Showing posts with label update. Show all posts
Showing posts with label update. Show all posts

Thursday, June 16, 2011

Update-Update :D


Hellows sa mga walang sawang napapadpad dito sa aking online bahay. Eheheh. Thanks so much dahil nibibisita ninyo ang house na to kahit minsan ay kung ano-ano lang ang post ko katulad ngayon.

Medyo namumuo na ulit utak ko kaya konting pagpapagaling na lang i will be back to my regular self.

Anyway... highway, eto lang share ko lang mga pangyayari sa akin. Knows ko na minsan di nio naman need malaman ang pangyayari sa buhay ko pero wala lang. Gusto ko lang mag share. Wahahaha.


-Today ay showing na ang Green Lantern. Maghohonda ako sa opisina (honda-dat meaning eksaktong uwian wala na ako/ nakaalis na me.) Tatakbo/ lilipad ako papuntang Robinson's Galleria para doon panoorin to. :D Mas okay ba manood sa 3d? watchutink?


-Nag-aadik ako sa Pepsi Pinas. Remember yung video na nipost ko last time? Yung action movie na may hilarious na linya at litanya? Dahil sa video na yun, nag-crave ako ng todo sa pepsi pinas. Naghanap ako sa mga malls pero wala. Sa 7-11 ako nakabili, 500ml lang.


-Sa sabado na ang Toycon 2011. I am so excited. Hahahaha. Nag-withraw na ako ng pera at itinabi para sa possible na gastos sa araw na iyon. Mag-huhunt ako ng One Piece na laruan. :D


-Nakaka-awa much yung tuta na sinampay sa sampayan ng papampam na amo. Grabe lang. Di ko na eeeksplain more ang detalye ng issue kasi napost na to sa mgaepal.com at sa MoksWorx.


-Sa linggo, Father's Day na. Aadvance greeting na ako sa mga tatay, magiging tatay, may tatay, may tatay ng tatay at tatay ng tatay ng tatay. Happy Father's day to all Fathers... Kahit mga pari, happy father's day na din.

Hanggang dito na langs muna. Thankful Thursday to all. :D

Wednesday, June 8, 2011

ToyCon 2011


Maikling patalastas lang. Nalalapit na ang 10th year ng ToyCon at nakakaheksite naman ito. Sa dalawang araw na event magkakaroon ng mga booth ng toys at kung ano pang anik-anik. Meron ding eksibit ng mga koleksyon ng laruan at iba pa.

Markahan ang kalendaryo. Ihanda ang kamera at gogogo na sa event na ito. Magdala din ng pen to sign up para sa mga free game installers.

Sana may maka-swap ako ng restday para mapuntahan ko din ang sunday event. :D

Saturday, May 14, 2011

Mini Update Lang


After ng more than 24 hours na pag-iinarte ng blogger at hinayaan ang mga blogero at blogera na luhaan kakaantay na matapos ang maintenance, ayos na ang blogger! Wahooo!!! Mag diwang! Makakapag-post na ulit. Makaka-comment na naman. Yes!

Pero since nagkaroon ng rollback at ang ilan sa mga comments ay nabura, di na muna ako masyadong magkokoment for 2 days. Baka naman kasi masayang eport ng pagtype tapos buburahin lang dahil nag maintenance. 

So ang post for today, mini update lang kasi who knows, baka may topaks ulit ang blogger at mag-rollback, atlist, walang panghihinayang na magaganaps.

- Kahapon, friday the 13th. Malas ang nasa blogspot kasi tiis mode na walang blogger. Down ang system. No post and all. Kairita lalo na sa mga taong may nais maipost at namuo na ulit ang utak at di na nagsasabaw.

- yesterday, masaya ang mga tao sa opis dahil pumasok ang inaantay na kalahati ng 13th month pay. Aside from the ordinary sweldo, may extra na magagamit pang liwaliw.

- Pila balde ang mga tao sa ATM. Mukang ang ibang kumpanya din ay nagpasahod ng friday the 13th. Karamihan ng atm ay na-ooffline kasi ubos na ang datung.

- Sale sa mga malls kahapon. Pag sale, ibig sabihin jampakan nanaman ang mga tao. Medyo siksikan din sa mall kasi time na ulit para mamili ng school supplies at uniforms ang mga pips. It's spending time.

- Since nakatanggap ako ng gracia kahaps, nag-ikot ako to check for digicam. Undecided ako kung bibili ako ng digicam  kasi syempre, maglalabas nanaman ako ng pera. budget ko lang is around 5k.

- Nakakalungkot na na-out sa American idol si James Durbin. Wala na yung bet ko. wzakokok. 

- Mukang mabilis dadaan ang bonus/swelds dahil nagbayad ako ng Sun broadband ko at ako ang pinagbabayad ng meralco. huhuh.

- Mas madaming calls today. Kung idleness kahapon, kanina ay sunod-sunod ang calls ko. Walang pahinga para mag tweet at magbloghop.

-Bukas, pupunta kami sa pahiyas. yehey.

Ayan lang muna. Hahaha. Sinusulit ko lang muna na nag-up na ulit at okay na ang blogger. 

Enjoy your weekends mga pips.