Showing posts with label the perks of being a wallflower. Show all posts
Showing posts with label the perks of being a wallflower. Show all posts

Saturday, September 29, 2012

Book Review: The Perks of Being a Wallflower

Hey there! Una sa lahats, TGIF sa mga makakaramdam ng weekends! You already! Pede kayong magpunta sa Moa bukas para sa Cosplay event something. Or pede kayong mag molmol at mag shopping.

So, napanood ko na ang peliks noong isang araw at kahaps, pinasadahan ko naman at tinapos ang pagbabasa ng libro na 'The Perks of Being a Wallflower'. For today, book review naman tayo. :D


Kung nabasa ninyo yung movie review ko, ganun din halos ang sasabihin ko sana for the summary ng book. Syempre, Based sa libro yung movie therefore dapat magkaparehas sila in majority.

Pero for the benefit sa ayaw magbackread, eto ulit ang summary:

Ito ay tungkol sa isang bata-batutang nagsusulat sa isang anonymous friend kung saan ishinashare niya ang mga bagay-bagay na na-eexperience nia.

Ito ay tungkol sa teen na si Charlie at sa pakikipagsapalaran nia sa buhay High School. Ang mga bagay bagay tungkol sa kanyang pamilya. Tungkol sa pagiging outcast nia at pagkakaroon ng friendships nia na nasa senior years. Ang unang halik, unang jackolyn jose, unang chongkee, unang yosi at ano-ano pa.

So ano ang differences pala ng book sa movie? Well, dito kasi sa book, mas ramdam mo yung characteristic ng bida.

Sa book namemention na nagvivisit na sya sa psychiatrist kahit na pumapasok sya sa school. Isinaad din dito na nagyoyosi sia pati yung friends niya compared sa portrayal doon sa peliks. Nasaad din na nagkaroon din ng problem sa family like yung ate ni charlie ay nabuntis at nagpalaglag (yun ang pagkakaintindi ko). 

Andun din ang eksplanasyon sa estado ng kanyang si Aunt Helen na namolestya tapos eto din ang dahilan kung bakit namolestya nia yung pangkin nia na si Charlie.

Di pinakita masyado sa film pero hindi lang isang beses hinalikan ni Patrick si Charlie, medyo madaming beses at yun ay during the time na nagcocope-up sa break up nia si Patrick.

The book is better syempre than the film since mas detalyado ang mga bagay-bagay pero all in all, almost same rating lang sya sa peliks. May rating ito na 8.7, di ko na kayo pagcocomputin!

O cia, hanggang dito na lang muna! Take Care!

Thursday, September 27, 2012

The Perks of Being a Wallflower

Hei! Kamusta naman kayo? Midweek na pero technically, patapos na aweek kasi thursday na at isang tambling na lang, restday na ng mga folks na sumusunod sa normal work schedule. Yu olreydi!


Napadaan lang ang restday ko. Di sya nagtagal. Pano ka makakapag restday kung pang-gabi ka tas makakain yung unang araw kasi nagpahinga ka muna pag-uwi tas pagdilat mo, gabi na, sarado na ang mall, wala kang mapuntahan. So sa 2nd day lang ako nakakabawi at nakakalaboy ng wagas.

At kahapon nga, ay nag-malling-malling at nagpagod ng paa kawiwindow shopping at bookhopping sa bookstore. Sinabay ko na din ang panlibre ko sa sarili na makapanood ng peliks since di pa nasesetup at wala na atang balak isetup ang dvd components sa bahay. 

Ang pinanood na peliks ng isang forever alone na tulad ko ay ang palabas na may namesung na 'The Perks of Being a Wallflower'.

Haktwali, may book ako nito na nakatambay lang sa opis at nasa first part lang ako dahil nasapul ako ng katams e. So Masminabuti ko na lang na mag-shortcut at panoorin ang film.

Wait! Istap right now! Baka may balak kang manood ng peliks, so i suggest na skip dahil itong post ay naglalaman ng mga bagay bagay tungkol sa peliks.

Okay? Let's get it on! Let's go-sago! Hurry-strawberry! Dis-is-it-pansit!

Sam, Charlie and Patrick (l-r)

Ang wento ay tungkol sa isang boylet na tinatawag na Charlie pero di nabanggit ang apelyido kung chaplin. Si Charlie aay isang freshie, fresh na fresh for HS. Well, di sya open at di sya close sa family niya kaya naman mega write-a-letter ang ginagawa niya sa isang anonymous friend (sorta-imaginary friend) atsaka yung bestfriend niya ay nag-suicide kaya medyo tinamaan din sya ng depression and anxiety achuchuchu.

So papasok sa High school life o my high school life ang kiddo pero it feels capital awkward dahil his on his own. No friendships, forever alone, scially awkward ang drama. Pero somehow he manage tohave a friend sa katauhan ng kanyang english teacher na nagpapahiram sa kanya ng book.

Then, nagkaroon pa sya ng friend sa katauhan ng isang senior student name Patrick na kaklase niya sa isang subject. Dito na meet niya ang step-sister ni new friend na si HERMIONE GRANGER! Sam. Then dito na nagsimula na naafeel ng belongingness ang isang imbisibol kiddo na katulad nia.

Mararanasan ni Charlie ang mga bagay-bagay tulad ng makatikim ng drugs and drinking sa party. Ang maka-first base o makipag-kiss. makasquishie ng boobies at mga anik-anik. Pati ang mainlababo sa kanyang friend na si Patrick... joke.... si Sam.

May iba pang karanasan na natutunan at na-experience si Charlie na di ko na idedetalye pero at the last part, eventually, marereveal ang secretong malupet sa buhay ng bida..... Wooops, di ko sasabihin! Makiki-secret ako! lols.

At dyan nagtatapos ang synopsis/ spoiler. Um..... for me, kinda okay but not super-duper-great pero pede na at medyo above sa so-so level. Bibigyan ko ito ng 8.459823456843 tapos paki-round-off na lungs. hahah.

Bagay sa mga actors ang characters na pinortray nila. Magaling-magaling-magaling kaso walang boom-boom-pow level with pumping-pumping. nyahahaahah. Pero shocking yung revelation sa secretong past ni Charlie! Tsktsk.

Ang peliks po ay showing na sa mga sinehan or kung ayaw, sige,mag-antay na lang kayo na may madownload. Choice is yours!

O cia, hanggang dito na lang muna. Take Care!