Showing posts with label the lego movie. Show all posts
Showing posts with label the lego movie. Show all posts

Saturday, February 18, 2017

Lego: Batman Movie

Heyaaaah! Kamusta na kayo mga folks? Nakakalahati na ang buwan ng pukikay este ng puso. At kailangan ng update ang bloghaus so heto nanaman ako at tumitipa at nagsasalitype sa aking blog.

Para sa araw na ito, hindi ang byahe sa Bicol region ang aking ishashare kundi isang peliks na aking pinanood last weekday ng ako ay nag-restday.

Sa araw na ito, ang aking ishashare ay ang pelikula ng Lego. Eto ay ang Lego: Batman Movie. 

Babala, ang post ay maglalaman ng spoilers at kung di mo bet-kabet ang ma-spoil, girly bidi-bye-bye! 


Mag-start ang story sa husky low voice ni Batman na nagdedescribe ng mga bagay-bagay na ipapakita sa screen. Katulad ng logo at more logo ganyan.

Then ipapakita ang isang airplane na na-hijackthis ng isang known villain ni Batman. Si Joker! Ieexplanation niya ang balak niyang kasamaan kasama ang jowawits niyang si Harley at ang iba pang badboys and badgals na nakalaban ni Batman.



So nasa panganib na ang lungsod ng Townsville! Basta town ganyan! Sino ang magliligtas sa bayan? Who you gonna call??? Nope, not the Ghostbusters... kundi si Batman!


Shempre... Bida ang black crusader kaya natalo niya ang kalabang si Joker at nagkaroon sila ng makabagbagdamdaming confrontation. lols,.

Nagwagi si Batman at umuwi sa kanyang bahay at doon malalaman ang kanyang malungkot na buhay. Ang buhay ng pagiging lonely billionaire (insert song ni Bruno Mars na Billionaire here).

Dito makikita ang loyal butler ni Batman na sa totoong buhay ay itatago sa pangalang Bruce Wayne. Ipapaalam ng butler na si Batman ay lonely, he's mister lonely ganyan. At kailangang makahanap na siguro ng pamilya.


Then aattend si Batman ng isang okasyon. Dito ay makikilala ang bagong chief ng kapulisan. Dito unang makikita ang isang batang bagets na orphan na umiidolo kay Bruce Wayne. 

Biglang enter sa eksena ang isang babaeng pulis at nainlababo si Bruce. During that time, tinanong ng bagets kung pede ba siyang ampunin ni Bruce Wayne, at dahil abala ang mata, isip at yagbols ni Bruce ay napa-oo sya ng di namamalayan.

During the event, sumugod ulit ang kampon nila Joker. Pipigilan sana siya kaso biglang sumuko ang mga villains. as in lahat ng kalaban.

Hala! Kung walang badguys na lilipulin, anmangyayare kay Batman???

Duda si Batman kay Joker at nais niya itong maitapon sa tapunan ng mga evil villains portal thingy named Phantom zone.

So ginamit niya ang newly ampon na bagets at ginawa niya itong sidekick upang makuha ang isang gun na makapagbubukas ng portal. Dito na ipapakita ang naka-costume na si Robin (hindi Padilla ang apelyido).


Subalit may ibang balak pala si Joker. Nais niya talagang mapunta sa evil villains portal upang mapakawalan ang mga mas notorius na kalaban. At nagtagumpay nga ito. Nakawala at naghasik ng lagim ang mga kalabans.

Kailangang lipulin ang kalaban, so si Batman kasama ni Robin, ang butler na si Alfred at s ganda gurly police na magiging si Batgirl ay handa nang kalabanin ang mga masasama.


Anmanyayare sa dulo? Dapat alam nio na bibitinin ko at di ko iwewento para may suspense kunwari! Hahahahah. 

Para sa film na ito, bibigyan ko ito ng score na 9! Yaz! 9. Okay sa akin ang film. Humorous (tama ba ang spelling ko? lols) basta nakakatawa! 

Mula umpisa hanggang matapos ang peliks, na-maintain ang mga funny and witty lines and dialogues.

Nag-enjoy din ako sa mga background music na pinapatugtog sa peliks. Nakakadala kasi minsan ang mga songs on how the eksena will works. 

I like the songs like (I just) Died in your Arms and Man in the Mirror.

So in totallity, must watch tong peliks na ito at mas nagustohan ko to sa unang pelikulang Lego Movie.

o sha, hanggang dito na lang muna! Take Care coz I do care!

Tuesday, February 11, 2014

The Lego Movie

Hey! Kamusta?! Oks naman ba kayong mga matyagang nagbabasa ng bloghouse ng anik-aniks? I do hope na okay sa olrayt kayo. Syempre, mahalaga sa akin na your doin' good, edi kung hindi, wala na magtyatyags sa kung anong isasalitype ko. ehehehe.

For today, i share ko lang ang review-reviewhan ng pelikula na napanood ko last week. Eto ay ang pelikulang 'The Lego Movie'.








Hokey..... Bago simulan.... ang post ay maglalaman ng detalye ng peliks at sa mga magbabalak manood ng film na may phobia sa spoilers or allergic sa details ng wents, then, close the bloghouse kasi ayokong maYnez veneracion kayo. lols.



Decided ka na?


Sure na?



Oks.... Lezdudis!


Ang story ay tungkol sa isang hordinaryong lego builder character named Emmet. Isa syang Hoi Poloi or commoner na walang something special sa kanya.


One day, after shift, accidentally ay nahulog siya sa kailalim-laliman ng construction site at may bagay na dumikit sa kanyang likods.

Sa kanyang pagkagising, dinakip na siya ng kapulisan at inaalam kung anong masamang balak ang alam niya. Siya ay chinuchunky-check ng pulis na si Good Cop/BadCop.


Good thing ay iniligtas si Emmet ng isang magaling na lego girl na may pangalan na Wyldstyle. Isang emo-ish looking lego girl with a streak of color sa buhok.


Dito malalaman ni Emmet na possibleng siya ang subo este sugo or chosen Master Builder na nabanggit sa isang propesiya.

Medyo confused man, isinama si Emmet sa lugar kung saan nagpupulong ang mga Master Builders or yung mga lego characters na hanep ang kakayahan na mag-assemble at mag create ng anik-anik from lego pieces. 

Makikilala ni Emmet ang ibang Master Builders na sila Vitruvius, Batman at Benny. Meron pang iba kaso wala akong mahanap na pic sa net.




At sa gitna papunta sa bandang duloish ng wents, kailangang kalabanin ang kontrabids sa peliks, ang presidente ng legoworld named Lord Business.


End of synopsis/spoiler story.

score for the film ay 9!

Yes! 9 po! Mataas para sa akin ang peliks na ito sa mga kadahilanang...

Kakaibang atake ng animation. Imagine, lego world ang inanimate tapos ang bakbakan ay brick type animation. Lupet for me yung eksenang nakikita mo sa screen ang pagbuo at pagdestruct ng lego pieces depende sa kaganapan.

Naaliw din ako sa mga banats ng mga humor sa movie. Yung eksenang pinakita yung mga heroes like superman, wonderwoman, green lantern, NBA stars, at ang Star Wars chever. hehehe.

Aliw din ako sa eksenang namatay si Vitruvius at naging ghost type lego. hahaha. 

Ang Lego movie ay nagbigay kasiyahan sa batang nakatago sa akin. Pasok to sa Good vibes peliks.

O cia, hanggang dito na lungs muna! Take Care!