Dalawang araw ang makalipas ng nagsimula ang bagyo. Baha ang dulot at nilamon ng tubig ang mga kabahayan na walang pangalawang baitang ang tahanan. Nakakalungkot ang sinapit ng mga tao. Ang lugar namin ay di rin pinatawad ng kalamidad.
Lunes ng umaga ng aking nabalitaan na bumaba na ang baha sa lugar namin. Masaya ako dahil makakauwi na ako at makakamusta ang aking pamilya. Dali-dali kong nagpalit at nagtungo sa malapit na sakayan. May roong jeep na patungong Ever kaya okay.
Habang lulan ng pampublikong sasakyan, di ko alam ang nasa isip. Kinakabahan ako at di mawari ang isipan. Saan kaya sila mami at dadi ko? Sana ay ligtas sila. Iyon ang aking nasa isipan. pagsapit sa tulay ng Floodway, nagsimula na ang traffic. Makikita ang van ng ABS-CBN at mga tanke at mga kung anu-anong anik-anik na sasakyang militar. Matatanaw mo ang nagkukumpulang mga tao sa paligid ng evacuation site kung saan ay pila-balde ang mga tao sa paghingi ng saklolo, relief goods at mga gamot sa may sakit. Makikita din ang mga nananamantala sa pagkakataon kung saan ay naglalako ng inumin, makakain at ibang bagay.
Nilakad ko nalang papuntang De Castro dahil ambagal ng takbo ng sasakyan. Pagdating sa Jolibee, makikita ang daan na puro putik at wala na ang tubig sa pangunahing kalsada. Akala ko ay di na ako lulusong sa tubig. Ako ay nagkamali. Unang liko sa kalye ay may tubig na. Nagsimula na akong humakbang sa tubig na kulay putik. Sa una ay akala ko na normal na baha lang ang aking lalakaran, ako ay mali. Habang sa patuloy na paglalakad, makikita ang iba't-ibang bagay na nakalutang sa tubig. May lumulutang na basura, mga sanga at kahoy, dahon. Magugulantang ka din sa mga hayop na mistulang isda. May patay na aso, pusa, manok, daga at mga insekto tulad ng ipis at iba pa. Habang papalapit sa aming bahay, mas lalong tumataas at lumalalim ang baha. Itinataas ko na ang aking shorts at baka abutin ang wallet at cellphone ko.
Nadaanan ko ang computer shops na aking pinupuntahan at ang kanilang hanapbuhay ay nilamon din ng baha. Walang ligtas. Ang bakery na nasa kanto ay sarado at may matandang lalaki na nakaupo sa bangko na animoy naligo sa ulan ay kumakain ng biskwit. Konti nalang, malapit na. Unang madadaanan ang bahay ng Auntie ko. Sarado at walang tao. Pinasok ko ito at kita na abot kisame ang taas ng baha kung titingnan ang markings ng baha. Sumigaw ako! Walang tao ata! Ako ay lumabas at naglakad patungo sa amin. Tumataas ang baha at may mga tao na may ma-raft at salbabida na dumadaan din. Kita sa mga kalalakihan ang hita nila na animoy nagpapakita ng legs sa taas ng pag-aangat. May mga kapitbahay na ang damit ay pinaghalong basa at tuyo na may putik. Kita ang ibang tahanan na may pangalawang palapag na dun inilikas ang kanilang kasangkapan.
Sa wakas, narating ko ang bahay namin. Masaya ako at ligtas sila. Ang mami at dadi ko ay kasama ng aking pinsan na unang titingnan ang dulot ng baha sa bahay. Lutang ang kagamitan namin. Ang ref ay nakahiga at lumalangoy. Ang TV ay tila inayos nalang ni dadi sa isang lugar. Hindi padaw binubuksan ang kwarto dahil may mga importanteng papeles doon at ayaw naman maagos at madispatsa ng basta-basta. Pinakinggan ko ang kwento nila at ako ay nabigla. Nalungkot ako sa dalawang aso namin na hindi nakaligtas at kinuha ang buhay. Nakakainis! Ang tahimik naming aso ay nasawi samantalang ang aso ng kapitbahay na ubod ng ingay ay nandoon sa bubong namin. Nakakaawa ang tahanan namin. Kitang kita na ang kisame ay halos bumagsak dahil inabot din ng baha. Mukang magsisimula kami sa wala.
Malungkot. Nakakainis! Nanghihinayang. Subalit masaya nadin ako dahil nakaligtas sa sakuna ang pamilya ko. Sila ay buhay. Iyon ang mahalaga. Ang ari-arian ay makakamit muli sa pagpupursige sa trabaho at mga ilang oras ng pag-oovertime. Mukang di ako makaka-asa sa gobyerno dahil madami din ang nasalanta talaga. Kailangan ko nalang magbigay daan at hindi ituloy ang aking kaarawan upang makabili ng kagamitan pang bahay.

0 comments:
Post a Comment
So.......Ansabeh???