Showing posts with label taiwan movie. Show all posts
Showing posts with label taiwan movie. Show all posts

Monday, July 29, 2013

Girlfriend Boyfriend

Happy Monday sa inyo folks! Monday pa, so dapat kahit di pa patapos ang araw, smile naman dyan and everything para whole week ay happy! Bwal sumimangowts kasi nakakabawas ng good karma ang bad vibes!

Kahit na di na nilalagyan ng pagerank ng google ang blog kong ito sa di ko mawaring kadahilanan, keri lang, go go go padin at tuloy padin sa pagsulat at pagtipa ng anik-anik.

For today, back to movie review nanaman tayo......

Guess what country galing ang peliks!

Nope.... Hindi po sa Japan!

Ex! Not Thailand!

Nah! Di rin po India!

Sirets???? Sa bansa nila Shan Cai at DomengSi! hahahaha... Ang bansa ng F4! TAIWAN!

Peliks for the day ay.......... Girlfriend Boyfriend!


Ang story ay somehow magsisimula sa panahon kung saan may Martial Law na ganap sa Taiwan. Medyo mahigpits much sa school ganyan. Tapos may taklong magkakaibigan, Si Aaron (hindi po Carter ang apelyido), Si Liam (Not the role played by Xiam Lim sa Ina kapatid Junakis) at Mabel (hindi Bel ang lastname ni girlay).

Merong ganap na triangulo kasi between friendships! Nope, hindi po ito yung normal na labtrayangel! 

Ganto kasi, merong labteam called MabeLiam. Tapos etong si Aaron, akala niya magjowawits ang dalawa, tapos nalaman niyang hindi, kaya he make porma-porma na kahit alam niyang si Mabel ay medyo head over heels kay Liam. Noong nalaman ni mabel na may ibang nililigawan si Liam, nagkaroon ng MabAaron.

Wop! Eto yung isang side, Magbespren tong si Liam at si Aaron. But it turns out nagkaroon ng hidden desire at may pagtingin si Liam kay Aaron. Pero cannot be tutubi kasi merong nabuong MabAaron. So impossible na magkaroon ng LiAaron. prends padin naman sila.

Years ang lumipas, close friends padin ang taklo. One time, birthday ni Aaron, Nagpasama si Mabel kay Liam na bilan ng shoesy ang kanyang bowa. Buy ng blue shoes si girl. Kinagabihan, nagkalasingan, nabisto naman nito ni Mabel na aba, may gifty si bespren Liam kay aaron, red shoes.... Aba.... nakakaamoy na ng slight si Mabel.

But wait! eto na..... ang crisis sa triangulong pagmamahalans.... Si Aaron, aba, sumusundot pala ng ibang pechay! Maygawd! Nabuking ni Mabel, saksak-puso-tulo-dugo ang sakit na nadama niya. Nagparaya siya.
Tapos nagkaroon din ng confrontation ang MabeLiam. Tila may gusto madin kahit paano si Mabel kay Liam pero alam ni Liam na mahal ni Aaron si Mabel kaya giveup sya.

Friendship over ata ang drama ng taklo. So years past nanaman, 10 years later naman!

Nagkita muli ang MabAaron. Tapos naging kabet-pakbet si Mabel na nakikihati sa oras at pagmamahal ni Aaron sa kanyang asawa at anak. Tapos etong si Liam ay naging kabetbet din naman sa isang married guy na may junakis din.

Nung nagkaroon ng reunion ang tatlo, nagkatensyon kasi medyo umaadidang sa paglandi si Liam kay Aaron. Tapos since alam ni Mabel na may pagtingin si Liam kay aaron pero ang type ni Aaron ay si Mabel, hala, landi din tong si Mabel kay Aaron. Gulo!

At dyan nagtatapows ang synopsis at halos pa-ending part.

Score.... 8.5! 

Almost there na medyo predictable nga lang na ending.

Oks yung conflict sa pagitan ng taklo at ang mga development ng somehow love-triangle between tatlo. Medyo sad part kay Mabel kasi kailangan niyang magparaya twice for Aaron.

Sad din naman sa part ni Liam kasi naging kabit din siya, though narealize niya na mapait ang buhay niya ng makita niya ang sitwasyon niya sa sitwasyon ni Mabel, isang kabetbet na naghahantay na maambunan ng pagmamahal.

Tapos bilang prenship, siya pa ang nag-alaga sa kambal na anak ng MabAaron(semi-spoiler)

At anhaba ng pubic hair naman nitong Aaron, nakadalawang pechay ang nadiligan in someway, kay Mabel at sa nabuntis niya. lols.

Hmmmmm..... somehow kinda relate ang peliks sa My Husbands Lover.... badingerbetserye-ish...plot..... Don't worry, baka di naman gantong plot ang nagaganap sa hiwalayang Billy-Nikki. lols.

O sya, hanggang dito na lang muna! Take Care folks!

Thursday, May 3, 2012

LoveSick!

Kapagod pumasok. Imagine, bukas, pang 7th day ko na. Wala pa akong restday. Wahahaahah. Ako na ang nagpakamartyr-martyran at nakipag-swap ng rd sa nangangailangan na ka-team. I know right, isa akong baliwan sa mga bagay-bagay. 

Well anyway highway, di naman ito post para mag-rants ako ng anik-anik na work related shitness sa buhay ko. nope. Hindi ito bitter-bitteran post kung saan nababanas me na hindi natutuloy yung training sa opis. Walang petiks mode na pahinga sa calls. Hindi tungkol sa inis ko ang post na itow. Movie review this.

Okay, tapos na tayong lumipad sa bayan ng kimchi, sa bayan ng mga anime, sa bayan ng mga sawadeekap... kaya naman lipat naman tayo sa bayan ni tangkay at domeng-su... tama... sa Taiwan tayo kukuha ng peliks na irereview-reviewhan.

Ang name ng peliks ay Lovesick. Oo. Lovesick talaga ang name. Pero kung ayaw mong maniwala... hedi huwugs.


So ito ay kwento ng isang girlay na nag achuchuchu-achuchorva computation na ang isang girlay ay may makikilalang sandamakmak na boylets tapos mga 1% ang makaka-date at eventually mahahanap nya ang dahon este the one.

Nahanap nia yung akala niyang the one nia kaso inaswang si the one at boom. Natrauma sa love ang lola nio! Watdapak!

Mala-never get over you, getting over me ang lantod ni bidagirl and so to the rescue ang mga tits este tita nia at may i create ng rules.

rule 1: Always be on guard
rule 2: Be your own hero
rule 3: True love exists only in Fairy Tales

Then when naka-move-on na si girlay, nagwork sya sa ospital as a laughter therapy volunteer at doon nia nakilala ang boy na nakapagpalaglag panty horny hot hot sa kanya (joke lang yung laglag panty at horny). Kinabog at minartilyo ang puso nia at tila naiinlababo sya.

Pero kenat be ang sigaw ng lovesick niang pukikay este puso. Nilabanan nia ang mga signs and symptoms ng sakit na tinatawag na pag-ibig.

Pero syemps eventually, mas kumabog-kabog, umalog-alog, dumabog-dabog ang puso nia kay doc. 

But wait! Syemps hindi naman tatakbo ang wents kung walang magiging problemo sa kalantutaran ng labers.

Ang siste ay mag-fla-flylaloo abroad si doc para mag-pursue sa kanyang studies at para sa operasyon ng kanyang sister.

So nung narealize what she got realize that their perfect for each other and will never find another. Humabol sa airport si girlay at nag-talumpati about love love has come her way... pero pinili ni girl na pakawalan si boy dahil ayaw niang maging pabigats.

Noong nakaalis na si boy, sa airport pa din, nameet ni girl ang eks nia na isa ng pornstar popstar. Sinugod nia ito at sinapak. At na tv si girl at doon nalaman ni doc ang talagang saloobs ni girlay.

and they live... ever after... sige na nga... happily ever after.

At since natapos na ang summary ng peliks, ang numero para sa film ay 8. Okay sya at maganda naman. Bibigyan ko sana ng 9 kaso kainis yung dvd, hindi sumasabay yung subtitle sa takbo. delayed si subtitle! kaasar-cesar!

Imagine, sa dalawang disc (nadoble bili ko last, sa magkaibang dvdhan sa quiaps) na triny ko, parehong delayed! 

7th day ko nga pala bukas. I'm exhausted na! Well, hanggang dits na lungs muna! TC! 

Sunday, April 8, 2012

Formula 17

Kapag bibili ka ng bultuhang DVD, minsan wa ka na pake kung ano ang gusto mo, horror, action, comedy, romance, porn at madami pang iba. Yung tipong memabili lang at memapanood lang ay keri na. Kaya naman minsan ang mapapanood mo pala ay kakaiba ang plot or yung minsan sablays. hahahahaah.

For today, ang peliks na featured ay isa sa mema-moments. Ang peliks na ito kasi ay ni-suggest lang nung suki kong tindera/tindero sa st. francis square na lumipat na sa quiapo. hehehe. Noong namili kasi ako for my restday ng holyweek, namili lang ako ng taklong films tapos yung iba, kung anong sinuggest niang maganda, sige, binili ko na lang.

Ang pelikula for today ay not the usual movies na napopost at nashashare ko dito sa aking bloghouse. Itong peliks ay may temang hindi naaangkop sa mga taong medyo makitids ang isip at ayaw tanggapin ang reyalidad sa buhay ng tao.


Ang pelikula ay may pamagat na Formula 17. Kung anong reason at ganun ang title, di ko alam at di ko din maintindihan! wahahaha.

Ang wento ay tungkol sa isang binata este dalaga este binatang-dalaga na nakipag meet sa kanyang ka-chat sa syudads. Naks, anhaba ng hair ni boy-girl kasi may ka EB sya. So fly away, skyline pigeon fly ang drama tapos eon na, nag-meet na sya ng kanyang ka-chat. Then boom. Gustong makipag-kembyular at iskabeche at mag chupachups ng ka-chat nia. Pero ayaw ni boy-girl. Kasi he-she believes na kailangan ibigay ang bataan sa taong mahal nia!Birhen pa daw ang kanyang mouth, hands and wetpaks. Lantod!

Since tumanggi sa tawag ng laman si boy-girl, pinuntahan nia ang kakilala nia na nagtratrabaho sa isang gay bar. Humingi siya ng saklolo para may pag-iistayan at pagtratrabahuhan sya while nasa city.

Yung friendships nia naman kasama ng iba pang dabarkads niang kasapi ng peder ay gumagawa ng way para sumuko na ang bataan at bumagsak ang corregidor. Pero wit, antibay ng fighting spirit ng boy-girl! Ayaw patinag at ayaw padala sa temptation island! Sing tibay ng bato, sin tatag ng semento ang drama! Unkabogabol!

Yung strong resistance ni boy-girl ay nilusaw ng kanyang type na guy.... itago na lang natin sa pangalang payatotperodiskinny-guy. Nalaglag-panty-laglag-brief mode si boy-girl. Pero dehins pede sabi ng friendships nia kasi pinaglihi daw sa laing si payatotperodiskinny-guy.....ang-kati! Kabog pa ang kangkarot na kuneho na laging in-heats!

Anong manyayare sa story? Secret! hahahaha. pampabitin lang kasi mahaba na ang nababasa nio. :D

For the film, may score syang 8.5. Mataas din sya kasi may kilig factor ng slight between the two. Yung parang nanood ka ng crazy little thing called love pero this time, 2 guys nga lang ang bida. Mataas dahil napatawa naman ako sa film atsaka hindi sya mala-spartacus na may frontal nudity at walang mala porn scenes! Walang ninisan ng tubo o kaya espadahan! Maypagka-wholesome ang peggy!

O cia, hanggang dito na lungs muna mga ka-khanto! TC!

Thursday, November 3, 2011

Secret

Kamusta na kayo mga madlang people? Are you okay-alright? Are you alright-okay? Natapos na ang undas at tapos na ang long weekend at ako naman ay nag-file ng birthday leave kahaps kesa naman hindi ko magamit ito. :D

Nagtambay me sa mall at doon ko napag-alaman na sa darating na friday hanggang sunday, nov. 4-6, merong toy sale ang Toy Kingdom sa megamall at tiyak jampak ang tao dahil magpapasko na.

Ngayon pala ang start ng pangongolekta ng SB stickers para sa mga nagbabalak na kumuha ng planner. hahaha, kape-kape na.

Anyway, wala naman kinalaman ang mga nasabi ko sa intro-introhan sa talagang post ko. Today, tayo ay magkakaroon ng film review.

Napadpad na tyo sa India, Thailand, Japan, Korea.... Lipat naman tayo ng ibang bansa kaya for today.... let's go sa Taiwan!

Gusto nio bang malaman ang titulo ng peliks? Secret........ Hahahaha. 


Nakita nyo na ang poster ng peliks.... Secret talaga ang name.... so ayan. ready na ba you sa synopsis? okay.

Eto ay tungkol sa isang guy na nag-enroll sa isang music school sa isang place. Bago lang siya so itinour sya sa place. Sa iskul ay merong isang music hall na may piano. Doon niya unang narinig ang isang kakaibang music na never nia pa narinig. Doon nia din nakilala ang isang girl na mysterious.


Nagkaroon ng mutual understanding yung dalawa but may time na nagkalabuan dahil sa isang kaklase ng boy at di nagpakita ang girl. 

Sa kwento ay malalaman ang secret. Hindi po multo yung babae. Mali ang akala ko. Bwahahaha. pero iba.

At dyan nagtatapos ang ating wento. Di ko syempre isusub ang buong wents dahil gusto kong mapanood ninyo ito.

Simple lang ang pagkakagawa sa movie, walang mga epek-epek pero okay yung part na nag-plaplay ng piano si boy lalo na yung nakipag-music showdown sya.

Maganda din yung twist ng wento. Kakaiba eto sa ibang napanood ko na peliks. Bibigyan ko ito ng 9 na iskor. :D taas no? E kasi nagustuhan ko yung takbo ng wento e. :D

Hanapin ninyo na lang sa mysoju.com at mag stream. O ha... http://www.mysoju.com/browse/taiwanese-movie/

O sia, hanggang dito na lang muna mga pips. TC!