Saturday, June 30, 2012

Month End Random

 Nasaan na ang Bertud? lols

Kamusta na mga ka-khanto?! Oks naman ba kayo? Okay naman ba kayo sa alright? Okay, for today, random-random lang ang drama.... wala akong maisulat..... di pa nabubuo mula sa sabaw. 

-Nag-start akong mag oatmeal cookie diet sa opis. Bumibili ako ng quaker oats kukis para hindi na ako mag rice pagkagising ng 6pm, rice sa break ng 11pm at rice sa lunch ng 3am. Iwas carbs on carbs on carbs.

-Magjujuly na pero haywan ko ba.... ambagal ng proseso slight sa opis. Di pa alam ang result ng application ko. I'm on the edge (of glory..Lady gaga?).... nakabitin me.... este di ko alam kung aasa akong pasok ako or bagsak me at di qualified.

-Balik Naruto-arena nanaman ang nilalaro ko. Ewan ko ba..... Kahit super tagal na nitong game na ito ay nagagawa kong balikan at pag-ukulan ng time and energy (energy? e click-click-click lang ginagawa ko).

-Gusto kong manood ng bagong spiderman movie kaso feel ko jampaks mamaya sa sinehans. Ayoko kaya ng matao.... socially awkward kasi me. 

-Sa opisina, kapag idle, since bawal na ang uber pesbuking..... lurk mode sa chwirrer at blog tapos nagbabasa na lang ako ng manga. Wala na akong net life. 

-Natatambakan na ako ng dvd na di ko mapanood. Di na sapat ang restday para dun.

-Di ko pa magamit yung voucher ng Manila Ocean Park. putragis... Kahit restday ko ng weekends, feel ko jampak at pila balde ang mga visitors dun. Ayoko kaya ng uber pila mode.

-Minsan... naiinis ako samudrax ko... Bigla na lang babanat na kailangan lakihan ko daw ang ambag sa bahay (as if naman napropromote at tumataas sahod ko). O kaya, hihirit na kailangan magjowa na! Hanubayan!!

-Ang ate ko na ang pumi-pbb teens. May jowabels pero kapag di kasama ang juwawits, kung makasabi na naiinis sya, wagas, pero pag makalakwatsa with boylet, ayun, kontodo pics. Hontindi!

-marami akong gustong gawin na di ko masimulans. hahaha.

O cia, hanggang dito na lang muna. TC!

Friday, June 29, 2012

Ulanis Morissette


Yo! Me bagyong umaaligids aligids sa pinas kaya naman medyo bed weather o yung honsorop-sorop mag-stay sa kama at magpatambling-tambling at magpa-roll-roll.

Kasabays naman ng masaraps na lamig na dulot ng tubig na unti-unting bumubuhos at pumapatak sa lupa, eto din ang time na minsan, trip-trip ng mga taong mag-senti-sentihan at mag-emote at tila gusto pang gumawa ng MTV.

At kapag trip gumawa ng bidyo-bidyohan at habang mega patak ng luha ka sa ilalim ng rain, dapat may kasamang musika para naman F na F or pil na pil nio ang music vid ganyan.

Ergo, heto ang mga kantang may relasyones sa ulan.......

1. After Image's Tag-Ulan.

 

2. Rivermaya's Ulan


3. Cueshe's Ulan



4. Eraserheads' Tuwing Umuulan at Kapiling Ka


5. Aegis' Basang-Basa sa Dura Ulan


Hehehehe, napa-kanta ba keyo... ahahahaha.

O cia, hanggang dito na lungs muna. TC

Thursday, June 28, 2012

Colorful Toads

Nagulats me.... Akala ko iisang klase lang ang toad sa Super Mario.... Nag-evolve na pala ito at nagkaroon ng technicolored toads.


Hong kyuts nila no? aaahahahah.

O cia, sabaw mode na ako...... Wala akong makwents at mashare dahil walang ganap. :D 

Happy Thursday sa inyo!

Wednesday, June 27, 2012

Psyren

Hey there! mustana?  Oks ba you? Goods! So heniway, after ng magkasunod na book review.... syemps kailangan magpahinga muna.... wala na din kasi akong new book na binabasa.

For today, anime/manga muna ang featured sa blog na ito.

Ang name ng manga ay 'Psyren'. Tama.... kung ano ang title, syaring topic.

Ang comics/manga na ito ay may genre na action, adventure, romance, supernatural, super powers, scifi, at fantasy.

Based sa site na pinagbabasahan ko....eto sa ibaba ang description/story flow.

Yoshina Ageha is a high school student who offers to help people with their problems for 10,000 yen. He'll take care of your stalkers, find your lost animal, whatever you want. One day when he's heading home, a nearby pay phone rings, and he picks it up. The only thing he hears however is his own voice echoing. After finding a mysterious card with the word 'Psyren' printed on it, his life suddenly changes as he is drawn into a crazy new world.

Subalits para sa mas simpleng synopsis at khanto style.... eto ang aking say.

Ang wento ay tungkol sa lalaking si Ageha na nakakuha isang araw ng isang phone card. And then, sa iskul bukol nia, may classmate syang girlaloo na meron ding phone card. And after that, mysteriously nawala na parang bubble si girl. And after that, si boy ay napatravel din....napadpad si boy sa another dimenyon.

Dito magsisimula ang adventure at pag-unravel ng mystery dahil una, magkakaroon ng psychic powers ang mga nabigyan ng phone card na nag-travel to another world. Then... malalaman nila na ang lugar na napadparan nila ay ang future.

At dito ko puputulin ang wents. Basahin ang storya sa mangareader.net kung nais alamin.

Ang buong wento ay may 145 manga (mas maikli compared sa mga ongoing manga like OP, naruto or bleach).

Natapos ko ang manga na ito within 1 week (habang idle sa opis).

Since this is a feature post, walang score/rating.... di naman ito isang review. hahaha

O cia, hanggang dito na lang muna. TC!

Tuesday, June 26, 2012

It's Not That Complicated

Natapos ko na!! Hif-hif, Huray! After 1 week simula ng mabili ko ang book, nagawa ko din isingit sa busy-busyhan kong time at natapos ko din ang isa sa pending na libro.

Ang librong ibibida ay ang karugs ng librong nabasa ko way back 2010 pa. O ha.... Ito ang book 2 ng Ligo na U, Lapit na Me.

Ang first book ay tungkol sa college kangkangan moments and paglalaro ng apoy ng fuck buddy este friend with benefits niang si Jen. Dito din iikot ang pagkadebelop nia sa girlay subalit in the end, nawala na lungs na parang bula si Jen. 

Sa new book, tatakbo ang wento sa new adventures ng bida na si Intoy. Working mode na sya. Dito ay magtratrabaho sya as creative cheberlin at dito nia mamimit ang bossing niyang girlaloo, si Tina.

Nakatali padin ata ang puso ni Intoy sa alindog ni Jen pero ngayong nagwowork na sya, tila may bagong babae na bibiyakin nia.... si Tina.

Sa unang bahagi, isasaad ang development ng pagkakakila niya sa boss na tila nahuhulog sa kanya. Tila nahulog nanaman sa pagiging suplado ng bida. (powerful pala maging suplado!).

Mula sa ground zero, nag-uunti-unti ang mga signs at naging pers base, meet-ups, then nadala si Intoy sa condo ni girl, then may kiss, then may invitation para mag boracay.

At doon na magkakaroon ng kabogabol twist. Nung una, nakatikim este natikman ang kanyang batuta dahil sinubs ito ni Tina, then nung time na magboboomboompow na with kinky handcuff, bondage and lights off effects, biglang malalaman ang revelation!!!!

Enter the dragon and pasok sa eksena si JEN! OMAYGAS!

At dyan ko na puputulin ang synopsis. Basahin ninyo ang libro para malaman ang kakaibang wento ni Intoy, ni Jen at ni Tina!

Score.... 8.5! oo, may dagdag na point 5. Hahhaah. Though medyo mabagal ang pace ng story during first half ng book, nasiyahan ako sa naging twist ng story. lalo na ang pag-entrada ulit ni Jen. Ang mga shocking revelations at ang pahiwatig na baka magkaroon ng next story (sana).

Masaya ang sexcapades story ng libro... hahahah... talagang kasama iyon kaya may point 5.

Kung gusto niong mabasa itong libro na ito, ang maganda at magaling na fiction blogger na si Mads ay may pasabook promo at ito ang prize. http://itsmadzday2day.blogspot.com/2012/06/pasabook-16.html

O cia, hanggang dito na lang muna. TC!

Monday, June 25, 2012

Ako si Jayson!

Woooops! Hindi po ako nagpalit ng pangalan. Khanto este Gelo padin naman ang namesung ko at yun padin ang nakalagay sa aking birth cert. at sa company id at kahit sa aking passport. Ang tinutuks sa title ng blogpost na ito ay ang pamagats ng librong ibibida.

Di ko pa tapos yung pending books pero mas nauna kong natapos yung bagong libro na kabibili ko lang last sunday. 


Ang oroginal namesung o pamagat ng libro ay 'Ito na Siguro ang Pinakamahabang Title ng Isang Libro na Ginawa sa Pilipinas at Nagmula sa Munting Facebook page ni AKOPOSIJAYSON na Walang Maisip na Pamagat'. At dahil sa over sa habs ay pinaikli kaya naman 'Ako si Jayson' na lungs ang napili.

So what's inside the book? Samu't saring kwents. Parang blog post and enumeration type. May 15 (kung tama ang recall prowess ko) kabanats ang libro na tumatalakay sa kung ano-anong bagay at anik-anik.

Ang hatol, mas better sya doon sa ilang libro na nafeature ko noon like (to kill an angry bird). In terms of topic, medyo nakarelate me sa mga selections kaya for me ay okay to.

Pati ang language na ginamit ay natural, hindi malalim at hindi hifalutin. Hindi nakaka-nosebleeds at simple ang mga katagang ginagamits.

Rating ng book ay hindi syete pero otso. Pwede at pasok sa jar!

O cia, hanggang dito na lang muna. Try kong basahin ang naka-pending na libro. TC!

Love on That Day

Huwats! Lunes na agads, sa gabi ay may pasok nanamans me! Omergerd! Di ko nasulits ang aking restday. Mostly kain-tulog-nood lang nagawa ko. Di man lungs ako nakapag-lakwatsa or mall hopping. 

Anyway, for today, tayo ay mag-momovie-review-reviewhan. Tomo...... peliks time nanaman. At asian film nanaman.

Kung binasa nio ang title, syemps, knows nio na ang name ng peliks ay 'Love on that Day'. Ito ay isang peliks sa bansang China. Ang twist, may import silang actor na mula sa bansang Thailand... si Mario Maurer.


For synopsis, ganto ang takbo ng wents. Sa china, merong isang hotel na may pakulo na ang mga labers ay pedeng magsulatan para sa isa't-isa then kapag-bumalik sila sa same place for 2 years, mababasa na nila ang liham ng mag-jirog.

Then doon talaga papasok ang kwents. Si boxer boylet na sa totoong buhay aysi Mario Maurer ay nagpunta sa hotel para mag-imbistiga para sa isang letter na hindi na claim (love letter ng parents). 

And so, while nag-iimbestiga pa sya ng slight, dito nia mamimit si chinese girlay na mukang nakapalagayan nia ng loob.

Tapos syemps, magkakadebelopan si boy at si girl tapos may lab-trayangol na ganap kasi may bestpren na lalaki si girlay. And naging love square kasi may isa pang prenship si girl na babae, may gusto naman to sa bespren na lalaki ni lead girl.

Tapos, syemps, may conflict dapat at kelangans may uuga at kailangan maghiwalay ang nagkakaibigan. Tapos merong eksena na mamimili si boy between profession nia na boxing or ang pinipintig at tinitibok ng titi este puso nia. But in the end, love prevails. The end.

Typical love movie pero light in some manner. Parang San mig lights (may ineendors??). Walang super duper heavy drama. Walang kembotang naganap. Walang nude scene. Kahit rips to rips, wala. So-so lang ang takbo ng wento.

All in all, pwede na dins pero not magnific (wow, new adjective). Pwede na ang around 7.8. Medyo matabang ng konti pero keri na at nakatawid gutom (parang pagkain lang?).

Well, heniway, pandagdag na lungs sa post na ito ang posters ng mga bida.





O cia, hanggang dito na lungs muna. Manic Monday nanaman pero everything will be fine. TC!

Sunday, June 24, 2012

No Blog Music


Waraps! Kamusta ang weekend? May sunday pa so enjoy-enjoy the day and kalimuts muna ang mga problems.
 
Last week, napahamak ako ng paglalagay ng music sa blog ko. Kainis, kabadtrips, kaasars.
 
Paano ba naman, sa opisina kasi, ipinagbawal na ang pesbuk at youtube kasi daw kumakain ito ng company resources like bandwidth and stuff. So syemps, mainits sa mata ng mga IT chuvaness ang mga workers na heavy streamers and clickers sa pesbuks and youtubes.
 
Ako naman feeling ko safe ako kasi di naman din me clicks ng clicks sa pesbuk at di naman me nanonoods ng vids sa youtubes at dahil blogs at pex forums lang madalas ang non-work related eklaver na binabasa ko pampalipas oras.
 
Tapos nitong friday morning, BOOM! Kapow! Sblaaagssh! Pinatawag ako ng supervisor/team lead ko. And tantararan..... May NTE (Notice To Explaination)!!! Ako ay napa-watdafudge, na-shak at na-stun.
 
Akala ko sa pesbuk ako mayayare kasi aaminin ko nakabukas naman lagi pesbuk ko at minsan makomento ako sa mga post ng mga tao. Pero, para akong binuhusan ng kumukulong mantika at prinito na sinangkutsa....Heavy user daw me ng YOUTUBE!!!
 
Ambilibabol! E putragis, bihira naman me manood ng vd kahit sa pesbuk kasi usually yung vids ay virus related kaya yun ang mga iniiwasan ko. Tapos ako pa tong pasok sa jar ng top 10 youtuberos! watdapaks! and guess whats, 255 hits ang ayon sa analysis.
 
Wala akong nagawa ate charo at napasagots na lungs me na hindi na uulitins ang sin/kasalanan kahit medyo confused pa ang lolo nio bakit umabots ng 255 hits ang youtubing ko.
 
After kong magreply-replyan sa letter na binigay sa akin.... dun ko lang napag-isipan na ang week na isinaad kung saan natagpuan na ako ay heavy youtube user ay during the time na emo-emohan ako.
 
And then it hit me.... iyon yung time na nagkabit ako ng mixpod app sa blogs para magplay ng song/ music. Boom! Naalala ko na youtube vid pala yung songs na nakalagay sa mixpod! Ampupu. So everytime na naka-tengga ang blog ko sa browser at nagplaplay ang kantang 'bulag sa katotohanan' at other sumesenti songs ay inilalagay nito ako sa kapahamakan.
 
At dahil dyan, no blog music policy ako. Saka kung may blog music ang blobloghappan ko at lalo na koneks sa yooutube ang music, iiwasans ko dalawins while nasa opis.
 
Hays!!!
 
O cia, hanggang dito na langs muna. May tinatapos kasi akong manga e. TC!

Saturday, June 23, 2012

Pending Books

Hellows! Kamusta na kayo? Habang katatapus lang ng bakasyones ko at back to work na ako, medyo walang bagong ganap na maididiskus.

However, By next week, siguro expect a book review. Oo, book review kasi may dalawang libro akong nabili last week during the toycon.

For now, preview lang ng book covers.



O cia, hanggang dito na lang, weekend na, Enjoy the weekend and party like a rock star (<< san ko napulot ang expression na to?). TC!

Thursday, June 21, 2012

Ang Toycon 2012

Tapos na ang adventureness sa bohol and back to Manila na ako last saburday. Nais ko mang pumunta sa megamall agad-agad, i decided na magpahinga na lang muna at pumunta sa toycon sa last day nito.

Sagasa kasi sa schedule ko kaya naman di ako nakapunta ng day 1 and 2 ng toycon pero pwede na dins at atlist nakahabol ako sa pangatlong araw.

Maaga akong pumunta sa mall at dun na tumambay hanggang hapon. Tulad ng last year, sandamukal ang mga toyshops at mga booths at syemps ang mga toy exhibits.

Di ko na patatagalins pa, heto ang mga larawan ni tordie (third digicam ko).

 Stitch

Mr. Popo

One Piece Figures

Cute Phone accessories

Mugs

 Trese Murder Character Plushies

 Voltes V

Panday, WarMachine and Hulk

 Project Runaway Dolls :P

 Ryu

Hug mo ko... PbbTeens?

 Akuma

 The Sentinel

Spidey

 Captain America

 Thor

 Incredible Hulk

 Superman and Batman

 Wolverine

 Dr. Doom

 Manny P. boxing match

 Sakura (with and without clothes)

 Ibuki (with and without clothes)

 Angel of X-Men

 Parang Kung Fu Panda :p

 Lupin and Friends

 Mickey and Friends

 Bruce Lee and Capt. A

Ninong Manny Bust

 Assorted Fleece Hats

Fleece Hats

 Baby Chun-Li (blurred)

I-pin of Katekyo Hitman Reborn

 Sailor Saturn

 Lucy of Fairy Tail

 Green Lantern (parang may Doctor na kahawig)

 Capt. America

 Double Luffy (New World and Alabasta Costume)

 Naruto

Me Gusta! with Elie of Rave

Masaya ang toycon 2012. Unfortunately, conting cosplayer ang napicturan ko kasi most pics blurry (pasmado ata kamay ko, lols). May nabili akong dagdag sa collection kong One Piece figures pero bad trip, kulang ng isang character (nabili daw noong day 2). Ayun. HAhahah.
 
O cia, hanggang dito na lang muna. TC folks!