snow White: OMAYGAWD! Bumalik ang pagkangiwi ni Jasmine!

Rapunzel: ANO BA?! MAG-UUMPISA BA AKO O MANG-IISTORBO KAYO?!

Cinerella: Kailangan All caps? Kailangan pasigaw? Sige na ateng baluga, ikaw na! Ilambitin kita at gawin kong bungee rope yang buhok mo e!

Rapunzel: kaw naman... di ka na mabiro. :p peace

At nag-umpisa na ngang tumayo si Rapunzel upang mag-wento ng kanyang buhay kangkangan este pag-ibig.

Rapunzel: Napanood nio naman ang story ko. Kinulong ako sa isang tore (hindi si Joel). Tapos may handsome boy na nakaakyat sa tore at doon kami unang kumembot. Alam nio naman na yun ang aking pers taym na makatikim ng laman!

Cinderella: Lahat naman ata tayo may mga perstaym na makakita ng lalaki exept ata tong si Snow White na napalibutan ng mga boys!

Rapunzel: So ikaw na ang bangka? Patapusin nio me sa wento ko please! So ayun na nga, After ng mainit init at naghuhumindig na oooh... aaaaah.... deeper... moreeeee.... fasterrrrr..... yesssss..... yesssss.... ooooohhhh... ahhhhhh. E nahumaling na ako sa boylet kong yun.

Cinderella: So yun na yon?!

Rapunzel: Wait! Di lang yun! Kinasal nga kami. Edi mas naenjoy ko ang bangis, tindi, wagas na pagpaparaya ng nektar.Umaapaw na pagpapaligaya sa dulo ng walang hanggan!

Snow White: Weh?? Maniwala sa iyo!!! If i know, may something wrong sa sex life mo neng!

Rapunzel: Ay, Putrages kang babaeng mahilig kumagat ng mga kabuteng may buhok at may itlog!! Sige na! Tama kayo! May something wrong din ang jowaers ko. Ahuhuh.

Belle: Anong secret ng Papa mo? Mabuhok din ba tulad ng darling ko? Makati pa sa gabi at pinaglihi sa kuneho tulad ng prince ni Snow? Sexibitionist din ba tulad ni Al ni Jas?

Rapunzel: Hindi! No! Kenat be! This is difference! Ibang case to!

Jasmine: E ene nemen eng prebleme ng jewe me?

Rapunzel: E kasi kapag magpapaligaya na kami.... Kapag ako ay hubo't hubad na at tigas kiki at susu na.... Gusto nia, itatali ako using my hair! ahuhuhuh

Cinderella: HUWAT TIGYAWAT?! Bondage ang trip ng papa mo?

Ariel: Aaaa aaa aaaaaaa?

Snow White: Sabi daw ni isda kung panong bondage?

Rapunzel: You know my smelly and fishy friend... Ang trip nitong prinsipe ko ay ibrebraid ang aking buhok tapos igagapos ang paa at kamay ko tapos ibibitin ako sa ere while doing the stuff.

Belle: Gwabeh pala ang pagka-wild ni papa mo!

Rapunzel, Oo naman! Ikaw ba naman ang nakabitin sa ere, ewan ko lang kung anong madama nio! Pero imperness..... Masaya!!!

Aurora: (Nagising at nahimasmasan) Panong masaya? Care to share more?

Rapunzel: Masaya kasi.... Ahihihih. Wahihihih... Nahiya ako eh.... hihihihih

Snow White: Pota ka! Para kang kinikiliti sa pukiki! Wala naman dumidila doon ngayon!

Rapunzel: Hayup ka! Pakealamerang prinsesa! E sa nadyadyahe me eh.... hihhih

Aurora: So ayaw mong sabihin... Okay... fine... End session na! Sleep na tayo! Wala ng patutunguhan ang kwentuhan natin.

Ariel: Aaaaaa aaaa aaaaaaaaaaaa aaaaaaaaa

Rapunzel: (sinabunutan si Ariel at nginudngod sa inidoro ng cr ng room)

Ariel: Hayup ka talagang long hair ka! Bakit sa inidoro mo ako binasa?

Rapunzel: E sa wala ng tubig akong makita! Atsaka para makapagsalita ka naman kesa aaaaaaaa ang marinig namin!

Ariel: Ang sabi ko, wag ka ng mahiya, ikwento mo na!

Cinderella: *Sigh Ayan, nag-offline na si Pocahontas sa ym, sa tweeter, sa fb at sa skype. Nagwalk-out sa kapokpokan at kainartehan mo!

Rapunzel: Okay! Fayn! Grabeng maka-Freysure! Sige na...... Sasabihin ko na kung bakit masaya!

Snow White: Good! O bakit nga?

Rapunzel: Secret! ahahahahahahah

*Pak! Biglang may tumama sa mukha ni Rapunzel.

Rapunzel: Bakit mo ako sinampal ng buntot mo Ariel?

Jasmine: Inetesen ke sye kese enlende lende me!

Rapunzel: Okay! Sige! Para matahimik na ang mga kinikilig-kilig ninyong kipay! Ganto kasi. Habang nakalambitin este nakagapos ako sa ere, Nakablindfold pa ang mata ko using my own hair. Then may ipapasak na something sa akin si Papa then kelangan ko mahulaan kung ano ang bagay na iyon.

Ariel: So nag-gueguessing game kayo?

Rapunzel: Exactly! Gusto nio ba malaman mga bagay na triny nia?

Tumango ang lahat na hudyat ng pagsang-ayon. Napa-online ulit ang bruhildang si Pocahontas.

May dinukot na bote si Rapunzel sa kanyang kweba. Binuksan ang takip at sa loob ay inilabas ang listahan.

Rapunzel: Eto ang mga bagay... inilista ko.

Dec. 1: Ballpen
Dec. 3: Pentel Pen
Dec. 4: Foldable Umbrella (umaga)
            Beach Umbrella (gabi)
Dec. 8: Patola
Dec. 10: Leather Shoes
Dec. 16: Golf Club
Dec. 24: Lata ng Pringles (umaga)
              Lata ng Picnic (tanghali)
              Cookie Jar (gabi)
Dec.25: Pipino (umaga)
              Sayote (Umaga-Part2)
              Vacuum (hapon)

Snow White: ISTAP na! Istap na! Kebarbaredad!

Ariel: Ooooowveeeeer!

Cinderella: Watdapak!!!

Belle: Juskopong paynapol!

Jasmine: TENGENE!!!

Aurora: zzzzzzzzzzzzzzz

Rapunzel: Vaaaaaahkeeeeeet!!!!!! Bakit nio ako pinapahinto mga pekpek kayo! It's getting more fun in the pekpekins tapos pahihintuin nio ako?

Cinderella: Over naman kasi Mars! Maya-maya baka mas malaking items na! Baka mamaya, Drum or baka Poste ng meralco or baka Honda CRV or baka yung Apollo 11 o kaya ang planet earth na ang ipasok sa vajayjay mo!!!! kalurks!

Rapunzel: Hektwali.... Over ka! Like your so over over super mega hyper super duper to the nth power giga terra ultra OVER! Biggest na pinahulaan ni Papa ay personal Refrigerator. Antagal kong hinulaan yun! Like 20 minutes. Kasi naman yung korte nun kakaiba! Nahulaan ko lang nung bumukas yung pinto ng ref tapos biglang lumamig sa loob. Doon ko nahulaan na ref!

Itutuloy.....................

Monday, December 26, 2011

Sa Dating Lugar


Sampung taon na pala ang nakalipas simula ng tayo ay nagkakilala. Antagal na pero parang kahapon lang para sa akin ang lahat. Iba talaga ang pagkakataon. Eksaktong sampung taon ng tayo ay magtagpo at heto at nasa iisang lugar nanaman tayong dalawa. Ikaw ay nakasakay sa kotse at ako ay isang hamak na tambay dito sa isang kilalang tindahan ng gasolina.

Taong 2001 noong kasama mo ang iyong drayber na huminto sa tinatambayan kong gasoline station. Sakay ng magara at mukang mamahalin mong sasakyan ay bumaba ka at nagtungo sa may palikuran habang kinakargahan ng gasolina ang iyong sasakyan.

Naglalakad na sana ako palayo at papauwi ng bahay at eksakto naman na pabalik ka na sa iyong sasakyan. Doon ko unang nasilayan ang iyong ganda. Hindi ka typical na babae na may mahabang buhok sapagkat sobrang ikli ng iyong kulay brown na buhok. Bagay na bagay sa iyo ang simpleng t-shirt na suot na kapares ng kupas na maong na pantalon at sneakers. Sa tagpong iyon ay nakuha mo ang atensyon ko.

Bago pa ako tuluyang makahakbang palayo, nadinig ko ang iyong magandang boses na tinatanong ang iyong drayber kung nakahingi na ng tulong kung paano makakarating sa iyong destinasyon. Kausap ng drayber mo ang aking kaibigan na si Sherwin at ako naman ay nakisabat na din sa pagkakataong yon. Tumulong ako kung paano ninyo matutunton ang lugar.

Sa oras ding iyon, nagpasalamat ka sa aming dalawa at di ko mapigilan na hingin ang iyong pangalan. Akala ko ay iisnabin mo ako pero kasabay ng maamong mukha at isang makinang na pagngiti mo ay ang pagbanggit ng iyong pangalan. Divine.

Akala ko ako lang ang makapal ang apog pero makapal din pala ang apog ng kaibigan ko at hindi nakuntento sa iyong pangalan. Tinanong ka niya kung maari ba kaming makipag-kaibigan sa iyo at kung puwedeng mahingi ang numero mo. Walang takot mo namang ibinigay sa amin ang iyong tarheta at tanong ng aming pangalan. 

Sa kakaibang kabaitan na taglay mo ay biglang pinakabog nito ang puso ko at sa kasamaang palad pati ang puso ng kaibigan ko. Pareho kaming nahulog ng lubusan sa iyo.

Nahiya akong dumiskarte sa iyo kasi ay may kaya ka sa buhay. Ika nga sa mga teleserye at pelikula, langit ka at lupa ako. Kahit lagi kang nasa isip ko, hindi ko nagawang magbigay ng sobrang motibo. Tanging forwarded text jokes at quotes lang ang kaya ko.

Makalipas ang isang taon, di ko lubos akalain na matindi pala ang kaibigan kong si Sherwin. Malakas ang loob. Di ko inakalang matindi din ang tama niya. 

Nanghihinayang ako at napanghinaan ako ng loob. Di ko inakala na bale-wala sa iyo ang estado ng buhay. Naging mag-nobyo kayo ng aking kaibigan. Natalo ako sa laban ng pag-ibig pero sinubukan kong gamutin ang katangahan at minabuting maging masaya para sa inyo.

Naging matatag ang relasyon ninyo dahil umabot kayo ng tatlong taon bilang magkasintahan. Nakikita kita sa lugar na pinagtratrabahuhan ng aking kaibigan. Inaabangan mo minsan na matapos ang trabaho niya at sabay kayong aalis. May mga oras na aalukin ninyo akong sumama pero ako ay tatanggi dahil alam ko na ayaw maghilom ng sugat sa aking puso. Laging dinudugo. Tang-ina.

Isang araw habang nakatambay nanaman ako ay lumapit ka sa akin. Ewan ko. Di padin maiwasan ng puso ko na magtatatalon kapag nakikita ka. Sa iyong paglapit, iniabot mo ang imbitasyon ng inyong kasal. At di ko inakala na ako pa ang kukuning bestman nitong kaibigan ko. Tingnan mo nga naman ang pagkakataon.

Ikinasal kayong dalawa. Kapwa masaya. Habang ako ay tahimik na nagdurusa. Pero masaya din ako kahit paano kasi ang kahit paano ay nakikita kita mga manakaw at pasimpleng tingin lang.

Lumipas ang isang taon, nagdalang tao ka na. Nasa sinapupunan mo ang bunga ng inyong pagmamahalan. Ako na nga ang bestman sa kasal, ngayon naman malamang ay ako naman ang magiging ninong ng anak ninyo. Double Kill!

Kapapanganak mo pa lang noon ng sa di inaasahang pagkakataon ay nalaman mo na nakabuntis din pala ang kaibigan ko ng iba. Pero hindi yun ang masakit na balitang natanggap mo. Ang masaklap ay nagpakamatay siya sa sobrang sama ng loob sa nagawang pagtataksil at sa karupukan.

Tinaguyod mong mag-isa ang anak ninyo. Paminsan ay dumadalaw sa gasolinahan na tila hinahanap hanap mo  ang taong iyong minahal. Tila hindi ka pa din tuluyang nakaka-move on.

Sa pagkakataong ito, nilakasan ko ang loob ko at nagtapat ng natatagong nadarama. Habang karga-karga mo ang iyong anak, sinabi ko ang laman ng isipan ko. Ibinuhos ko ang nasa puso ko. Tanging luha mo lang ang aking nakita. 

Sampung taon na din pala ng una tayong nagkita. Antagal na pero parang kahapon lang ang lahat. Andirito nanaman ako sa mismong gasolinahan na tinambayan ko noon. Habang ikaw ay nasa isang sasakyan. Ang mata ko ay di napigilang maluha sa tagpong ito.

Sakay ka ng isang kotseng may mabagal na patakbo. Ang malungkot na kanta ang tanging nadidinig kasabay ng malakas na pag-iyak ng iyong anak. 

***************************

Eto ang aking lahok para sa pakontes ni Sir Gasul para sa Gasoline Dude’s Blogversary Writing Contest.. Syemps, gusto kong manalo ng 1TB na Portable Hard Drive.

*************************************

Thursday, December 22, 2011

Lihim ng mga Prinsesa VIII

Hello there! May gusto akong irants kaso dapat feel good tayo kaya naman erase-erase-erase iyon at kailangan na mapalitan ng good vibes. 

Alam ko na dapat last week pa to kaso natabunan. You know naman.... busy mode nanamans. Andaming panyayare last weekend pero unfortunately di ako nakasama. Di ako nakasama sa SBA tapos di rin me nakapunta sa get-together nila Supladong Opisboy. Sigh*

Okay..... eto na ang ika-walong bahagi ng serye na parang wala namang nag-aabangs. hahahahahahaha :P





[Babala] Ang istoryang mababasa ay may temang di angkop sa mga batang nagbabasa.... Eto ay rated-18



Ang nakaraan: Lihim ni Jasmine


Tinkerbell: I'm Back!! A Huge way of Zombie is Approaching!!! FINAL WAVE!

Snow White: Pano ka nakabalik here?

Cinderella: Dapat wala ka nang way para makalipad dito ah.

Rapunzel: You're so 2000-en-LATE! It's so lumang game na tinkieWinkie!

Tinkerbell: As if like DUHR!! Syempre may tumulong sa akin para makaalis sa bote! Aler! and mind you... Like capital M-I-N-D-U! Di ako teletubbies! Ako lang naman si TINKERBELL!! Taga mo sa bato.... isaksak mo sa semento!

Ariel: At umaatitude pa? THE NERD!

Gumamit ng electrick mosquito racket si Snow White at kinoryente si Tinkerbell. Ang medyo toasted na katawang-peyri nito ay inilagay sa isang giant tirador at ibinanda papalabas papunta sa lugar ng mga baboy.

Tumalsik at lumipad ang kawawang peyri. Bago tuluyang lumanding sa area ng mga baboy ay nahati sa limang bahagi ang diwata.


Ang isang bahagi ay tumilapon at dumiretso sa bahay na gawa sa dayami at napatay si Baboy1. Ang pangalawang bahagi ay tumilapon at dumeretso so bahay na gawa sa palochina at napatay si Baboy2. Ang Pangatlo at pang-apat na bahagi ay tumama sa bahay na gawa sa tinipid at kinost-cut na semento at nagkaroon ng krack. Ang huling bahagi ni Tinkerpeyri ay tumagos sa nag-crack na semento at napatay ng si Baboy3 na kumekembang kasama si Little Miss Muffet.

Beauty: Well, so since wala ng extra... siguro naman pede na tayong magpatuloy sa pagpapalitan ng kuro-kuro.

Cinderella: In short..... Chismisan! Bwahahahaha!

Snow White: E since halos tapos na ang lahat.... siguro naman it's your time to shine na my dear Rapunzel!

Rapunzel: Pwede bang pass muna?

Ariel: Sino pa ba ang di nakakapagwento ng lihim... ikaw na lang kaya!

Rapunzel: E yang si Pocahontas di pa nagsha-share!


Lahat ng mga prinsesa ay napatingin kay Pocahontas na kanina pa nakaupo sa isang sulok kasama ang kanyang handy-dandy Mac Notebook.

Cindirella: O hi Pocahontas! Kanina ka pa dyan?

♫♪Under the sea... Under the sea♪
♪♫ My humps...my humps... my humps.... check it out! ♪
♫♪ I whip my hair back and forth... I whip my hair back and fourth♫♪
 ♪♫Teach me how to dougie.... teach me how to dougie♪♫
♪♫Bahay Kubo.... Kahit munti... ang halaman doon... ay sari-sari♪♫
♪♫ toootooot-toootoooot♪♫

Sabay-sabay na nagsitunugan ang mga phone ng mga prinsesa at sabay-sabay din nila binasa ang text message.

"Yep. Kanina pa ako dito- Pocahontas :p'

Snow White: Antahimik mo kasi eh.


♫♪Under the sea... Under the sea♪
♪♫ My humps...my humps... my humps.... check it out! ♪
♫♪ I whip my hair back and forth... I whip my hair back and fourth♫♪
 ♪♫Teach me how to dougie.... teach me how to dougie♪♫
♪♫Bahay Kubo.... Kahit munti... ang halaman doon... ay sari-sari♪♫
♪♫ toootooot-toootoooot♪♫

'Ganun talaga! :D kailangan lagi online! Managing blogs... Twitter, Facebook, Myspace, Friendster, Hipster, Multiply and more!- Pocahontas :)) '

Cinderalla: Dadamay mo pa si Pocahontas e sa sobrang pagka-freak nian sa social media ay knows na natin ang lihim nian before pa tayo nagkaroon ng gathering.

Ariel: Tomoh! Like nitong makikita mo sa kanyang Facebook timeline. Malalaman mo ang ginawa nia.

***Listening to the gossips of my kumares- 10 minutes ago
***Shocking revelation from Jasmine- 11 minutes ago
***OMG! -12 minutes ago
*** Tagal pa kaya tong kwento? Naiihi na ako!- 15 minutes ago.

Sleeping Beauty: Oi, check nio nga baka iblinog nian ni Pocahontas ang mga lihim natin!

Jasmine: Wala.... Sinigurado ko na kanina!

Cinderella: Good!

Snow White: Kalerks! lahat na ata ng ginagawa ni Pocahontas sa life ay naka-post at ina-announce sa mga social media sites!

Rapunzel: Tulad ng?

Snow White: Like nung kahapon na nagtweet sya na Kumain sya ng Binagoongang Bayag!

Cinderella: True! Di pa nakuntento at may instagram pic pa. Nalokah ako teh!

Beauty: Grabecious! E noong last week mga mars. Nakita nio ba yung vblog nia noong nasa isang gubat silang dalawa ng asawa nia. Nagdry-humping tong si mareng Poke este Poca habang may i french kiss with labas masok tongue pa! Over!

Ariel: Napipi kaya ako ng di oras kasi uminit ang environment while watching the podcast video nia kasama hindi lang ang asawa niya pati ang ibang katribo nia while making eskabeche at kemyular sa tabing-ilog! Hot-hot-hotdogs!!! Andaming Hotdog and eggs! Bongang-bongga!

Jasmine: Huli ka masyado sa balita Rapunzel dahil di mo ata knows ang mga to. Tyak ko, di mo din nabalitaan ang kumakalat na youtube video niya na kinompile at nireleased sa pirated DVD ng pagtuturo nia ng different positions, pagsubo, paglunok, pagseduce at kung ano pa!

Napatulala si Rapunzel at alam niyang wala na siyang ligtas at kailangan na nga niyang magwento.


♫♪Under the sea... Under the sea♪
♪♫ My humps...my humps... my humps.... check it out! ♪
♫♪ I whip my hair back and forth... I whip my hair back and fourth♫♪
 ♪♫Teach me how to dougie.... teach me how to dougie♪♫
♪♫Bahay Kubo.... Kahit munti... ang halaman doon... ay sari-sari♪♫
♪♫ toootooot-toootoooot♪♫
 

'Mars, bilisan nio na at pilitin na yang babaeng mahaba ang hair. Naihi na ako dito sa pwesto ko- Pocahontas'

Itutuloy........................

Saturday, December 10, 2011

Lihim ng mga Prinsesa VII

Hellow mga ka-khanto..... Kamustasa? Kk ba kayo? Medyo maulan dis wik kaya naman dapat ay lagi kayong may dalang proteksyon. Wag madumi ang isip.... Payong=proteksyon. Ahahaha.

Anyway highway, medyo naging busy much me sa buhay trabaho (hindi lang halata kasi nakakapag-post ako ng blog at nakakabloghop). 

Sa mga tumatangkilik (kung meron man) sa pornomedy serye na Lihim na mga Prinsesa.... Techumuch! Mwah-mwah-tsup-tsup! haahah. 

O so.... di ko na patatagalin pa......


[Stop reading kung ikaw ay nasa edad 18 pababa]










[Sure ka na ba? Bawal din pala ang busilak ang isip at puso.... Mamamantsahan ka. lols]












Jasmine: Sure na ba kayo?

Snow White: oO, taena! Ikaw na!

Rapunzel: Hantagal! Kung ayaw mo.... edi magsitulugan na lang tulad ni Sleeping Beauty!

Aurora: zzzzzzz- zzzzzzz- zzzzzzzzzzzzzz

Cinderella: Ikaw na. Sure na. Sayong-sayo na! Wala ng kokontra pa!

Jasmine: Kapag may sumingit pa dyan... Friendship over-over-over-over-OVER na!

Rapunzel: Kung makapag-over parang walang katapusan? Ano to? Unlimited?!

Tumahimik na lamang ang mga prinsesa para magbigay hudyat na time na nga talaga ni Jasmine para magsalaysay ng kanyang sexventures.


Jasmine: Ganito naman ang kwento ko. As you all know, muntik ko ng mapakasalan si Jabar.

Rapunzel: Weh? Di nga?

Jasmine: Di ka nanood ng kwento ko sa Disney Teh? Walang TV sa tower mo Teh?

Rapunzel: Che....

Jasmine: Okay, tuloy tayo... So ayun na nga. Nakaligtas ako sa majontot at matapang na amoy shawarma na gurangger-Z na arabian at nakilala ko si Alladin.

Snow White: OWMAYGAWD!

Jasmine: LECHE KA! Wala pa ngang detalye kung makapag-omaygad ka dyan, parang wagas!

Snow White: Excited lungs. Naman. Sige... tuloy mo mars!

Jasmine: Ayun... so kinasal nga kami ni Al at nagsama kami sa aming palasyo sa disyerto.

♫♪Under the sea.... Under the Sea ♫♫

Di pa man natatapos ang wento ay may nag-text kay Ariel.

Ariel: MAY NAG-TEXT!!!

Beauty: Sino? Saan? Bakit? Anyare?

Ariel: May text question si Mareng Mulan na nasa Great Wall of China na Hinahalukay-Ube ng kanyang Papabol.

Cinderella: Ansabe?

Ariel: And i quote: 'Mars.... gaano ka-truelili na MASS WEAPON of DESTRUCTION ang mga sandata ng mga Arabs? 

Napatitig ang lahat kay Jasmine. Tila ang lahat ng kababaihan sa loob ng silid ay na-curious kung totoo nga ang chika-chika na kumakalat.

Jasmine: Paki-text yang makati at malanding instsik na yan na Madalas... totoo.

Rapunzel: Madalas? hebaket?

Jasmine: Malamang sa alamang... POBODYS NERFECT! Nakapamboso na ako ng mga arabo... *blushing*

Cinderella: So... Ano nakita mo?

Jasmine: Ayun... May Patola... May coke in can... may Coke Litro... May ga-braso. May parang poste ng Meralco at may yakult.

Snow White: OWMAYGAWD!

Cinderalla: So saan nabibilang ang Prince Al mo?

Jasmine: Buti na lang at may GENIE!

At nagtry na mag-change topic ni Jasmine.....................

Jasmine: Anyway... tama na yang nyetang chismax about sizes. What matters is the performance.

Rapunzel: Sige na nga..... O ano na? Hantagal ng wento!

Jasmine: E punyemas kayo e! Dami nio sidecom at pang-eepal e!

Cinderalla: Sige na gurl... tuloy mo na. Now na! As in Now na! Right here.... Right... 

At nagpatuloy na nga si Jasmine....

Jasmine: Okay ang lahat sa amin... pero syempre... may flaws padin.

Rapunzel: Yung tungkol sa tinkywinky ni Al?

Jasmine: POTA kang long haired BRATINELLA! Hindi!

Ariell: aaaaa. aaaaaa.aaaaa?

Jasmine: Ano? Pesteng Pipi! Anyway... Ang problema kasi ni Al ay isa syang Sexhibitionist!

Snow White: OWMAYGAWD!

Cinderella: Aaaaa. Yun ba yung trip maghuhuhubad in public place?

Jasmine: Parang ganoon pero hindi.

Beauty: E Ano?

Jasmine: Sexibitionist kasi nag-a-a-Whore-new-world kami in different places.

Cinderella: Anong bago dun? Mukang lahat naman tayo na-try in different places ng house.

Jasmine: Buti kung house lang! E naranasan nio na bang gumiling-giling sa bangin? Mag-konsyerto sa disyerto? Mag-Ooolala sa ulap gamit ang magic carpet?

Snow White: OMAYGASH- parang may pulgas!

Jasmine: Imagine.... Nung isang gabi nagbrotcha me sa Vegas. tapos nung isang-isang gabi naman ay sa torch ng Istatyu op Liberty. Tapos last week, ang likod ko ay nakasandal sa isang SPHYNX! 

Cinderella: Ayaw mo non? International ang sexcapades nio?!

Jasmine: Buti sana kung ganon... Kaso may one time.... He wants sex kasabay ng Airplane! OWMAYGAWD! Nakakahiya na magbubuka ng kweba habang kasabay mo ang plane at lahat ng windows ay nakabukas kasi pinapanood kayo! 

Bago pa man makapagbigay ng rants si Jasmine at bago pa makapag-react sa revelation ang mga prinsesa.... Biglang bumukas ang bintana ng silid............

Itutuloy.............

Sunday, December 4, 2011

Lihim ng mga Prinsesa VI

Kamustasa? Okay pa ba kayo? Ahaha. Sa lunes, may isang araw lang ako ng pahinga dahil sa martes ng 12mn ay may pasok na ulit me. Hays. Change sked kasi me. kaasar-ceasar. Well anyway, sa mga nag-aabang ng karugs ng kwento ng mga prinsesa..... heto na ang pagpapatuloy..... hoorah!















Munting paalala: Ang istorya sa ibaba  ay di angkop sa mga batang mambabasa... patnubay ng magulang ay kailangan.






Recap ng last episode. 
Note: Di ko na isasama yung ibang episodes sa recap para hindi consuming sa space.

Natapos na ang pagsasaayos ng na-botox na mukha ni Jasmine at tila tuwid na din ang kanyang pagsasalita. :D

Jasmine: O ano? It's me na ba? 

Rapunzel: Hindi! Babalik tayo sa kwento ng naunang lima.... Mag-rereplay tayo ng kalandiang kwento! 

Belle: Azuz! Ayan nanaman ang stand-up comedian na mahaba ang hair!

Rapunzel: Inggit ka lang sa hair ko.... ♪♫A-a-a-ayos....♫♪ sumusunod sa galaw ko-sumusunod... 

Sleeping Beauty: So magkakantahan na lang tayo?

At huminto si Rapunzel sa pag flip ng kanyang mahabang buhok na rebonded. Bago pa man makapagsalita si Jasmine.....

♫♪Up where they walk, up where they run....Up where they stay all day in the sun....Wanderin' free - ...wish I could be....Part of that world♪♫♫

Tumunog ang isang shell sa may aquarium ni Ariel. Tumatawag ang kanyang prinsipe sa kanyang shellphone.
Ariel: Aloha! 

Prince: Hello.... Sashimi ko...... Pede ba tayo mag-phone sex ngayon?

Ariel: A.... E....... Sushi ko....... kasama ko ang kumare club..... pwede bang next time?

Prince: Sandali lang to sweetie... mabilisan lang... quickie lang.... Need ko lang magparaos.

Biglang sumigaw at nakisabat ang mga prinsesa sa phone call.

Belle: Hoy! Kadir-dir naman! Andaito kaya kami. Atsaka kelangan naka-speakerphone?

Snow White: OWMAYGAWD! Lumabas ka nga muna saglit at doon kayo mag-usap ng jerjeran sexcapades! Kalerks!

Cinderella: Trulagen! Go! Wag dito! Walang delikadesa?!

Nagmamadaling gumapang palabas ng silid ang malansang prinsesa at muling kinausap ang kanyang asawa.

Prince: Ano Sashimi.... ready ka na ba... 

Ariel: Game na... Mabilis lang ha...... 

Prince: Uu, saglit lang......Nakahubad na ako..... Hubad ka na din.

Ariel: Sige, Eto.... Wala na akong saplot (imaginary lang for phone sex)

Prince: Kiss kita Sashimi sa lips... sa neck.... sa back.... sa boooobiees....

Ariel: Dyan... aaaaahh.... Ikaw naman kis ko... Dyan sa nipples.... uuhhhmmph.... tsup.

Prince: Ang galing mong mag-kiss... tigas na utong ko....

Ariel: Bababa na yung kiss ko sa abs.... sa bolex..... uuuuhhhhh.... sa balls.....

Prince: Aaaaah... ansarap ng mga halik mo.... Uhhh,,,, dyan... Subo mo.... kiss mo sa head....

Ariel: Tsup.... tsup... Sliiiip.... swwwiiiiippp. ooooo ooooooo

Prince: Anong sabi mo? Don't talk when your mouth is full.

Ariel: Shhlllp.... sabi ko..... Matigas na ang angry bird mo..... ready na ang tahong ko....

Prince: Sige.... eto na.... Ahaaaahhhhhh.... sikip..... uaaaaaaah...

Ariel: Bilisan mo Sushi.... Ahhhh.... Tigas.... laki....

Prince: Para ganahan ako.... dirty talk ka.....

Ariel: Sige..... Ahhhh... ahhhh.... Shit!.... Ahhh... ahhh... Basura.... ooooh... mmmppph... kanal......ahhh... ahhhh... imburnal..... aaaahhhh.... inuuod na bangkay...... oooohhhh... luga.....ooooh... sipon...... aaahhhhh.... tae.

Beeeeeeeep..................Beeeeeeeeeep............... Beeeeeeeeep............ Na dc yung call.

Bumalik sa loob ng silid ang malansang prinsesa.

Rapunzel: O, kamusta ang jerjer via phone? Success ba?

Ariel: AKO PA!!!! NAMAN!!! SOLID!!! Tiyak napadami ang paglabas ng lugaw ng prinsipe ko.... biglaang naputol ang pag-uusap namin eh... mukang di nakatiis.

Cinderella: Ows? Di nga??? Well sige... tama na yan.... Bigay na ang stage kay Jasmine!!!

Itutuloy.............