Wednesday, July 27, 2011

Reunion


Alas-otso na pala ng gabi at magsisimula na ang inaasam na pagsasama-sama ng mga tao. Eto na ang inaabangan, ang grand reunion ng mga nagsipagtapos sa telebisyon.

Heto ako at nakatayo sa isang sulok at nagmamatsag sa mga bisita. Ewan ko ba, may kakaibang kilig at ligaya na makita ang mga dating nakasama.

May pumasok mula harapan ng bulwagan. Isang lalaking blonde na matipuno. Iba ang kinang na mata kasi blue eyes ata. Habang pinagmamasdan, naalala ko ang isang batang blonde na mahilig sa flute. Ngayon naalala ko na, siya pala si Cedie, ang munting prinsipe. Well, technically, di na sya munti kasi malaki na sya.


Sa likod ni Cedie ay isang babaeng may mahabang itim na buhok. Parang weird nga lang kasi matanda na yung babae pero may dala-dala pang manika. parang baliw lang. Teka, teka, pamilyar yung doll niya. Aha! Ang prinsesa ng mga diamante pala na si Sarah ang babae.


Di ko alam kung naging magjowawits ang dalawa pero feel ko may relasyones ang dalawang yun. Magkatabi kasi silang umupo dun sa isang lamesa at kinamusta nila ang isa namang babae. Isang babaeng short haired na medyo rosy cheeks. Nadinig ko ang usapan sa lamesa at aking nalaman na ang babae palang iyon ay ang apo ni lolo Alps. Siya pala ang dating bata-batuta na si Heidi. Ang anak-pawis ng kabundukan!


May bakante pa sa lamesang kinauupuan nila Cedie, Sarah at Heidi. Maya-maya pa ay may pares na lumapit at umupo sa kanilang table. Isang chinito guy at isang american girl. Holding hands pa ang dalawa bago umupo. Weird ng hair style nung guy kasi parang bunot. Anu ba yan! Naka-upo na at lahat magkahawak pa ang hands then suddenly may aura akong nakita. Linsyak, ang kambal pala ng tadhana yung dumating. Si Julio at Julia!


May isa pang vacant seat sa lamesang aking tinututukan at minamanmanan. Maya maya pa ay isang babae ulit ang lumapit at nakisalo. Umupo siya sa tabi ni Julia. Sinubukan kong makinig sa usapan nila at dahil medyo malakas ang boses nila dahil parang nagyayabangan na ng mga pangyayari sa mga buhaybuhay, nalaman ko na ang babaeng magong dating ay walang iba kundi ang bida ng Little Woman 2. Si Nan. Naging guro na pala siya at ngayon ay nagtuturo.


Good to see those guys grow up from those childish acts. Bumaling naman ako sa kabilang lamesa para naman alamin kung sino-sino naman ang andoon.

Dalawang lalaki ang nag-uusap. Isang lalaking may wirdong hat. Medyo pamilyar yung sumbrero niya pero di ko mawari kung saan ko nakita iyon. Habang nakikipag-usap sya, napansin ko na may kinuha siyang tinapay na kanyang kinakain at hinagis sa sahig. At doon ko nakita na may alaga palang aso yung lalaki. Now i remember! Si Remi pala yun! 


Yung isang lalaki naman, naka-damit na parang pari pero totally old school. San ka ba naman nakakita ng naka-robe na brown? It's like prayle nung nineteen kopong-kopong! Then nagflash sa isip ko na noon ay may isang batang yagit na nanirahan sa isang monesteryo. Tama ang aking hula! Ang lalaking kausap ni Remi ay si Marcelino Pan y Vino!


Sa kanilang tabi ay isang curly girl ang kumakain habang nakikipagkwentuhan sa dalawang lalaki. Nagkwekwentutan ang tatlo tungkol sa mga adventures nila nung bata pa sila. Nag-rereminis kung pano nila natagpuan ang isang tagong lugar kung saan sila ay natutong mag-garden. Ayun naman pala e..... Si Mary yung babae kasama ang pinsan na si Colin at ang friend na si Dikon.


Sa tabi ng nagwewentuhang threesome, may isang lonely guy na nakatingin sa dalawang picture frames. Ang isang fram ay may kuha ng larawan niya kasama ang tila matalik niyang kaibigan. Kita sa larawan na madungis ang dalawa na tila may dumi ng tambutso. Aking natuklasan na si Romeo pala iyon at tinitignan ang larawan nila ni Alfred. Tila iniisip niya ang past kung saan naglilinis siya ng tsimineya at naaalala ang itim na magkakapatid! 


Sa isang frame na tinitingnan ni Romeo, makikita ang larawan ng isang kiddielet na may kasamang aso. Ang background ay isang kariton na may mga lalagyanan ng gatas. Eto ang larawan ng mag-among si Nelo at Patrache. Ang dalawang namatay sa ginaw. Marahil naaawa si Romeo sa kinahinatnan ng dalawa.


itutulooooy.....

Note: ntitiyakin kong matatapos tong fiction na to. hahaahahah. Isang walang magawang wednesday to all. May pasok me. Never naaapektuhan ng bagyo sa pinas ang work ko. Umulan bumagyo, may pasok!

isa pang note: ang mga larawan ay nakuha sa google

21 comments:

  1. Nice khanto favorite ko lhat ng tagalized cartoon na yan lalo na yung little women 2. Nakakalungkot yung ending.

    Malamang nasa karugtong nito ang kwento ni patrash at si nelo. Lol. Sama mo pa ang von trapp family singers. Lol

    ReplyDelete
  2. Naiyak ako sa kwento ni Nelo at Patrach, in the end, namatay lang silang dalawa. Kinawawa na nga sila, in the end namatay lang sila. Umiyak ako nung bata ako, dahil sa story, hindi nagtriumph ang kabutihan ng loob nila.

    ReplyDelete
  3. nakangiti akong nagbabasa simula intro hanggang sa dulo.. hahahahaha!

    kasabay ng bawat tauhang iyong ipinapakilala ay ang pagbabalik tanaw sa panahon ng aking kamusmusan.

    masarap lang balikan ang nakaraan maging ang mga palabas na ito na noo'y aking sinubaybayan.

    ReplyDelete
  4. at lahat ng iyan napanood at nasubaybayan ko lalo na ang julio at julia. alala ko pa mga themsongs nyan hehehe. kakamiss tuloy. ung nelo at patrash may movie yan.

    ReplyDelete
  5. Talagang reunion nga ang nangyari. Nostalgic ang mgapictures! Naalala ko ang aking kabataan. haha

    ReplyDelete
  6. hahha parang ay bumalik lahat ng utang ko... hahhaa... oi remi o.. ang nagpaiyak sa akin... kakainis...

    ReplyDelete
  7. kitam...mga batchmates nga tayo...lahat yan alam ko eh....oha oha... :D

    ReplyDelete
  8. Nung mga panahon na nasa elementary pa ako, palagi akong nanunuod nyan ng mga yan. Actually, feeling ko nga nuon, ako si Cedie eh, saka crush ko talaga nuon si Princess Sarah, kasi ang bait bait nya, hehehe! =)

    ReplyDelete
  9. HAHAHA grabe, nostalgia, nakakatuwa naman tong post na to. Lahat yan napanood ko nung bata ako, batang 90's ka noh? HAHAHA.

    ReplyDelete
  10. hahaha! ayos ang kwento ha. ano nga kaya kung magkakaberks sila? sama mo pa sina eugene, recca, at sakuragi!

    ReplyDelete
  11. ay ang cucute.. naalala ko ung sara, napaiyak ako jan.. hehe!halos lahat ko inabangan yan.. nice one kanto.

    ReplyDelete
  12. gelo.. ang cute ng pagkakagawa mo reminisce all the abs-cbn cartoons characters.... :D

    ReplyDelete
  13. Nice post..

    Si Nelo=)) Nakakaiyak nung namatay yung lolo niya =(

    ReplyDelete
  14. @moks, kasama na sa story dito yung kay nelo.

    @rah, tama, sad story

    @suplado, bat parang makata ang comment mo. hahah

    ReplyDelete
  15. @bino, hehehe, ako din, alam ko pa song.. :D

    @xall perce, hhehe, nostalgia nga

    @remi, nakakaiyak yung namatay si ginoong vitalis

    ReplyDelete
  16. @kikomaxx pala yung sa comment sa taas

    @supergulaman, ahahaha, batang 90's ka din

    @isp, hehehe, cedie... kasama si dugal

    @rayshi, yep, proud to be batang 90s

    ReplyDelete
  17. @chyng, sa next episode sila lalabas :D

    @mommyrazz, kakaiyak yung inaapi si sara at nagkasakits

    @axl, uu, mostly abs-cbn yung shows

    ReplyDelete
  18. hahahaha! nice! may reunion pala ang mga cartoon characters ng teevee! naisip ko lang, pano kaya kung may hentai si sarah at cedie? joke! naalala ko tuloy bigla 'yang mga cartoon na 'yan nung bata pa 'ko. sa nabanggit mo, pinakapaborito ko 'yung julio at julia. astig eh! parang incest lang. isa pang joke! hehehe.

    ReplyDelete
  19. @l, nakow, baka magalit si mahal na conde kay sara, hahaa

    ReplyDelete
  20. i love remi... sobra akong na iyak sa kwentong yun...

    lahat puro maganda...

    batang 90's kaya ako!!!

    tahahahaha :)

    ReplyDelete

So.......Ansabeh???