Transforming Thursday sa inyo! Heto nanaman ang review-reviehan tungkol sa mga pelikula na ipinalabas sa sinehan.
Pero bago ang lahat, syempre andito nanaman ang babala at warning. Kung kayo ay di pa nanonood at nais manood at ayaw ma-spoil ng kahit na kakapiranggot na impormasyon, might as well close the web browser na or magkomento na lang sa ibang blog post ko. wahahaha. Pero kung kayo yung mga tao na gusto muna ng review bago manoods, so gora lang at ipagpatuloy nio na ang pagbabasa.
Kahapon ay showing na sa ating country ang palabas ng mga machines na kayang magpalit anyo bilang mga sasakyan. Kung clueless talaga kayo at galing sa bundok at walang balita sa mga kaganapan sa paligid, ang tinutukoy ko ay ang pelikulang Transformers. Eto na ang 3rd movie ng pelikula.
Ang wento ay tungkol sa simula ng digmaan ng Autobots (mga good machines) at Decepticons (Bad ass machines). Syempre pinakita na nagtitirahan sila (o wag green minded). Tapos may biglang nakatakas na madapaka speship at ito ay lumading sa buwan (hindi yung buwan ng June, July or August). And then.... ipinakita ang man on moon kasama sila armstrong at nakita ang speship.
Tapos pinakita yung sexing babae. Ayun, katulo laway. Wiiiitwiiiiiiw! Tapos aun, sexy nga. Sayang walang Megan Foz pero pwede na! Tapos aun... Saglit lang, walang steamy hot sexy scenes... Tapos aun. Tapos na movie.
Lols. Iniwasan ko iwento yung middle part at ending part kasi naman yun na yung good thing sa movie. kaya eto na, jump na tayo agad sa rating ng movie.
Para sa aking sariling opinyon, bibigyan ko ng 9 ang pelikulang ito. Bakit? Why? teka... dadaan din tayo dyan.
Heto na ang reasons (hiniwalay ko lang sa separate na paragraph). Maganda ang takbo ng kwento. Maganda yung twist. Nakakakulo ng dugo ang kalaban. May sexing babae (walang masyadong skin na pinakita). Maganda ang bakbakan.
Pinanood ko nga pala to sa 3D, at okay naman ang kinalabasan. Kaya sa mga nagbabalak ng 3d, go! Sa mga ayaw ng 3d, oks lang din, Kasi may part parang di rin 3d (nanood akong walang 3d glass sa isang part kasi nahihirapan ako kumain ng burger ng may nakatakip sa mata. :p).
btw: walang fastfood chain ata ang may franchise ng Transformers at wala akong nakikitang Happy meal o jolly kiddie meal na may transformers toys. Kahit ang burger king wala. So sad.
O sya, hanggang dito na lang muna. :D
TC to all!
makulit ako kaya binasa ko at hindi naman pala spoiler heheheh. saturday ko papanoorin heheheh
ReplyDeleteManonood kami nyan mamayang gabi! Hehe
ReplyDeleteHindi ko talaga trip ang Transformers franchise. Okay na sakin yung first movie pero wala na akong balak panuorin yung mga sequels.
ReplyDeleteThe film is just too masculine for me. Hahaha.
Ok sana kung ginawa nilang partner ang BurgerKing, para mas swak! Panunuorin namin ito ng wife ko, hopefully in 3D, sana 'di nakakahilo, hehehe! =)
ReplyDeleteexcited na ko mawatch to sa saturdayyy... hehehe... mukhang ayos sa pagkakarebyu mo... excited na ko sa bakbakan ng mga autobots at decepticons... :D
ReplyDeletenag skip read ako hanggang sa babala mo... sa sabado ko pa to mapapanood o baka sa sunday pagkatapos ng laban ng Azkals.
ReplyDeleteBasta gawa ni Micheal Bay maganda talaga parekoy...tulad ng Armageddon at Pearl Harbor.
haaayyyy irarate ko n to ng 6 kasi walnag exposed na skin...
ReplyDeleteIkaw na ang nakapanood at hindi nangsama ng isang abang tulad ko ... Isa akong kaawa-awang nilalang na, maawa ka! LOLOLOLOLOLOLOL. :D
ReplyDeletebuti naman at walang major spoiler..dahil kung meron rereport abuse ko ang blog na to.ahahaha
ReplyDeletehexcited na ako para sa part 3. kaso di ko nababalitaang ipapalabas dito sa china. wala akong nakikitang posters. di bale, pag uwi ko nalang...kay mamang dibidi. o kaya kay torrentz nalang. \m/
ReplyDelete@bino, malapit na sat :D
ReplyDelete@iya, as of now siguro nipapanood mo na
@robbie, too masculine, lels :p
@isp101, enjoy watching with your wifey
ReplyDelete@egg, watch it, ganda.
@moks, sa sat. mo na watch
@akoni, hahaha, uu mababa value pag no skin
ReplyDelete@michael, ahahaha, sama ka next time, pag mapera na me
@maldito, wag nio ko report :D
@nobenta, sana ipalabas dyan china
ReplyDeleteito ang inaantay ko!!!! ang taas ng score ha.9--gusto ko yan.at I dont care naman kahit sabi ng iba 6--kahit 4 pa yan.hahaha. pero sabi din sa review--far better dw to kesa sa 2----at maybe even better than 1. basta gusto ko yang mga fight scenes na yan. napaka-visual ko na tao so kahit green lantern pumasa asakin.lalo pa kayat die hard fan ako ng transformers. pero 3D? hmmm. ayaw ko ata. 2D parin.para walang hilo factor. at feeling ko kasi pag 3D lumiliit ang screen. mas gusto ko yung nakabalandra yung screen sa harap ko.hahaha
ReplyDeleteikaw na ang tumi-3Dng nanuod at sabay kain pa ng burjer.lols
@pusang kalye, hahaha, ako kahit may review kung gusto ko, panonoorin ko. :D
ReplyDeleteun lang ang basehan mo para gawing 9 ang rating? di mo naiintindhan ung story no?
ReplyDelete@anonymous, hahahah, kanya-kanyang trip yan. atsaka to lessen ang pagbibigay spoiler. if you want you can share review din :p
ReplyDelete