Sunday, June 12, 2011

Bayani sa Bagong Henerasyon


Ngayon ang araw ng kalayaan ng mga pinoy. Heto ang araw kung saan ipinagdiriwang ang tinatawag nila na Independence day. At ngayon syempre bida nanaman ang mga bayaning nakipaglaban at gumawa ng paraan para magkaroon tayo ng kalayaan.

Kung last year, ang naging paksa ko sa aking sinulat ay kung ang mga bayani noon ay meron ng teknolohiya na ginagamit katulad natin. Paano kung meron silang cellphone, meron silang facebook at meron silang blogger. Wowowowow diba. Ang kokonyo lang ng mga heroes natin. Kung gusto ninyong malaman ang buong post, check this link: Viva La Independencia.

Para sa araw na ito, naisip ko naman is what if nabubuhay na sa bagong henerasyon ang ating mga bayani. Ano kaya ang magiging kahihinatnan ng buhay nila?

1. Jose Rizal- Si Pepe ang ating pambansang bayani. Isang mahusay na estudyante na may alam sa medisina at mahusay sumulat. Nakapag-travel sa iba-ibang parte ng europe. At dahil doon, madami siyang alam na lengwahe. 

Sa pagiging versatile niya, pede syang maging doktor pero since di naman masyadong seryoso ang blog na ito, sa aking pananaw, baka pede sya sa call center. Gagamitin niya ang kakayanang magsalita ng wikang banyaga upang tumulong sa kanilang problema.

Rizal: Gracias por llamar! Mi nombre es Pepe cómo puedo ayudarle?
        (Thank you for calling! My name is Pepe, How may i help you?)
Client:  Hola Pepe! Me estoy poniendo un virus de computadora
        ( Hi Pepe! I am getting a computer virus)
Beeep.... Beeeep..... Beeeep
(aba, drinop-call ni Rizal)


2. Andres Bonifacio- Siya ang ama ng katipunan. (tama ba ang aking history?). Si Bonifacio ang atapang-a-tao.... Aputol tenga.... indi atakbo...Aputol akamay.... infi atakbo.... Aputol putotoy.... Atakbo :p Kilala si bonifacio sa kanyang tapang pagdating sa digmaan.

At dahil atapang-a-tao etong si bonifacio, pede sya sa trabahong Stuntman. Kukunin sya sa mga pelikula aksyon. Isa siya sa magiging double ni Binoy. Siya ang mga tumatalon sa gusali o kaya naman yung mga dodoble sa buwis buhay na stunts tulad ng mga sumasabog na kotse, barilan, takbuhan etc.


3. Emilio Aguinaldo- Siya ang unang pangulo ng Pilipinas. Ang taong nagpapatay kay Andres Bonifacio upang patayin sa bundok Buntis. (pakicheck nga kung tama padin ang history na natatandaan ko, baka nagbago e).

Dahil nasa katawan na ata ni Aguinaldo ang pagiging politiko, e wag na natin siyang palayuin sa larangan na gusto niya. Pede na siguro ang Congressman. Bakit? E naging president na siya sa past kaya sa congress naman siya tumakbo at nanalo dahil ginamit niyang endorser si Willie Revillame at pinagiling sa stage para sa meeting de avanze ang Sexbomb.


4. Juan Luna- Kung nakikinig kayo sa aralin noong nasa elementarya kayo ay marahil alam na artist tong si Juan. Yep, siya ay maarti. Joke, sya ang pintor ng Spolarium. Kung di nio sya knows, aba, andyan ang google no.

Para sa maarteng si Juan Luna, este Artist na si Juan Luna, imbes na pintor sya at kakalabanin ang mga gawa nila Malang at iba pang artist dito sa pinas, siguro nasa Graphic Arts ang kanyang trabaho. Naknampucha, bigtime. Sya ang gumagawa ng disenyo para sa tarpulin ng mga artista na isasabit sa mga billboard sa may EDSA.

5. GOMBURZA- Sila ang mga martir na pari na binitay noon. Sila ang mga paring sina Padre Gomez, Padre Burgos at Padre Zamora. Hindi sila ang 3 bugok ng kanilang panahon.

Kung nabubuhay sila sa panahon ngayon, tiyak magmomove-over ang running priest na si Father Robert Reyes. Syempre wala ding magagawa si Arch. Bishop Oscar Cruz. Ang tatlong paring nabanggit ay ang magiging priest ng generation. Sila ang kokontra laban sa MALALASWAAAAA (tama ba mommy Dioning?). Sila ang mga tututol sa RH Bill at Divorce Bill. At sila din tutuligsa sa gobyerno. (mabibitay kaya ulit sila for the 2nd time around?)


6. Apolinario Mabini- Sya ang dakilang lumpo during the spanish era. Siya ang taong mautak kaya naman binansagang Utak ng Katipunan. 

Hmmmm.... Lumpo.... Mautak... sya ang Professor X ng bagong henerasyon. Sa taba ng utak ng taong ito, siguro ay magiging founder sya ng mga batang may kakaibang kapangyarihan at galing. Siya ang kukupkop sa mga talentadong pinoy upang ma-enhance nila ang kanilang galing at husay.


7. Melchora Aquino- Sino ba ang makakalimot sa mother ng Balintawak. Si Tandang Sora. Siya lang naman ang gurangerZ na may angking prowess pa para tumulong sa rebolusyon.

Since matanda na si Melchora Aquino, siguro ang buhay niya dito sa new generation ay audience or contestant si Will Time Big Time. Isa siya sa mga matatandang sumasali at nakikipagsapalaran sa game show na sa Red, White and Blue. Isa siya sa naghahangad na mabigyan ng jacket o kaya ng Cherry Mobile. Don't fret, ang perang makukuha nia sa show ay binabahagi sa kapawa.


8. Francisco Baltazar- Siya naman ang Prince of Tagalog Poems. Isa siya sa mga haligi ng mga poems and prose. 

Blogger din siguro yang si Baltazar. Mahilig sa tula. Lahat ng bagay gagawan ng tula. Mga bato, aso, ketchup, toyo, suka. ahahaha. :p

Para sa ibang mga bayani, siguro may ilan na napunta sa larangan ng potograpiya. Meron din sigurong hindi na nagkatrabaho at pinili na lamang na mamuhay sa kabundukan upang magtanim o kaya naman ay ang iba ay nag-asawa at nagkapamilya nalang. 

Tatapusin ko ang post na ito sa pasasalamat sa mga bayani natin. Kung wala sil, marahil iba ang ating ginagawa today. Kaya dapat nating pangalagaan ang ating kalayaan. Viva La Independencia at Mabuhay ang Kalayaan.

Shiny Sunday to all! TC and enjoy your Weekend!

17 comments:

  1. ipagdiwang ang araw ng kalayaan! happy independence day sa lahat ng Pilipino sa buo'ng mundo :)

    ReplyDelete
  2. Effort! Haha. Talagang binuhay ang mga bayani. Tingin ko din stunt man si Boni. Haha. Bagay nga tutal naman maaksyon siya. Natawa ako sa Graphic artist na si JL. Naimagine kong nagpiprint siya ng billboard ni Anne Curtis ko with that bigote and all. Hahaha.

    ReplyDelete
  3. Favorite ko si Professor X, kasi kahit lumpo sya, marami syang na i contribute para matamasa natin ang kalayaan! Mabuhay ang Pilipinas! =)

    ReplyDelete
  4. Maligayang kalayaan sa PILIPINAS!! mabuhay!!!

    ReplyDelete
  5. Nice one ser..Galing..Tama ka tunkol kay Melchora for sure yan isa siya sa presidente ng fans club ni willie.

    Mabuhay ang pilipayns.happy birthday sa anak ko!hehehe..

    ReplyDelete
  6. Hanep sa effort sa pagsaliksik nito..nalimutan ko na lahat yan! Kaw na!

    Happy 113rd independence day sa lahat ng Pinoys!

    ReplyDelete
  7. ang effortness at may piktyurs talaga haha
    eh di ikaw na ang magaling sa history,,,
    natawa ako kay tandang sora,,,naalala ko tuloy yung lola na sumali dun sa show ni willie na nabgyan ng selepono haha~~
    viva Pilipinas

    ReplyDelete
  8. Happy 113rd independence day sa atin lahat..

    ReplyDelete
  9. sa lahat ng bayani na nasa taas, idol ko talaga si pepe. hindi lang matalino at magaling mag sulat (siguro kung may blog na noon, ang dami siguro niya nagsulat) marami pang chicks. Here's the rub. Hindi naman siya gwapo. goes to show, hindi kailangan maging gwapo para magakaron ng mga chicks.

    ReplyDelete
  10. @bino, happy independence :D

    @yow, mr. suave si JL

    @isp, fave mo pala si mabini

    ReplyDelete
  11. @akoni, mabuhay! :D

    @ligaya, ehehehe, happy willie :p si tandang sora ata sumali sa willing willie

    @moks, stock knowledge. jok

    ReplyDelete
  12. @unni, uu, nagka-cherry mobile ung lola

    @mommyrazz, happy independence

    @rah, check, iba ang dating pag matalino

    ReplyDelete
  13. Mabuhay tayong mga Pinoy!!! :)

    ReplyDelete
  14. @iamjoross, mabuhay ang pinoy!

    @palakanton, happy independence day

    @bloggingpuyat, sem tu yu :p

    ReplyDelete
  15. Waahh!! May effort sa research. Clap clap!! Ako, tamad ako lalo na't HISTORY. yikes!

    Happy Independence Day, Piilpinas!

    ReplyDelete

So.......Ansabeh???