Tuesday, June 21, 2011

The Voice

Tuesday nanaman. Ilang tambling at tulog na lang ay friday na. lels. Anyway highway, pasensya muna sa mga friendships ko dito sa blogworld kung di ako nakakapag-iwan ng bakas/kumento sa mga post ninyo kasi wala na ang proxy dito sa opisina. Blocked na yung mga blog nio gamit yung isang gamit ko. So nagsisilent read lang ako using google reader. Masyado na humihigpits.

But since dapat good vibes lagi para pumasok ang good karma sa ating buhay, dapat pokus tayo sa magagandang bagay.

For today, ang aking isheshare ay isang show sa US na tungkol sa kantahan. Eto ay show na di nagfofocus much sa star quality but kundi sa Voice.


Ang show ay called "The Voice". Hindi ito yung sadwich crackers na may wafer at may fillings. Hindi rin ito horror na katulad ng "the ring". It's like American Idol pero hindi. It's like Dream Academy pero hindi rin.

Actually, nasa 2nd episode pa lang ako. Nasiyahan lang ako sa format ng show kasi para sa Audition... merong Blind Audition kung saan ang 4 mentors ay nakatalikod at di nila makikita yung contestant/ singer. I jujudge nila ung singer plainly by voice. So walang dating kung afro or majubis or bokals ang singer, its the voice that counts.

Ang 4 Mentors ay kailangan mamili ng tig-walong members para sa team nila kung saan tuturuan nila at ibubuildup to be a star.

Speaking of 4 mentors, heto ang nag-judge sa mga contestants.


1. Adam Levine- Singer songwriter at musician; frontman at guitarist ng Maroon 5.


2. Cee Lo Green- Singer Songwritter, rapper and musician; record producer


3. Christina Aguilera- Singer songwritter, dancer, record producer. pop star


4. Blake Shelton- American Country music artist.

Bakit nagustuhan ko tong show na to at aking ibinibida at shineshare? Kasi kakaiba ang format. :D

So hanggang dito na lang muna, Good day to all and TC! :D

24 comments:

  1. ok talaga pag voice quality ang tinitingnan at hindi lang ang mukha

    ReplyDelete
  2. Nice! at least talent kung talent ang bases hindi looks...kadalasan sa mga talent chuvaness eh dapat may star factor kahit basag na basag basta love ng camera go lang!

    ayan napahaba tuloy...engk!

    ReplyDelete
  3. Astig to... di tinitignan ang appearance kundi ang talento. Sabagay ang appearance ng isang performer ay mapapaganda! :)

    ReplyDelete
  4. Okay yung the voice, masarap, malutong at may kung anu-ano flavor. Lol

    ReplyDelete
  5. Gusto ko yan panoorin kaso wala kaming cable..antayin ko na lang sa dvd yung buong season...

    ReplyDelete
  6. Mukhang interesting yung show. anyway try mo proxy sites para maunblock yung mga sites na di mo mapasukan. hehehehehe pero siguraduhin mo marami kayo gumagamit ng comp hehehhee para safe

    ReplyDelete
  7. ang tagal kong hnd naramdaman si Christina Aguilera ah.. gandang morning.

    ReplyDelete
  8. I love the voice. Every Wednesday dito sa atin talagang nag-aabang ako ng newly released episode sa torrent para makapag DL at i-watch ang show na ito. Last episode between Team Adam and Team Cee-Lo is nothing special. I was expecting na talagang bonggang-bongga ang pagbabanggaan ng team nila kasi most of their talents are good kasi eh. So far, favorite ko si Dia, Xenia, Vicci and Javier.

    At ang yummy ni Papa Adam Levine! LOL

    ReplyDelete
  9. Adam Levine!!!!! gusto ko yan panoorin!!

    ReplyDelete
  10. pre, try mo yung jondonym. panalong pambsag ng firewall. ay, IT ka nga pla. lels.

    The best ang The Voice. yun lang.

    ReplyDelete
  11. weee.. as in si adam judge... weeeeeeeeee

    ReplyDelete
  12. @bino, yep, kasi minsan napreprejudge kaagad via looks

    @tabian, hahaha, mahaba nga :p

    @empi, yep, makeover lang katapat pag chakaness

    ReplyDelete
  13. @bulakbulero, hahaha, voice crackers

    @moks, abangan sa suking dvd

    @lonewolf, hahaha, gumawa me paraan para makapagbloghops

    ReplyDelete
  14. @mommyrazz, uu, nagbabalik si christina A.

    @Jenny, wala pa ako dun sa episode na nabanggit mo :D

    @krn, go krn, watch na

    ReplyDelete
  15. @MD, ano yang jondonym?

    @kikomaxxx, yep, judge sya :D

    ReplyDelete
  16. ok to ha. blind audition!
    pero lets admit, we need the face behind the voice. else mag-CD ka nalang di ba? =)

    ReplyDelete
  17. ok yan para walang discrimination sa mga bingot! hehe

    ReplyDelete
  18. pinapanood ko to. gusto ko yung kumanta ng time after time. ang galing nun.

    ReplyDelete
  19. medyo nacucurious rin ako dito sa show na ito. penge naman link...

    ReplyDelete
  20. Ui. Saan mo to napapanood? Di ko to makita sa cable o sadyang wala lang. Di ko din naman alam kung saan sa net. Napanood ko ang trailer nito noon noon noon pa. Nalimot ko na lang bulatlatin. Teaser pala.

    ReplyDelete
  21. Chyng, uu, sa simula para na initial discrimination :D

    @jhengpot, yep. :D

    @gillboard, ay, uu, yung accoustic guy. :D

    ReplyDelete
  22. @glentot, sa opis ko lang yo nakuha glentot e, wala ako link. check mo google to know more info. ahihih

    @yow, sa opis lang ako nakakakuha copy e

    ReplyDelete
  23. ah--ito yun. napanuod ko to. uo. gusto ko rin yung format.mas maganda kasi di sila nakikita ng judges tas yung judges pipili=----I want you thing. tas i-bubuild nila yung talent na yun--I mean-i-cko-coach nila.tama ba? hehehe

    ReplyDelete
  24. @pusangkalye, yep, tama ka, icocoach sila dyan :D

    ReplyDelete

So.......Ansabeh???