Showing posts with label reunion. Show all posts
Showing posts with label reunion. Show all posts

Friday, August 19, 2011

Reunion 4

Reunion serye:
Part 1
Part 2
Part 3

Si cyborg Kurochan ang pusang itim na bigla na lang umeksena sa gitna ng kasiyahan ng mga tao. Ang lahat ng mga panauhin ng nasabing reunion ay napatulala na lang.

Inagaw ni Kurochan ang mikropono mula sa mc ng programa. Tiniyak niyang ang mga taong nasa loob ng bulwagan ay nakatingin sa kanya bago siya magsalita.


'lapit mga kaibigan, at makinig kayo! Listen up yo! Ako'y may dala-dalang balita galing sa bayan ko! Listen closely yo! May ibabalits ako sa inyo!!!'

Naiinip na ang mga tao sa ginagawang delaying tactiks ng itim na pusa kaya may mga nagbato ng kamatis sa mukha nito.

'Bilisan mo na! nong inaantay mo, tumanda pa kami lalo????'

Ang mga kamatis na hinihagis ay nanggaling pala sa tatlong batikang tagapagtanggol ng Japan. Sila ay walang iba kundi sina, red, black at blue mask. Sa tagal ng panahon ay tumanda na ang itsura nila.



'Nagmamadali mga guranggers? May lakad? Ililibing na ba kayo bukas kaya inaapura ninyo ako?' sabi ni Kuro sa tatlo.

'pumanaw na si Machineman!' Malungkot na pagbabalita ng itim na pusa.

Naguluhan ang lahat. May nalungkot. May mga nabigla. At merong Nagtaka. Andaming nagbubulungan ng kung ano-ano. May maririnig ka na nagsasabing nakakaawa naman at pumanaw na si Machineman pero meron nagtatanung kung sino naman yung Machineman na nabanggit.

'E who naman yung Machineman na iyon?' Tanong ng isang saging sa isa pang kapwa saging.


'Hindi mo kilala si Machineman? Siya yung hero na may kapang gawa sa plastic cover! You know yung may sidekick na baseball na called Buknoy!' Sagot ng isang manong.


At nagflash sa screen ng stage ang isang larawan ni Machineman kasama ang kanyang ever loyal sidekick na si Buknoy.

'Ah... sya pala si Machineman' Sabay na sagot ng saging ng tadhana. 'Teka sino ka naman tanda?' tanong ng dalawa


'Ako? Di ninyo ako maalala? Ako? Sigurado kayo?' Sagot ng lalaki

'Hindi, di ka namin kilala! Magtatanung ba kami kung alam namin?' Sagot ng kambal.

'Ako lang naman ang taong langaw este ako ang superhero na kilala ng mga tao! Ako ay si Robert Akizuki na mas kilala bilang si Mask Rider Black!'


At ipinakita ang old pic ng lalaki. Nagsireminis ang mga tao sa bulwagan kung pano nga tumatak ang isang mask rider black sa kanilang memorya. 

'Teka, teks, di lang iyon ang aking news! Ang isa ding hero noong 90's ay namayapa na. At ang mas shocking news ay rebelasyon na naging magjowa pala in real life si Alexis at Annie!!!'Kwento ni Kuro.

Ipinakita din sa screen ang larawan ng dalawang famed bida ng 90's. 


Lahat ng tao sa loob ng event ay natahimik sa narinig. Lahat ay nag-alay ng maikling sandali para manalangin sa mga pumanaw na hero. Matapos ng ilang minutong katahimikan ay sinipa ng host ang itim na pusa para ipagpatuloy ang programa.

'Bago pa tayo magpatuloy sa program, nais po muna naming pasalamatan ang mga taong nasa likod ng mga masasarap na anik-anik na foodies na ating nikain. Thank you sa nag-iisang Cooking Masterboy at sa Yakitate Japan team!'



'At sa pagpapatuloy ng ating programa, ibibigay na ang mga major prizes. May tatlong mananalo ng mga super duper prizes!' anunsyo ng host.

'Unang premyo ay itong super ganda at super nice na selepono na Nokia 5110. Kilala sa super black and white feature at sa games na memory, logic at snake. This one is surely a baby! Pede kayong mamili ng desired color!'


'And the winner is.................... Doraemon!' at napatalon sa tuwa ang pusang techie! Nagmadaling kinuha ang seleponong napanalunan.


'Next ay ang upgraded version ng selepono kanina. This time, mas compact at mas maliit ito at walang antenna. Kilala ang cellphone na ito sa larong Space Impact! Yep, it's a brand new Nokia 3310!!!'


'Ang masuwerteng nilalang ay si..................................................... Mojacko!' At humaba ang dila ni mojacko para kunin ang kanyang napanalunan.


'At for our very grand prize.............'

Itutuloy........................

Note: -Abangan ang last episode ng seryeng reunion... :D
         -ang mga larawan na ginamit ay hindi ko pagmamay-ari at nakuha lang sa google search :p

O sya, hanggang dito na lang muna. TC folks!

Wednesday, August 3, 2011

Reunion 3

note: naka-scheduled post dapat to ng aug.1 pero mukang nag-inarte ang blogger at di ito napost.

Reunion
Reunion 2

Bago pa man ako makadukot ng paborito kong chichirya na Pritos ring ay nagsimula na ang program ng aming reunion. 

Sumampa sa entablado ang isang matikas na lalaki na nababalot ng armor. Pamilyar ang kanyang baluti at aking napatukoy na ang host para sa pagtitipon ay walang iba kundi si TP Takamiya ng BTX.


TP: 'Nagpapasalamat ako sa mga nakada sa reunion na ito. Ako po ay lubos na nagagalak na maging host para sa espesyal na okasyon na ito. Ngayong gabi ay magrerekindle ang ating mga nakaraan at tayo ay magbabalik sa napakasayang panahong nakalipas. Kaya Ladies and Gentelemen, let's party and enjoy!'

Palakpakan ang mga taong nasa loob ng bulwagan. Makikita sa isang lamesa na galak na galak ang limang tao na may suot na kakaibang singsing. Nakakatawa kasi iba-iba ang kanilang uri, may tila asian, may american, may african, european. Doon ko nabatid na sila pala ang planeteers na kayang tumawag kay captain planet!


Tp: 'Para simulan ang kasiyahan, narito at bibigyan tayo ng magaling na sayaw mula sa mga taong ibon. Nope, hindi sila ang mga mulawin, at hindi rin sila ang Jetman. Heto at bigyan natin ng masigabong clap-clap ang 'G-Force'.


Sabay-sabay na umakyat sa stage ang limang members ng G-force kasama ang suot nilang birdie capes at helmets. Sa entablado ay sila ay sumayaw sa saliw ng tugtugin ng pinaghalo-halong kanta ng 'Dacoconut-nut, Kabilugan ng buwan, Macarena, oh carol at Asereje'.

Kita sa mga mata ng mga audience ang saya sa kanilang nasasaksihan at nadidinig. Ang ilan pa nga ay napaindayog sa saliw ng musika.

TP: 'Maraming salamats sa napakahusay na pagsasayaw G-Force.' At ngayon naman, bago mag patuloy ang ating programa, bubunot ako ng masuwerteng alumni na magwawagi ng instant prize!'. Ang premyong mapapanalunan ay ang isang limited edition na......(insert drumroll).....tamagotchi!' 


Na-excite ang mga tao sa loob ng bulwagan. Sabik na sabik sila sa premyong laruan kung saan pede silang mag-alaga ng virtual pet.

TP: 'Ang masuwerteng people ay si......(insert drumroll)..... Aha.... Ang taong tinatanggalan ng sumpa. O dakilang Vadjula.... Panalo ang alagad mong si Zenki!!!!'


Napatalon sa tuwa ang nagtransform to original form na si zenki. Pagkahawag sa Tamagotchi ay bumalik sa small form at masayang naglaro sa lamesa niya.

TP: 'Bago tayo magpamigay ng iba pang premyo, ating bigyan ng clap-clap ang next performer natin. Sila ay tatlong grupo na nagsama-sama upang tayo ay bigyan ng saya. Lets welcome YuYuFlameHunters.


Sumalang na sa stage ang grupo. Makikita ang mga matured at mga nag-si-edaran na mga fighters tulad nila Recca, Eugene, Dennis, Gon, Killua, atbp. Umindak ang ilan sa sayaw habang ang iba naman ay nakaharap sa mikropono at kumakanta.

Max Domon (solo):
moyase moyase makka ni moyase
ikaru kokoro ni hi wo tsukero
taose taose chikara no kagiri
omae no karate wo misete yare

Kurapika: BORUTESU FAIBU ni
Aira: subete wo kakete
Lorkan: Yaruzo chikara no tsukiru made
Jericho: Chikyuu no yoake wa
All: mou chikai

Nag-standing ovation ang mga audience lalong lalo na ang mga bida sa musika na kinanta at sinayaw ng mga performers. Nagtatatalon kahit baka mabali ang mga buto ng mga halos uugod-ugod ng members ng voltes V at Daimos.


TP: 'Huwaw, very classic sing and dance, Ang husay ninyo! Anyway, bago tayo magpatuloy, syempre meron tayong raffle ulit. This time, hindi Tamagotchi. Eto ay isang sikat na bagay nung mga kapanahunan natin. Sa sobrang sikat, pinirata at meron na sa bangketa. So ang Prize ay 'Baby-G'!!!'


Palakpakan ang mga tao dahil may chance silang manalo ng relo na umiilaw-ilaw at digital na relos.

TP: Ang nagwagi ay walang iba kundi ang ex-batang pilyo at mahilig magpakita ng kanyang elephant... Walang iba kundi si...Crayon Shinchan!


Isang Binatang matipuno ang umakyat sa stage upang iclaim ang prize. Matapos makuha ang relo ay biglang tumalikod si Shinchan at hinubad ang kanyang shorts. Nakita ng madla ang kanyang elephant. Buti na lang at kasama pala si Carmen sa reunion at dali-daling piningot ang mokong pababa.

Naaliw ako sa kaganapan hanggang sa may di inaasahang pangyayari. Isang itim na pusang cyborg ang umeksena sa gitna ng entablado.


Itutuloy......

Saturday, July 30, 2011

Reunion 2

Natapos na me sa pagtingin-tingin sa dalawang lamesang kinauupuan ng mga karakter na aking kabatch at heto padin ako at walang tigil sa pagmamasid ng iba pang taong darating sa nasabing reunion.

Napunta ang aking atensyon sa may bandang dulong lamesa sapagkat ito ay may mag-asawang matanda na nasa edad 80 na siguro at kasama sa lamesa ay dalawang lalaki at apat na babae. Sabay-sabay na nagkakantahan ang nasa lamesang iyon. May blending ang mga boses. Matapos magsitawanan, biglang tumayo ang dalawang lalaki sa lamesa at sumigaw ng 'Sa Nguso ni Hitler!'. Demn! Sila pala ang Vonn Trapp Family. Ang ever famous na pamilyang kumakanta.


Lumipad naman ang mata ko at napunta sa aking peripheral vision at napansin ang lamesa na kinauupuan ng dalawang lalaki. Ang isa ay pusturang pustura samantalang ang isa naman ay gusgusin ang suot. Tila mag-best buddies yung dalawa dahil masayang masaya ang kwentuhan nila tungkol sa kanilang adventures. Hindi sa chismoso ako pero nadinig ko na may binanggit sila na tao na nagngangalang 'Indian Joe'. Doon ko naisip na si Tom Sawyer at Huck Finn pala yung dalawa. Ironic nga lang na yung nakapustura ay si Huck at naghirap pala iyung si Tom.


Tumabi sa lamesa nila Huck at Tom ang dalawang tila magsyota na lalaki at babae. Nothing expectacular sa dalawa. Di ko nga alam kung sino sila sa batch e kasi they are just average peops. Then suddenly ay naglabas ng kung anong bagay sa bag nung babae. May inilabas siyang takure. Napaisip me kung magpapakulo ba sila ng tubig sa party. But then it hit me. Yung dalawa pala yung bida sa Time Quest at ang pamosong si Takure. Biglang maya-maya ay may bumugang something at biglang nagtravel back in time ang dalawa.


Nagulat ang ibang panauhin sa naganap sa lamesa ng mga Time Questors. Pero bumalik din sa ayos ang lahat. Lipat naman me sa ibang table. Doon may nakita akong pakners na grabe makapaglampungan sa isa't isa. Ewan. Tinamaan ata ng kati. Pinaglihi sa higad o kaya naman sa laing. Ang kati-kati!!! Narinig kong nagbubulungan yung sa katabing table at napag-alamanan ko na ang makating couple pala ay si Georgie at ang kanyang jowaers.


Habang walang paki sa ibang tao ang itchy kups este couple, sa kanilang tabi ay may taklong mga babaeng nagwewentuhan. Yung isa kwento ng kwento about her past na naghirap sya sa kamay ng malulupit na pamilya. Tapos yung pangalawa ay nagdedetalye ng sexcapades niya with 7 guys. Ang huli naman ay nagwewento about her pet rabbit na ubod ng kulit. Ang tatlong babae pala ay sina Cinderella, Snow White at Alice.





May mga bakanteng upuan pa na may pangalan nila Anne of Green Gables, Judy Abbot, Polyanna , Cuore at Chao Marco pero mukang no show ang mga to. Ang aking atensyon ay napunta sa mga bisitang nakatayo sa may bandang gilid. Napansin ko na kung ang mga tao na nakaupo sa mga lamesa ay mga characters sa section cartoons,  ang mga tao naman na currently ay nakatayo ay yung mga galing sa section Anime.

Ang unang lupon na nakaagaw ng aking pansin ay ang grupo ng mga hotties. Wow. Tatlong babaeng ang hahaba ng binti at napakatingkad ng kulay ng buhok. Sino ba ang hindi mapapatingin sa mala-model na katawan ng babaeng may pulang buhok, girl with blue hair at chick na may yellowgreenish hair. Match pa ang kulay ng buhok sa damit. Then nagpakitaan sila ng espada! Gosh! Sila pala ang mga mandirigma ng Magic Knight Rayearth. 




Sa tabi ng trio espadista ay another group ng mga chickababes, Bebots pero mature na sila. Despite na may edad na sila ay di pa din nawawala ang mga hubog ng kanilang wankata. Vava-voom pa din ang kanilang booty at flawless pa din ang skin. This time alam ko na kung sino sila dahil sa kanilang uniporme. The Sailorgirls is in it to win it!




Kung puro girls ang nakita ko kanina, ngayon naman mga manong. Grabe, mga maskuladong tatay na may mga beer bellies. Mga napapanot na ang mga ito at medyo tinatamaan na ata ng rayuma. Pero di mo pedeng basta-bastahin dahil ang lakas ng aura nila... Literally na makikita mo ang aura kaya alam mo na sila ang grupo ni Son Goku na lumaban para iligtas ang mundo.




Medyo nahihilo na ako kasi wala akong kinain sa bahay dahil ineexpect ko na masasarap ang food dito sa reunion pero nanghina ang tuhod ko sa aking nakita. Ang sineserve sa mga bisita ay hindi main course. Grabe, chichirya ang ipinapakain nila. Heto at tingnan ang larawan ng mga sinerve sa aming mga bisita.










Dudukot na sana ako ng pritos ring subalit mag-uumpisa na ang program proper. 

Itutuloy.......
_____________________

Note: Ang mga larawan ay galing sa google. 
        -mawawala me ng ilang araw kaya pasensya na kung ilang days na walang update sa blog ko.


TC everyone!