Sunday, April 8, 2012

Formula 17

Kapag bibili ka ng bultuhang DVD, minsan wa ka na pake kung ano ang gusto mo, horror, action, comedy, romance, porn at madami pang iba. Yung tipong memabili lang at memapanood lang ay keri na. Kaya naman minsan ang mapapanood mo pala ay kakaiba ang plot or yung minsan sablays. hahahahaah.

For today, ang peliks na featured ay isa sa mema-moments. Ang peliks na ito kasi ay ni-suggest lang nung suki kong tindera/tindero sa st. francis square na lumipat na sa quiapo. hehehe. Noong namili kasi ako for my restday ng holyweek, namili lang ako ng taklong films tapos yung iba, kung anong sinuggest niang maganda, sige, binili ko na lang.

Ang pelikula for today ay not the usual movies na napopost at nashashare ko dito sa aking bloghouse. Itong peliks ay may temang hindi naaangkop sa mga taong medyo makitids ang isip at ayaw tanggapin ang reyalidad sa buhay ng tao.


Ang pelikula ay may pamagat na Formula 17. Kung anong reason at ganun ang title, di ko alam at di ko din maintindihan! wahahaha.

Ang wento ay tungkol sa isang binata este dalaga este binatang-dalaga na nakipag meet sa kanyang ka-chat sa syudads. Naks, anhaba ng hair ni boy-girl kasi may ka EB sya. So fly away, skyline pigeon fly ang drama tapos eon na, nag-meet na sya ng kanyang ka-chat. Then boom. Gustong makipag-kembyular at iskabeche at mag chupachups ng ka-chat nia. Pero ayaw ni boy-girl. Kasi he-she believes na kailangan ibigay ang bataan sa taong mahal nia!Birhen pa daw ang kanyang mouth, hands and wetpaks. Lantod!

Since tumanggi sa tawag ng laman si boy-girl, pinuntahan nia ang kakilala nia na nagtratrabaho sa isang gay bar. Humingi siya ng saklolo para may pag-iistayan at pagtratrabahuhan sya while nasa city.

Yung friendships nia naman kasama ng iba pang dabarkads niang kasapi ng peder ay gumagawa ng way para sumuko na ang bataan at bumagsak ang corregidor. Pero wit, antibay ng fighting spirit ng boy-girl! Ayaw patinag at ayaw padala sa temptation island! Sing tibay ng bato, sin tatag ng semento ang drama! Unkabogabol!

Yung strong resistance ni boy-girl ay nilusaw ng kanyang type na guy.... itago na lang natin sa pangalang payatotperodiskinny-guy. Nalaglag-panty-laglag-brief mode si boy-girl. Pero dehins pede sabi ng friendships nia kasi pinaglihi daw sa laing si payatotperodiskinny-guy.....ang-kati! Kabog pa ang kangkarot na kuneho na laging in-heats!

Anong manyayare sa story? Secret! hahahaha. pampabitin lang kasi mahaba na ang nababasa nio. :D

For the film, may score syang 8.5. Mataas din sya kasi may kilig factor ng slight between the two. Yung parang nanood ka ng crazy little thing called love pero this time, 2 guys nga lang ang bida. Mataas dahil napatawa naman ako sa film atsaka hindi sya mala-spartacus na may frontal nudity at walang mala porn scenes! Walang ninisan ng tubo o kaya espadahan! Maypagka-wholesome ang peggy!

O cia, hanggang dito na lungs muna mga ka-khanto! TC!

2 comments:

  1. nacurious ako sa pelikulang to. pinanood namin to nung 2006 pa yata hahaha. maganda ung storya kaso nga lang parehong lalake hahaha

    ReplyDelete
  2. nacurious ako bigla kaso baka maloka mga tao dito pagnakita nilang pinapanuod ko toh hahaha

    ReplyDelete

So.......Ansabeh???