Saturday, February 18, 2017

Lego: Batman Movie

Heyaaaah! Kamusta na kayo mga folks? Nakakalahati na ang buwan ng pukikay este ng puso. At kailangan ng update ang bloghaus so heto nanaman ako at tumitipa at nagsasalitype sa aking blog.

Para sa araw na ito, hindi ang byahe sa Bicol region ang aking ishashare kundi isang peliks na aking pinanood last weekday ng ako ay nag-restday.

Sa araw na ito, ang aking ishashare ay ang pelikula ng Lego. Eto ay ang Lego: Batman Movie. 

Babala, ang post ay maglalaman ng spoilers at kung di mo bet-kabet ang ma-spoil, girly bidi-bye-bye! 


Mag-start ang story sa husky low voice ni Batman na nagdedescribe ng mga bagay-bagay na ipapakita sa screen. Katulad ng logo at more logo ganyan.

Then ipapakita ang isang airplane na na-hijackthis ng isang known villain ni Batman. Si Joker! Ieexplanation niya ang balak niyang kasamaan kasama ang jowawits niyang si Harley at ang iba pang badboys and badgals na nakalaban ni Batman.



So nasa panganib na ang lungsod ng Townsville! Basta town ganyan! Sino ang magliligtas sa bayan? Who you gonna call??? Nope, not the Ghostbusters... kundi si Batman!


Shempre... Bida ang black crusader kaya natalo niya ang kalabang si Joker at nagkaroon sila ng makabagbagdamdaming confrontation. lols,.

Nagwagi si Batman at umuwi sa kanyang bahay at doon malalaman ang kanyang malungkot na buhay. Ang buhay ng pagiging lonely billionaire (insert song ni Bruno Mars na Billionaire here).

Dito makikita ang loyal butler ni Batman na sa totoong buhay ay itatago sa pangalang Bruce Wayne. Ipapaalam ng butler na si Batman ay lonely, he's mister lonely ganyan. At kailangang makahanap na siguro ng pamilya.


Then aattend si Batman ng isang okasyon. Dito ay makikilala ang bagong chief ng kapulisan. Dito unang makikita ang isang batang bagets na orphan na umiidolo kay Bruce Wayne. 

Biglang enter sa eksena ang isang babaeng pulis at nainlababo si Bruce. During that time, tinanong ng bagets kung pede ba siyang ampunin ni Bruce Wayne, at dahil abala ang mata, isip at yagbols ni Bruce ay napa-oo sya ng di namamalayan.

During the event, sumugod ulit ang kampon nila Joker. Pipigilan sana siya kaso biglang sumuko ang mga villains. as in lahat ng kalaban.

Hala! Kung walang badguys na lilipulin, anmangyayare kay Batman???

Duda si Batman kay Joker at nais niya itong maitapon sa tapunan ng mga evil villains portal thingy named Phantom zone.

So ginamit niya ang newly ampon na bagets at ginawa niya itong sidekick upang makuha ang isang gun na makapagbubukas ng portal. Dito na ipapakita ang naka-costume na si Robin (hindi Padilla ang apelyido).


Subalit may ibang balak pala si Joker. Nais niya talagang mapunta sa evil villains portal upang mapakawalan ang mga mas notorius na kalaban. At nagtagumpay nga ito. Nakawala at naghasik ng lagim ang mga kalabans.

Kailangang lipulin ang kalaban, so si Batman kasama ni Robin, ang butler na si Alfred at s ganda gurly police na magiging si Batgirl ay handa nang kalabanin ang mga masasama.


Anmanyayare sa dulo? Dapat alam nio na bibitinin ko at di ko iwewento para may suspense kunwari! Hahahahah. 

Para sa film na ito, bibigyan ko ito ng score na 9! Yaz! 9. Okay sa akin ang film. Humorous (tama ba ang spelling ko? lols) basta nakakatawa! 

Mula umpisa hanggang matapos ang peliks, na-maintain ang mga funny and witty lines and dialogues.

Nag-enjoy din ako sa mga background music na pinapatugtog sa peliks. Nakakadala kasi minsan ang mga songs on how the eksena will works. 

I like the songs like (I just) Died in your Arms and Man in the Mirror.

So in totallity, must watch tong peliks na ito at mas nagustohan ko to sa unang pelikulang Lego Movie.

o sha, hanggang dito na lang muna! Take Care coz I do care!

1 comment:

So.......Ansabeh???