Friday, September 18, 2009

Bakit?


Khanto, yan ang nakasanayang pangalan na ginagamit ko sa mga laro at forums. Nagmula sa mahabang pangalan na KHANTOTANTRA. Nakakatawa dahil pag ang maikling version lang, sasabihin nila parang tambay name lang. Kapag madumi ang isip naman, tyak, may idadagdag na isang letra sa dulo upang lumabas ang kaberdehan sa pangalan.

Bakit nga ba Khantotantra? Isa ba itong pangalan na bastos? Sa akin, ito ay hindi. Pero may punto naman ang ibang tao eh. Kung hihimay-himayin o kaya ay dadahan-dahanin ang pangalan; talagang lalabas na bastos. Sabi nga ng iba, parang nag-aaya ang pangalan na ginagamit ko upang gumawa ng milagro.

Hango ang pangalang KhantoTantra sa dalawang online game na inilabas noong nasa kolehiyo pa ako. Khan at Tantra ang larong aking tinutukoy. Saan ko naman napulot ang ideya na pagsamahin ang dalawa? ito ay dahil sa installer ng laro na pinamimigay noon sa paaralan. Namamahagi noon ng libreng Ragnarok cd. Tapos dumating ang kuwentuhan sa mga bagong laro tulad ng Tantra. Tapos habang nasa isang shop ako, nakita ko ung isang lalaki na naglalaro ng Khan. Dun na sumagi sa aking isipan na noong gagawa ako ng character ko, papangalanan ko na KhantoTantra kahit di naman talaga ako nakapaglaro ng Khan.

Sa ngayon, eto padin ang gamit ko pwera nalang sa mga nauna ko ng ginmit na ibang pangalan o screen name. Kahit laos na ang tantra sa manila at di na gaano kilala, okay lang. Basta ako padin si KhantoTantra.

0 comments:

Post a Comment

So.......Ansabeh???