Natapos na me sa pagtingin-tingin sa dalawang lamesang kinauupuan ng mga karakter na aking kabatch at heto padin ako at walang tigil sa pagmamasid ng iba pang taong darating sa nasabing reunion.
Napunta ang aking atensyon sa may bandang dulong lamesa sapagkat ito ay may mag-asawang matanda na nasa edad 80 na siguro at kasama sa lamesa ay dalawang lalaki at apat na babae. Sabay-sabay na nagkakantahan ang nasa lamesang iyon. May blending ang mga boses. Matapos magsitawanan, biglang tumayo ang dalawang lalaki sa lamesa at sumigaw ng 'Sa Nguso ni Hitler!'. Demn! Sila pala ang Vonn Trapp Family. Ang ever famous na pamilyang kumakanta.
Lumipad naman ang mata ko at napunta sa aking peripheral vision at napansin ang lamesa na kinauupuan ng dalawang lalaki. Ang isa ay pusturang pustura samantalang ang isa naman ay gusgusin ang suot. Tila mag-best buddies yung dalawa dahil masayang masaya ang kwentuhan nila tungkol sa kanilang adventures. Hindi sa chismoso ako pero nadinig ko na may binanggit sila na tao na nagngangalang 'Indian Joe'. Doon ko naisip na si Tom Sawyer at Huck Finn pala yung dalawa. Ironic nga lang na yung nakapustura ay si Huck at naghirap pala iyung si Tom.
Tumabi sa lamesa nila Huck at Tom ang dalawang tila magsyota na lalaki at babae. Nothing expectacular sa dalawa. Di ko nga alam kung sino sila sa batch e kasi they are just average peops. Then suddenly ay naglabas ng kung anong bagay sa bag nung babae. May inilabas siyang takure. Napaisip me kung magpapakulo ba sila ng tubig sa party. But then it hit me. Yung dalawa pala yung bida sa Time Quest at ang pamosong si Takure. Biglang maya-maya ay may bumugang something at biglang nagtravel back in time ang dalawa.
Nagulat ang ibang panauhin sa naganap sa lamesa ng mga Time Questors. Pero bumalik din sa ayos ang lahat. Lipat naman me sa ibang table. Doon may nakita akong pakners na grabe makapaglampungan sa isa't isa. Ewan. Tinamaan ata ng kati. Pinaglihi sa higad o kaya naman sa laing. Ang kati-kati!!! Narinig kong nagbubulungan yung sa katabing table at napag-alamanan ko na ang makating couple pala ay si Georgie at ang kanyang jowaers.
Habang walang paki sa ibang tao ang itchy kups este couple, sa kanilang tabi ay may taklong mga babaeng nagwewentuhan. Yung isa kwento ng kwento about her past na naghirap sya sa kamay ng malulupit na pamilya. Tapos yung pangalawa ay nagdedetalye ng sexcapades niya with 7 guys. Ang huli naman ay nagwewento about her pet rabbit na ubod ng kulit. Ang tatlong babae pala ay sina Cinderella, Snow White at Alice.
May mga bakanteng upuan pa na may pangalan nila Anne of Green Gables, Judy Abbot, Polyanna , Cuore at Chao Marco pero mukang no show ang mga to. Ang aking atensyon ay napunta sa mga bisitang nakatayo sa may bandang gilid. Napansin ko na kung ang mga tao na nakaupo sa mga lamesa ay mga characters sa section cartoons, ang mga tao naman na currently ay nakatayo ay yung mga galing sa section Anime.
Ang unang lupon na nakaagaw ng aking pansin ay ang grupo ng mga hotties. Wow. Tatlong babaeng ang hahaba ng binti at napakatingkad ng kulay ng buhok. Sino ba ang hindi mapapatingin sa mala-model na katawan ng babaeng may pulang buhok, girl with blue hair at chick na may yellowgreenish hair. Match pa ang kulay ng buhok sa damit. Then nagpakitaan sila ng espada! Gosh! Sila pala ang mga mandirigma ng Magic Knight Rayearth.
Sa tabi ng trio espadista ay another group ng mga chickababes, Bebots pero mature na sila. Despite na may edad na sila ay di pa din nawawala ang mga hubog ng kanilang wankata. Vava-voom pa din ang kanilang booty at flawless pa din ang skin. This time alam ko na kung sino sila dahil sa kanilang uniporme. The Sailorgirls is in it to win it!
Kung puro girls ang nakita ko kanina, ngayon naman mga manong. Grabe, mga maskuladong tatay na may mga beer bellies. Mga napapanot na ang mga ito at medyo tinatamaan na ata ng rayuma. Pero di mo pedeng basta-bastahin dahil ang lakas ng aura nila... Literally na makikita mo ang aura kaya alam mo na sila ang grupo ni Son Goku na lumaban para iligtas ang mundo.
Medyo nahihilo na ako kasi wala akong kinain sa bahay dahil ineexpect ko na masasarap ang food dito sa reunion pero nanghina ang tuhod ko sa aking nakita. Ang sineserve sa mga bisita ay hindi main course. Grabe, chichirya ang ipinapakain nila. Heto at tingnan ang larawan ng mga sinerve sa aming mga bisita.
Dudukot na sana ako ng pritos ring subalit mag-uumpisa na ang program proper.
Itutuloy.......
_____________________
Note: Ang mga larawan ay galing sa google.
-mawawala me ng ilang araw kaya pasensya na kung ilang days na walang update sa blog ko.
TC everyone!
nakakamiss ang pagkabata..... ung nanunuod ng cartoon na kagaya niyan pagkagaling sa school... or bago pumasok ng school sa hapon.. hhehehhe...
ReplyDeletewala lang... haayyyyy.... love the cartoons of 90s
Down the memory lane... gusto yung Magic Knight Rayearth at iba pang tulad nitong cartoons sa Dos at Syete. (Di ko na maalala yung iba... BTX, Evangelion...). Natakam ako sa Snacku. Peborits ko nun pati yung Sweet Corn. :(
ReplyDeletenamiss ko yung humpy dumpy at pompoms.. hahaha!
ReplyDeletePS: enjoy your Palawan trip! try mo magzipline and enjoy the island hopping pti yung Underground river.
isan sa mga pinakagusto ko un huck finn & tom sawyer ang kulit ng 2 na yun....
ReplyDeletena miss ko ung sweet corn.. hehe
ReplyDeleteMommyRazz
naku ung georgie at trapp family singers naman ang paborito ko dito sa post na to hehehe
ReplyDeletegustong gusto ko yung trapp family singers na anime kasi masaacurate siya sa real story ng vontrapp family singers than sa movie ni julie andrews.
ReplyDeletemeron ako napanood na nagsama ang sailormoon girls at ang dragon ball kaya lang hentai siya hahahaha
may lechon manok pa ba? paborito ko yan noon, at saka pompoms
ReplyDeletesweet corn saka snacku me paborit
ReplyDelete@egg, tama!
ReplyDelete@taga-bundok, snacku :p
@supladong officeboy, yeps, nagzipline me
@palakanton, yep, ang best buds na tom en huck
ReplyDelete@mommyrazz, andami nakakamiss dun sa sweetcorn
@bino, hehehe, yung georgie may porn scenes
@lonewolf, lols, napanood ko din ata yun
ReplyDelete@moks, wala na ata
@jkulisap, ako pritos ring