Ilang araw na ang lumipas at madami padin ang lubog sa baha kagaya ng mga bahay sa Cainta. Habang ang panahon ay maayos na, eto ang mga bagay na sa aking palagay ay makatutulong pagdating ng sakuna lalung-lalu na ang baha.
1. Salbabida/ Floaters- Una sa listahan ko ang salbabida. Kung bakit ko napili ay dahil eto ang iyong tagapagligtas kontra sa pagkalunod. Hindi ka basta-basta lulubog at maaari ka pang magsama ng dalawang tao basta kakapit sila sa salbabida. Isa pang dahilan ay kung mag-aantay ka sa mabagal na pagkilos ng rescue team, maaaring mauna na at iligtas ang sarili gamit ito. PAkatandaan lamang na dapat ay marunong pumadyak at kontrahin ang tubig kung sakaling malakas ang agos ng tubig.
2. Malinis na Tubig- Marahil nga ay umuulan pero hindi ka naman pedeng umasa nalang sa ulan. Paano kung tumila na ang ulan, iinom ka ba ng tubig baha na kulay Mocha Frappucino? Susubukan mo bang tumikim ng tubig na babad sa nagkalat na patay na hayop na nasawi sa baha?
3. Gamot at first aid- Hindi mo kakailanganin ng Ninjutsu upang mapagaling ang mga pinsalang pisikal. Maari tayong masugat sa ating lalakaran dahil hindi natin alam ang maaapakan dahil lubog ka na sa baha. Kontra impeksyon at kontra sakit.
4. Damit- Marahil sa iba ay hindi ito kailangan agad subalit mainam na may mailigtas na damit pamalit. Hindi maaaring mababad ka sa tubig. Hindi ka sirena at shokoy na kayang tagalan ang pagkakababad sa baha. Ang matuyuan ng basang damit ay maaaring humantong sa sakit sa baga tulad ng pulmonya.Maaari mo din syang magamit pampukaw ng tao upang makahingi ng saklolo.
5. Tupperware- Nakakatawa man sa iba subalit malaki ang magiging pakinabang mo pag may tupperware ka. Dito ay maaari mong ilagay ang mga bagay na hindi pwedeng mabasa tulad ng cellphone, charger, kandila, posporo at iba pang gamit na magiging kapakipakinabang sa paglikas.
Sa aking sapantaha, itong mga bagay na ito mahalaga upang makaligtas sa sakuna na dulot ng bagyo at pagbaha.

tnxxxx
ReplyDelete